All the hard work, for love.

37 1 0
                                    

"He's coming! He's coming!" impit na sigaw ni Luna.

Mula sa binabasa niyang libro ay nag-angat ng tingin si Nira. With her best friends' twinkling eyes, She got right away what she meant.

Throwing the book aside, inayos niya ang kanyang sarili. Dali-dali siyang nag-polbo at nagpahid ng lip gloss habang si Luna ay sinusuklay ang buhok niyang maayos naman na, gamit ang kamay nito.

She heard a whistle. A sign that he's near. Without further ado, she crossed the distance between her seat and the door. Pasimple siyang tumayo doon at kunwari ay nakikipag-kwentuhan sa mga kaklase niya. That's when she smelled it. The most delicious smell that graze the earth. The scent of the man that she love.

Andrei Crisanto.

If she were to describe him, she might be guilty of un-fairness. Dahil sa mga mata niya, perpekto itong nilalang. With his hair that dance even in a slight breeze, eyes that speaks thousand of words, lips that promise eternal love, and his mole. A very cute mole on the right side of his chin. I want to kiss it...

Alam ng buong klase ang pagtangi niya dito. Paanong hindi nila malalaman, simula't-sapul ay hindi niya naman itinago na hibang na hibang siya dito. Suportado nga ng mga ito ang lahat ng kabaliwan niya. Katulad na lang ng pumito kanina, isa iyon sa paraan ng pangungunsinti ng mga kaklase niya sa kanya. 'I love you, guys!' And of course, Andrei also know it. 'Syempre, siya ang receiver of affection ko eh.'

Nang makalapit na ito sa kinatatayuan niya ay tinawag niya ito.

"Andrei my labs!"

Ngunit parang wala itong narinig at patuloy lang sa paglalakad.

"My labs naman eh, alam mo namang walang epek sakin yang pandededma mo di ba?" wika niya habang hinabol ito at sinabayang maglakad.

"Whoa! Go Nira! Goodluck!" sigaw ng mga naiwan niyang supporters.

"Salamat guys! Di ako papatalo sa kasungitan nito! Wuuu!" tugon niya sa mga ito. "So, my labs. Saan ka pupunta? Kakain ka na ba? Tamang-tama, hindi pa din ako nag-lunch. Medyo nagwawala na mga dinosaur ko sa tiyan. Sabay na tayo. Libre ko."

Still, he kept on walking and continued to act as if she's not existing. 'Ouch huh.'

"My labs." tawag niya muli dito. "My labs, my labs, my labs, my labs, Andrei my la-,"

"Stop it!" nagtitimping angil nito. Huminto na ito sa paglalakad at humarap sa kanya. Halata sa mga mata nito ang inis.

"Uy, in-acknowledge mo na presence ko?" pambabalewala niya sa obvious na inis nito. Sanay na siya eh, lagi naman itong ganun. Sa kanya nga lang. Isa kasi sa pinaka-ayaw nito ay ang taong makulit. Which is her, personified.

"Whether I acknowledge you or not, you'll keep on pestering me. I don't pretty much have a choice, do I?"

"Uy! Demokrasya ang umiiral na batas natin dito sa Pilipinas. Malaya ka sa kahit na anong gusto mong gawin."

"And I can see that you're using your freedom very well."

"He-he. Syempre. I invoke my rights!" ani niya sabay taas ng kanang kamay. "So, let's eat lunch?"

Napatitig ito sa kanya. Holy gawgaw! Namalik-mata ba ako? "Is that a smile?" nanlalaki ang mata na tanong niya dito.

Dali-dali ay nagsalubong ang mga kilay nito. "What the heck are you talking about?" inis na sagot nito. "Whenever you are around me, smile is the last thing that I'll do. You're pissing me off."

"No way! I'm pretty sure that you smiled! I can't be wrong! Walang nakakalampas sa akin pagdating sa iyo, my labs!"

"Stop calling me my labs!" tinalikuran na siya nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Wait! Andrei!" Habol niya dito. "Sabay na tayong mag-lunch!"

"Sa ayaw at sa gusto ko, alam kong sasabayan mo pa din ako."

Napangiti siya hanggang tenga. 'He knows me well. That's love.' self-proclaimed ng isipan niya.  Nang maabutan niya ito ay kumapit siya sa braso nito. "It's a lunch date!"

He snorted, but she ignored it. Kahit gaano pa siya sungitan nito, the ghost smile he showed her will keep her pushing on for the rest of the day.

~~~~~~

Hello! Thanks for reading. :) This is my first time na mag-seserialize. XD So, let me know what you think? :) Thanks a bunch! :D

All the hard work, for love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon