Ako si Ji Eun Tak, pero kung tawagin nila ko ay Erin Jane,18y/o, 9 palang ako ng mawala ang mama ko nakatira ako ngayon sa auntie ko kasama ang dalawa kong pinsan.
Erin's pov
Yung lalaking nakasalubong ko kanina...bakit ganon siya? Bakit diko na sya maalis sa isip ko? Hayysss wala yan erin wag mong isipin yon!! Ayan ka nanaman!! Birthday ko na bukas, pero kahit kelan walang bumati at nangamusta sakin simula ng mawala ang mama ko hayysss ano ba tong buhay ko napaka lungkot naman...Makatulog na nga napaka lungkot ng kapalaran ko.Erin's pov
Ngayon na ang aking kaarawan ngunit wala namang bago. Lagi akong pumupunta sa dagat at don nag cecelebrate andito ko tuwing malungkot ako kaya siguro lagi akong nandito tuwing kaarawan ko kase napaka lungkot ko hayysss buhay! Kinausap ko si mama. Haysss teka mahipan ko na nga toh..ay teka mag wiwish muna ko, bigyan mo nako ng part time job, pera, at boyfriend please please. Sabay hipan sa kandila. May nadinig akong boses nakakakilabot. Sabi ng boses 'ikaw ba yon?'.Tumalikod ako at may nakita kong lalaki sa likod ko matangkad,pogi,af may malungkot na ngiti.
Sabi ng lalaki sakin "ikaw ba yung nag salita?"
"Oo! Ano bang ginagawa mo dyan sino kaba ha!?" Mataray na sagot ko sa lalaki
May inabot syang bulaklak sakin at sabi nya ang ibig sabihin daw nung bulaklak ay "Lovers". Napangiti naman ako don sa sinabi nya.
Sabi nya sakin "Paminsan minsan
Tumutupad ako ng mga wish, una mong sinabi gusto mo ng part time job, mag apply ka sa restaurant na may chicken, don tanggap ka at yung pera pinag hihirapan yan, at ang lovelife hintayin mo wag mong hingin.Biglang nawala yung lalaki. "Oy! San ka nag punta di pako tapos may itatanong pako! Ano ba naman yun!" Ani ko.
Nag lakad nako pauwi eto nanaman ang napaka lungkot kong buhay hayss.
Lumipas ang 2 araw nag apply apply nako sa mga restaurant na may chicken pero bat ni isa wala pang tumatanggap sakin ano kayang ibig sabihin nya sa may restaurant na may chicken?
Pag labas ko ng isang restaurant nakatayo ang lalaki don. Tinanong ko sya kung anong ibig sabihin non di naman nya ko sinagot,salita ako ng salita wala na pala sya. Hayss napaka bastos naman non nag sasalita pako eh! Nasan kana ba!!
Naglakad lakad ako mayroon akong nakitang nasusunog sa basurahan, binuhusan ko yun ng tubig pag talikod ko andon nanaman yung lalaki.
"Ano ba!!? Sinusundan mo bako!? Ano ginagawa mo dyan ha!?" Ani ko
"Tinawag moko" sabi ng lalaki
"Ano bang sinasabi mo ha? Pano kitang tatawagin ni di nga kita kilala!"
"Basta alam ko tinawag moko" sabi sakin nung lalaki
Sinamahan nya kong mag lakad lakad dahil gabi na din non. Nag pasya nakong mag paiwan dahil pauwi na din ako. Pag uwi ko parang tulog na ang mga tao kaya dumiretso na din ako sa kwarto ko.
Pag gising ko naligo nako agad at nag punta na ng library. Tinry kong mag download ng app sa phone ko isang candle blower hinipan ko yon at bigla syang lumitaw sa likod ko.
Erin's pov
Aha! Ngayon alam ko na kung pano ka tawagin. Maupo ka na nga dyan. Ano bang pangalan mo ha? Bakit pag nag hihipan ako ng apoy lumilitaw ka? Kilala ba kita? Kilala mo bako? Ano kaba talaga?"Ang dami mong tanong, bahala kana dyan" sabi ng lalaki. At bigla syang tumayo at lumabas ng isang pinto. Agad ko naman sinundan bago pag sara ang pinto ay tinulak ko ulit ito pabukas.
Parang nagulat sya at tinanong ako "Pano lang nakasunod dito?" Ani ng lalaki.
"E-ewam ko basta tinulak ko lang yung pinto bago sumara. E-eh teka nasan ba tayo?" Ani ko.
"Canada,nasa Canada tayo." Sabi sakin ng lalaki. Na ikinagulat ko nag tatalon ako sa sobrang saya. Habang tinitirigan lang nya ko at nakangiti.
