Chapter 1
Amethyst's POV
"Anak.. Anak gising na.. kailangan mong pumasok.. sige na anak" ani ng isang boses habang marahan na hinahaplos ang aking braso. Si Aunt Celine.
Tinignan ko na siya at ngumiti, tanda na ako'y gising na. Tumayo na rin ako pagkalabas ni Aunt Celine at ginawa ang dapat gawin
Pagbaba ko mula sa 2nd floor ay nadatnan ko si Aunt Celine na abala sa paghahanda ng aming makakain. Nginitian niya ako ng makita niya akong bumaba.
"Anak kain na tayo. Malapit ka nang mahuli sa eskwela" sabi ni Aunt Celine. Pagkatapos namin mag agahan ay wala akong imik na sumunod sa kanya at pumasok na sa kotse, sumunod na din siya at hinatid na niya ako sa aking papasukan, Ang Crystal Lake International School or CLIS for short.
"Mag iingat ka anak ah? Don't worry, the students here in CLIS are kind and friendly. Okay young lad?" Mahinhin na paalala sakin ni Aunt Celine bago maka alis.
'Totoo kayang mababait sila kumapara sa mga estudyante sa dati kong paaralan? Sana di nila alintana ang hindi ko pagsalita'
I'm Amethyst Olivia Lockhart. Ako ay 20 taong gulang at isa akong pipi, di naman talagang pipi dahil may kakayahan ako magsalita ngunit di ko ito ginagamit, bagkus hindi pa ko nakakapagsalita mula ng may mangyaring karumal dumal sa buhay ko noong labingdalawang gulang ako.
Nasa kolehiyo na ako at kasalukuyang nasa 4th year ako, ngunit lumipat ako sa ibang eskwelahan dahil sa patuloy na pambubully ng kapwa ko estudyante. Kaya't ganito na lang ako katakot na baka walang pinagkaiba ang bago kong mga kaklase sa dati.
Papasok pa lamang ako sa entrada ng CLIS ay naririnig ko na ang mga kapwa ko estudyante na may mga sari-sariling mundo. May nagkekwentuhan, may naglalampungan na sa tingin ko'y mag karelasyon at iba pa. Hindi na lang ako masyadong tumingin tingin baka mapansin pa nila ako, I don't want attention. Kaso nga lang hindi kami nagkasundo ng tadhana.
'Is she the new girl who's name is Amethyst?'
'I think she is'
'Super simple naman niya magdress up, ano ba yan'
'But she's pretty, but I think she's weird'
'Why'd you think so?'
'Look at her actions, she's like waiting for someone to approach her but not in a good way'
'Let's just don't mind her, she's not our business anyway'
That's good, don't mind me.
Nagtuloy tuloy lang ang paglakad ko papuntang Administration Room sa room 301 para kunin na ang schedule ko at susi ng locker ko.
Nung nakita ko na yung room, huminga muna ako ng malalim at pumasok na. Habang patungo ako sa isang counter ay pinagtitinginan na ako ng mga tao na nasa loob ng Admin Room. Hindi ko na lang binigyang pansin at pinakita sa 3rd counter ang tinype ko kanina lang.
'Can I get my Schedule? I'm Amethyst Olivia Lockhart and I'm the daughter of Celine Lockhart'
Binasa nito ang aking sulat na pinakita at nginitian ako pagkabasa, may kinuha siya sa isang drawer at binigay saakin ang kanyang kinuha kasama na ng susi para sa aking locker.
"I'm glad to meet Ms. Celine's daughter, yeah? I know your condition so I won't force you to talk. Enjoy your stay here in Crystal Lake International School and good luck to your studies, aja!" Masiglang ani nito at nginitian ko na lang siya at nagbow, umalis na rin ako sa Admin Room pagka bow ko. Not minding the students who keeps on staring me.
BINABASA MO ANG
The King's Obsession (ONHOLD)
WerewolfShe is his obssession. His possession. His sweet. "Amethyst Olivia Lockhart"