DAY 1 !
GOD BLESS ME!
YAY! FIRST DAY! Gumising ako ng 5:30AM, para may 1 hour and 30 Mins preparation ako dahil, 30 mins ang biyahe papuntang North High, Sinimulan ko ang araw ko ng parang dati pa din, INAYOS ANG KAMA, NAGHILAMOS, NAGTOOTBRUSH, NALIGO,NAGBIHIS, NAGLUTO NG ALMUSAL NAMIN, KUMAIN At saka ako umalis :)
Pagdating ko sa school ay 5 minuto nalang ay magsisimula na ang Assembly, kaya nagmadali ako sa Gym. at mabuti nalang ay umabot ako! (THANKYOULORD:D) Habang ako ay nasa pila na, bigla nalang nagtawanan ang mga babae sa likod ko, narinig ko ang mga sinabi nila
GIRL 1 : Hahaha, mukang tanga si ate oh . hahahahah
GIRL 2 : Papigtailpigtail pa! ang pangit naman hahaha.
GIRL 3 : Girls, layuan natin yan baka mahawaan tayo sa PAGKAIDIOT nyan :)) :PP
Hindi ko nalang pinansin at ngumiti nalang ako. :) Oo maganda sila, pero sana hindi naman sila nanglalait ng iba. pero hayaan na :)
Pagkatapos ng Assembly, pumunta ako sa bulletin board para malaman kung anong section ako, at pagkakita ko, 3-A ako :) masaya ako at umakyat na sa room.
Pagpasok ko, parang wala lang, haha, medyo masakit, kasi kahit yung iba classmate ko sila last year, wala man lang bumati sakin ng HI. HELLO , o GOODMORNING. Dumeretso ako sa pinakadulo at malapit sa bintana na upuan, parang nung 2nd year ako. Habang sila naguusap usap at nagtatawanan, ako hawak hawak ang geometry book ko, at nagaaral.
Napansin ko bigla nalang nagtiliian yung mga babae, at pagtingin ko, dumating pala si Zykie, si Zykie nga pala ang isa sa mga kilala sa school, kasi DAW SUPER GWAPO daw sha, MARAMI NG BABAENG napaiyak, at MAGALING KUMANTA AT TUMUGTOG NG GITARA, MAYAMAN NGA PALA SHA.. pero sa totoo lang ako lang yata ang nagiisang ayaw sakaniya, kasi, mahilig shang MANGLAIT at MANGBULLY , kadalasan ako ang laging nagaganon. Kaklase ko siya since grade 3. pero walang pinagbago ang ugali niya. at naiinis ako pagmalapit siya.
At sa KASMAANG PALAD, lumapit siya sakin para SHEMPRE, LAITIN NA NAMAN AKO, Humarap siya sakin, sabay sabi "BUG FACE :P".walang araw na hindi siya lumapit para tawagin ako ng kung anu-ano, tumawa ang buong klase! at tinawag nila akong lahat na bugface, pero parang wala lang akong narinig at hindi ko sila pinansin. natigil lang sila ng dumating si Ms. Silvanna. (thankyoulordpinadatinniyosims!)
Pagpasok niya, may ipinakilala siyang transfer student, ang pangalan niya ay Jairus, natulala ang lahat ng girls, except sakin, so ibig sabihin GWAPO DAW sha. at nang naghanap si Ms. ng upuan niya, pinaupo niya si Jairus sa tabi ko dahil wala naman tumataba sakin simula pa dati, kaya vacant ang upuan sa tabi ko. Kaya dun sha umupo, at binati niya ko. "Hi" "Goodmorning classmate". sabay ngiti*. Natuwa ako dahil may BUMATI sakin T_T. kaya sinabi ko "G-g-g-goodmorning d-d-din >//<". Ngumiti lang sha.
Biglang tumayo si Shiela, na patay na patay kay Zykie, at sinabi niya ng malakas "WOW HA! Bug face, akala mo naman gusto ka ni Jairus. HAHAH, AMBISHOSA. tumawa ang lahat. Oo nga pala wala pang tumatawag sakin ng pangalan ko, ang tawag sakin ay, kung ano ang ibinigay na pangalan ni Zykie. maging si Ms. ay tumawa. nagulat ako ng biglang tumayo si Jairus at sinabi.