"Uhmm Mister, ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko. Hindi nanaman nya sinagot nginitian lang nya ko.
Ano ba naman tong lalaki na to nakakainis na sya ah!. Pabulong kong sabi.
Kadadaldal ko diko napansin na nasa paligid na kami ng puno at ang mga maple leaves nahuhulog. Nang may isang perfect na maple ang unti-unting bumababa, tumingkad ako para kunin ito pero nakuha sya ng lalaking kasama ko.
"Ano ba akina yan! Ibigay mo sakin yan!" Galit na sabi ko.
"At bakit ko ibibigay sayo? Tanong ng lalaki.
"Kase sabi nila maiinlove ka daw sa kasama mong nag lalakad pag nakakuha ka ng maple leaf" sabi ko sakanya. Ibinigay naman nya iyon sakin matapos kong sabihin yon. Nag lakad lakad kami huminto ako at tinanong sya.
Erin's pov
Ano ka ba talaga? Malakas talaga ang kutob ko na goblin ka pero ayaw mo lang aminin! Goblin kaba talaga? Sagutin mo naman ako, hindi yung lagi ka nalang nawawala."Hindi" sabi sakin ng lalaki
"Ahh, okay then" nag tataka kong sagot. Inalok nya ko kung gusto ko ng beef, umoo na ko dahil gutom na din ako. Nag punta kami sa isang fancy restaurant at kumain. Matapos kumain bumalik na kami sa pinto kung san kami galing at umuwi na. Nag pa iwan na ko sa daan, nag punta muna ko sa isang comfort room may nakasabay akong magandang babae, naka all red sya. May binigay syang isang plastic ng gulay sakin.
"It's all yours, a man gave that to me. Pero di ko naman gusto. Iuwi mo yan sainyo ha? Pag saluhan nyo ng pamilya mo." Sabay ngiti nya sakin at lumabas na. Nag lakad na din ako pauwi,nadatnan ko ang mga pinsan at aunti kong nanonood ng tv. Wala nanamang pagkain,makapag luto na nga. Habang nag luluto ako tinanong ako ni auntie kung nasan yung bank book ko. Ang sabi ko wala sakin dahil totoo namang wala. Tumatakbo ang pinsan ko papunta sa sala kung nasan kami nag uusap ni auntie. Pinakita nya ang isang mapa galing Canada. Agad kinuka ni auntie.
"Aba at may balak ka pa atang maglayas ha bata ka!?" Galit na sabi ni auntie.
"Auntie ibalik mo na sakin yan please wala lang yan auntie akina na yan" mangiyak-ngiyak kong sabi. Pinag hahampas naman ako ni auntie gamit ang mapa.
Nilapitan ng pinsan ko ang mga hinihiwa ko upang ituloy ito,nahiwa nya ang kanyang daliri at dumugo,ang isa ko namang pinsan at kinain ang pagkain biglang sumakit ang tiyan nya. Nilapag ni auntie ang mapa sa sofa at agad pumunta sa mga anak nya. Dinampot ko agad ang mapa at dumiretso sa kwarto.
Lumabas muna ako ng bahay nag aantay maka tulog ang aking mga pinsan at auntie. Nag lakad lakad muna ko napansin kong may sumusunod sakin,agad akong tumalikod.
"Mister! Mister!" Sabay kaway ko sakanya. Nginitian naman nya ko at nilapitan
"Anong ginagawa mo dito sa labas ng gantong oras?" Tanong nya sakin.
"Inaantay ko lang makatulog sina auntie" Agad kong sagot. Inaya nya ko sa isanv store para bumili ng mga pagkain. Ang dami nyang nainom na beer kaya lasing na lasing na sya.
Habang nag lalakad kami
"Ako ba talaga ang goblins bride?" Erin
"Oo" kim shin
"Pano pag umayaw ako sa pag hugot ng ispada?" Erin
"Kelangan mo hugutin ikaw lang ang makakahugot nyan. Para gumwapo nako" kim shin
"Napag isip isip ko na, masaya nako sa ganito tyaka na kita pagagwapuhin" erin
Naglakad lakad pa kami saglit hanggang naisipan ko ng umuwi nag paiwan nako at agad ng umuwi dahil siguradong tulog na sila auntie.
~~~~
Cut muna!!!! HAHAHAHAH VOTE AND COMMENT💙💙
YOU ARE READING
Goblin
Fantasy10 palang ako ng mawala ang nanay ko kaya nanirahan ako sa bahay ng auntie ko iba ang ugali ng aking auntie at aking mga pinsan.