Chapter 1

1.4K 34 0
                                    


AMARA


"Amara, wake up. Malalate ka na sa classe." Mahinahon na dinig ko kay mommy.

"10 more minutes!" Sabi ko dito.

"What? E kanina mo pa sinasabi yan ah. Your friends are waiting for you may usapan daw kayo na sabay sabay kayong papasok ngayon." Sabi ni mommy at narinig ko ang mga yabag niya na palabas ng kwarto ko.

WHAT?!!! OONGA MAY USAPAN PALA KAMI!! PAKTAY!! TALAK NA NAMAN ANG ABOT KO NITO!

Nagmadali ako ng kilos, pagpasok ko sa bathroom siguro after 15 minutes ay tapos na ako. Nagsuot na ako ng uniform and nag ayos ng sarili. Kinuha ko ang backpack ko at lumabas na ng kwarto.

Bumaba na ako at dumiretso sa sala.

"After so many years!" Sabi ni Kylyn.

"Baka kulang pa oras mo? Sige tagalan mo pa bes." Sabi naman ni Shina.

"Sorry nawala talaga sa isip ko na may plano pala." Nagpeace saign ako at agad na pumunta sa kusina.

I kiss mommy on her cheeks at kala ko makakawala na ako pero bigla niyang hinigit ang kamay ko.

"Kumain ka muna." Sabi nito.

"Malalate na ako mom, sa school na lang." Arte ko dito.

"No! Eat first. That is not my fault, kanina pa kita ginigising." Sabi niya pero di naman galit.

Wala na akong magagawa I need to use my cuteness powers.

"Please." pacute ko.

"K. Fine, you win." Sabi ni Mom, at napatalon ako sa tuwa. "Hindi na kita pipilitin kumain but kailangan mong magdala ng sandwich. Eat it while walking para magkaroon ng laman yang tiyan mo." Sabi nito.

Kumuha na ako ng sandwich at inaya na lumabas ang mga kaibigan ko.

Naglakad na kami sa sakayan ng taxi. Dito kase sa subdivision may sakayan ng taxi, kaya walang kahirap hirap.

Nang makasakay na kami ay nag simula na namang mag kwento si Shina sa walang kasawa sawang fantasy stories na yan.

"Alam mo ba, may nabasa na naman ako at grabe ang astig niya, and her power is so amazing!" Excited na kwento ni Shina.

Tinignan ko si Kylyn at mukhang okay naman sa kanya na naririnig yun.

"Yan ka na naman, nagpapaniwala ka na naman dyan sa mga fantasy fantasy na yan. Alam mo stop wasting your time sa mga bagay na hindi naman nakakaganda ng economy." Taray ko.

"Here we go again, the great basher of Fantasies, Amara Freya Geron!" Seryosong sabi ni Kylyn.

Naglagay nalang ako ng earphone sa tenga ko. Hindi ko makayanang di mabwiset kapag nakakarinig ako ng fantasy stories. I don't know why pero bata pa lamang ako ganun na daw ako sabi ni mommy.

Oh! I forgot to introduce myself; I'm Amara Freya Geron, 1st year collage from Vicente Emmanuel University. I am the only daughter of the best mother in the world Monique Silverion Geron, she is a single parent.

Nang makarating kami sa school ay nagmadali kami dahil 5 mins. nalang ay mag ri-ring na ang first bell meaning late na kami.

Nakarating kami sa classroom ng pawis na pawis at agad na umupo sa kanya kanya naming upuan. Nakakahingal!

After 5 minutes, dumating na si adviser and may dala siyang Fish bowl na may lamang mga papel.

Nagsitahimik ang lahat dahil mukhang may announcement.

"Okay class, 3 days from now we will be celebrating the BOOK WEEK meaning 1 week na puro activities and reading logs." Juice colored naman ito!!!

Nagtinginan kaming tatlo nila Kylyn at mukha silang excited habang ako ay ito, nabibwiset na naman. Book Week na naman puro fantasy book ls na naman. Hays. So boring.

"Sir!" Nagtaas ng kamay yung isa naming classmate.

"Yes, question?" Tinawag siya ni Sir.

"Last year nagkaroon po tayo ng booth ngayon po ba ano po ba ang gagawin natin?" Tanong ng classmate ko.

"Good question! This will be the most brilliant plan na naisip ko. We will be having a stage play and naiplano ko na din kung ano ang i aact niyo." Seryosong sabi ni Sir.

"Ano po ba yon sir." Singit ni kylyn.

"Tinkerbell." Biglang sabi ni Sir.

What!?!?! Tinkerbell juice colored anong grade na namin. Okay naman sa akin na mag stage play kaso bakit tinkerbell pa. Wag lang sana ako mapili bilang actor.

"Itong fish bowl na ito ang naglalaman ng mga pangalan niyo, mag bubunutan tayo kung sino ang magiging mga actor and actress ng stage play natin." Sabi ni sir.

Halos lahat sila excited except sa akin. Sa alahat ng iaact fantasy story pa ang napili. Kalokohan!

Nagsimula ng bumunot si sir at nagpapasalamat ako na di pa ako nabubunot. Okay na sa akin na gumawa ng props kaysa umarte.

"Ang gaganap na Tinkerbell ay.." Bumunot si Sir sa Fish bowl.

"Amara Freya Geron. You are the main character." Sabi naman ni Sir.

Wtf!!!!!

Reallly!!!!

Bat akooo!!!

Noooo!!!!!

--------------------------------------------------------

Kamusta naman ang chapter 1 haahahaha andaming revisions nito. Ewan ko ba hindi mapakali ang utak ko kakaisip ng mga plot.

*Edited <3*

S42 Academy: Princess Sacrifice  [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon