December 2012
Kakatapos lang ng board exam namin, kasama ko ngayon tito ko kasi ihahatid niya ako sa terminal pauwi ng probinsya namin.
"Oh Ading, kumusta ang exam? Pasado ba?" Tanong ng tito ko habang nagdadrive.
Napaisip ako bigla, hmmm nasipa ko naman kanina ang silyang inupuan ko sa loob ng dalawang araw, hmmm iniwan ko naman dun yung lapis at eraser sa box na nakalagay sa gitna ng hallway. Tinipon nila yung mga lapis at eraser para idonate daw nila. Di naman ako lumingon sa room na pinagkuhanan ko ng exam nung pagkalabas ko. Ganun daw kasi sabi nila e, sinunod ko lang. Hehe. Nasagot ko naman yung lahat ng tanong, so bahala na, manalig nalng tayo sa will ni God.
"Ah, eh di ko po alam tito, ipagpray nalang po natin. Pero sana nga makapasa." Wika ko nalang kasi sa totoo lang parang lumilipad ako ngayon, nadrain talaga mga munting brain cells ko sa exam.
Habang nasa byahe na ako pauwi ng probinsya, iniisip ko ano ang gagawin ko habang naghihintay ako sa result ng board exam, hanggang sa nakatulog ako. Buti nalang di ako lumampas sa kanto kung saan ako bababa.
Open laptop. Open facebook. Open twitter. Eto daily routine ko. Boring no? Haaayyyy
Dahil sa boring na yung life ko, sa facebook at twitter ako lagi nakababad. Meron akong kinaaadikan na loveteam, sikat sila, kumakanta sila pareho. Sila yung nagpapakilig sa akin. Dahil nga fan na fan ako nila, marami akong finafollow sa twitter na fan din nila.
Nagjoin ako sa text clan, marami na akong naging friends na mga faneys, buti naman atleast medyo nabawasan yung pagkaboring ng life ko. Haayyyy.
Kakabrowse ko sa twitter merong account na nakaagaw ng attention ko.
Mia Carillo
@itsmeeeyaaa
Student Nurse.Hmmmm maopen nga yung timeline niya. So andito ako ngayon sa timeline niya, yung DP niya, kaganda ng mata, smiling eyes, yung ngiti niya, sheeeyyyt kaganda nga naman. Haaayyyzzzt. Walang paligoy-ligoy pinindot ko yung follow button. Tenen! Isa na akong stalker niya, ooopppsss follower pala.
Nakikita ko bawat tweets niya, syempre follower niya ako e. Pero grabe papeymus tong isang to, hindi nagfafollow back. Tssskkk!
Di na ako nakatiis, tinweet ko siya "pafollow back please @itsmeeeyaaa"
Tweet. RT. Tenen may notification. Excited akong binuksan yun.
"@yourstrulyAding done na po" ayyy may pagreply pala siya. :">
Mabait naman pala siya, akala ko snob. :)
At dahil mabait din ako, nagthank you ako, hmmm at dahil usasera ako, may kasamang tanong yung reply ko sa kanya "@itsmeeeyaaa salamat! Kmusta buhay student nurse?"
"@yourstrulyAding eto busy na po, duty na kasi e. Buti po kayo graduate na." Luhhh panu niya nalaman na graduate na ako? Stalker ko ata siya. Bigla ko narealize nagtweet pala ako ng pic namin nung after board exam. Hahaha
"@itsmeeeyaaa oo nga, pero okay lang yan, kaya mo yan. Gagraduate ka din. Tiwala lungs." Reply ko naman sa kanya.
December 30, 2012
Christmas party/ Year end party ng mga workers nila tito sa bahay nila. Pumunta ako dun kasi dun ako nagstay sa kanila buong college life at hanggang sa pagreview ko. Parang second family ko na sila tito at tita. Parang anak na din nila ako.Habang nagpaparty, may pagames. Busy sila. Ako busy din. Kakatweet. Hehe
Sunday kasi, syempre nakikibalita ako tungkol sa mga nagaganap sa Party Pilipinas, dun kasi lagi nagpiperform yung kinaaadikan ko na loveteam.

BINABASA MO ANG
Nurse's Notes (gxg)
RomanceAng kwentong ito ay nangyari sa totoong buhay, hindi ko lang alam kung kanino. Try lang, baka magustuhan niyo din. :)