Jairus: Sandali, wala naman siyang sinabi na may gusto ako sakaniya ha! Alam niyo , nanahimik siya, tapos sasabihan niyo siya ng ganun, ikaw miss sa tingin mo ba sobrang ganda mo, para tawagin siyang BUG Face, para sakin mas maganda siya sayo!
Napahiya si Shiela kaya umupo siya, nagulat ako, kasi, ngayon lang may nagtangol sakin :). pero tumayo si Zykie at sinabi
Zykie: Sandali, bakit ba ang yabang mo?! sino ka ba? bago ka lang dito, ikaw lang ang nagsabi na maganda yan si BugFace, Ampangit Pangit nyan!
Sa totoo lang, sobrang nasaktan ako, kasi sobrang diniin niya na pangit ako; oo hindi ako sobrang ganda, pero sana hindi na lang niya sinabi yon, hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako,
Tumingin ang buong klase, at tinanong ako ni Jairus kung Okay lang ako, pero feeling ko sobrang napahiya ako, kaya tumakbo ako palabas ng classroom.
Pagkatapos kung kumalma, naisip ko na para akong Engot, iiyakiyak wala naman dahila! >///< aaa ENGOOOOOOOOOOOOT!
Kaya, di ako umattend ng 1st at 2nd period. hinintay ko nalang mag recess.
Nagpunta ako sa favorite hangout ko, LIBRARY. Dahil nakita ko sa anime na ang mga girls with glasses, ay madalas sa isolated place like library, ginaya ko sila CHOSS, pero dun ko medyo binase :))) nasa library ako para magbasa ng "Catching Fire" . Sa likod ako ng bookshelves pumepwesto, nagulat ako ng biglang may tumabi sakin, si Jairus lang pala,
Lumayo ako dahil naalala ko kung paano ako napahiya ng BONGGA. pero nagsorry sha, kasii daw sha ang dahilan, pero sabi ko , okay lang, tapos yun, nagusap kami, tinanong niya name ko, at nung sinabi ko, sabi niya "DIBA SA DORAEMON YON? :))" nagulat ako, kasi sabi niya mahilig daw sha sa anime kaya alam niya yun. SOBRAAAAAAANG NATUWA AKO! Kaya naisip ko na siya yung ang gagawin kong BESTFRIEND :D. pagkatapos ng madami chitchats about anime, sinabi ko na pwede niya kong tawagin katulad ng tinatawag ng iba, pero sabi niya, "HINDI KO GAGAWIN YON. PANGALAN MO YUNG SHIZUKA EH, SO, SHIZUKA ANG ITATAWAG KO SAYO, OR SHIZU-CHAN ^_^" natuwa ako na parang gusto kong lumuha. dahil siya ang PINAKAMABAIT na TAO SA SCHOOL na to. T_T.
pagkatapos ng break, bumalik na ako sa room. at pagdating ko sa room, tinatawag na nila akong LOSER, pero nagpakatatag ako kaya, hindi ko sila pinansin.
AFTER 6 PERIODS.
Haaay salamat! Tapos naa :D And i think nakuha ko naman lahat ng mga REQUIREMENTS and OTHER things na sinabi ng mga teachers.
Excited ako umuwi kasi ngayon ipapalabas yung Episode 2 ng anime na pinapanuod ko. So naglakad na ko papunta sa sakayan, sa KASAMAANG Palad natapilok ako, ang sakit!!
pero tumayo ako agad para hindi ako mapahiya. pagkatayo ko may nakita akong puting pusa tapos nakatingin lang sya sakin. as in parang nagtitigan kami for seconds. kaya i decided to adopt her!
Paguwi ko pinakita ko agad siya kila mama! at natuwa sila mama!
Pagkatapos umakyat na ko sa kwarto ko at sinama ko si YUKI (SNOW IN JAPANESE). Tapos, nanuod na ko ng anime at nagbasa ng manga.
After 2 hours infront of the computer, nagbasa ko ng mga textbooks from school! for added stock knowledge >.-
SO YUN! *Yaaaawn* GOODNIGHT! :D Oyaaasssummi!~ :)
-AT GANON NATAPOS ANG FIRST DAY OF JUNIOR YEAR KO.-