CHAPTER 1

17 3 0
                                    


Umalis ako sa party nang hindi nagpapaalam kila Jameson. Ti-next ko na lang si Angela na umuwi na ako. I don't want her to see me crying because of Leo kaya hindi muna ako umuwi sa condo, dumiretso ako sa park na palagi naming pinupuntahan ni Leo noon.

Pagkadating ko doon ay para akong maiiyak, yung mga ala-ala namin dito, malungkot man o masaya, na misss ko ang lahat ng iyon. Umupo ako sa swing at iniyak ang lahat ng natitirang luha sa mga mata ko. 

I want to move on but I really can't. He didn't give me explanations that I deserve.

All I wanted is to hear his damn explanations and his answers to all the fucking whys on my mind.

Biglang nag ring ang phone ko. Balak ko sanang patayin ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Angela. I don't want her to worry. She dragged me in that party and she'll totally blame herself if something bad happens to me. I forced myself to stop crying then cleared my voice. It took five rings before I answered her call.

"Hel—"

"Nasan ka!? Lezeli Qei ikaw ba 'yan!?" I want to laugh at her right now but this is not the right time to joke things up.

"Ako 'to."

"Leche ka! Nasan ka?" I chuckled. There it is, my former mother.

"Nasa tabi-tabi lang po."

"Hoy, babae! Umuwi ka na! Gabi na! Asan ka ba!? Nandito ako ngayon sa condo mo!"

"Oo, pauwi na. Wait mo na lang ako diyan." Sagot ko at pinatay ang tawag. Tumayo ako tsaka naglakad pabalik sa condo ko. 

Malapit lang naman iyon dito at safe rin kase may nag r-ronda na mga guard sa paligid. Alas 10 pa lang sa gabi. Hapon pa kasi nang mag umpisa ang party kaya maaga pa lang eh marami nang lasing.

On my way home, I saw a billboard. Yung nakalagay sa billboard eh yung paborito kong boy group galing Korea. Nag-concert sila rito last month kaso hindi ako nakapunta. Umiyak nga ako 'non kasi hindi ako pinayagan ni Mommy. Broken hearted na nga ako sa pag-ibig, pati ba naman sa mga idol ko.

That gave me a thought. Am I too childlish kaya ako iniwan ni Leo?

Nang marating ko ang building na kinaroroonan ng condo ko ay pumasok kaagad ako sa elevator. Medyo nahihilo na rin ako. Pakiramdam ko nga bumalik yung pagkalasing ko. Posible kaya iyon?

I clicked number 7. Para na nga akong masusuka sa loob ng elevator. Mabuti na lang at wala akong kasabay. Pagkarating na pagkarating ko sa floor namin ay pa-zigzag zigzag na ako maglakad. Late ba ang epekto ng mga pina-inom nila sa akin? Psh. 

Nasa pinakadulo pa ang condo ko at hindi pa occupied ang pad na nasa tabi ng condo ko kaya okay lang talaga kung mag-drums ako mamaya para mabawasan ang pagiging depress ko kay Leo na madamot sa eksplenasyon. 

 Malapit lapit na rin ako sa condo ko, nang makita ko ang bias ko sa favorite boy group ko. Wait!? Bias!? Ikunusot ko ang aking mga mata.

"I think I gained weight. I think I need to go to a gym tomorrow."

Wait! OMO! Totoo ba 'tong nakikita ko!? Ikinusot ko ulit ang mga mata ko. Paano!? Nasa Korea dapat siya! Bakit siya nandito!? Lasing na lasing na siguro ako!

"Hindi halata, bro." Napabaling ako sa kasama niya. Shet! Yung bias wrecker ko! Wait, bakit marunong siyang magtagalog!? Nagh-hallucinate na siguro ako! Sobra na yata yung pagka-addict ko sa mga Korean!

Tumili ako ng hindi inaasahan. Napatakip na lang ako sa bibig ko nang parehas silang tumingin sa akin. Mabuti na lang at kaming tatlo lang ang nasa labas.

Napatawa yung bias wrecker kong si Jimin. WAIT!? TOTOO BA TALAGA TO!?

"What's the matter, Miss?" Tanong ni Jimin. Omo! Omaygash!

Kung lasing man ako ngayon at nakikita ko silang dalawa, hindi ako magdadalawang isip na maglasing ulit.

Lumapit ako sa kanila nang nakanganga. Pareho yata silang confused. I faced Jungkook. OMO! Siya ba talaga 'to!? I quickly pinched his cheeks then squealed. Shet! Nahahawakan ko siya! Nahahawakan ko yung na h-hallucinate ko! Ang galing!

"What the fuck, Miss?" Nabitawan ko yung pisngi niya dahil tinabing niya yung kamay ko. Ngumuso ako at hinawakan ang kamay ko. Napalakas yata yung pagtabing niya kaya sumakit ng konti. So rude.

"Leli!" Napabaling ako kay Angela na papunta sa lugar namin. Ngumuso lang ako sa kanya. Pagkarating na pagkarating ni Angela ay hinila niya agad ako papasok sa condo ko kaya hindi man lang ako nakapag-paalam.

Hindi niya ba sila nakita? Hallucination lang ba ang lahat ng iyon? Pagkapasok na pagkapasok namin sa condo ko ay tinulak niya kaagad ako sa banyo. "Maligo ka para mahimasmasan ka!" Sigaw niya tsaka isinara ang pinto ng cr. Wala naman akong magagawa kaya naligo na lang ako.

Pagkatapos kong maligo at maglinis ng sarili ko ay lumabas na ako ng cr tsaka nagpalit ng pajama. Wala na si Angela sa labas kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Iniwan ba naman ako? Tsk. 

Humiga ako sa kama ko. It's been an exhausting day, medyo nahimasmasan na rin ako but medyo nahihilo pa rin ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sobrang pagod.


BROKEN ONESWhere stories live. Discover now