Painting

16 1 0
                                    


Painting

written by silentolucid_dream

©2008

~*~

Nagising ako ng parang lumindol ang kama. May tumapik sa pisngi ko kaya napilitan akong idilat ang isa kong mata.

""Gising ka na please. Gutom na ko eh"" nakanguso niyang sabi sakin.

""5 minutes.""

""Eh ganyan ka naman palagi! 5 minutes 5 minutes tapos di ka na gigising. Siguro naglasing ka na naman kagabi ano?""

Natawa ako ng nakita kong pinasingkitan niya ako ng mata.

""Tatawa tawa ka pa dyan. Dali na, sabi mo tatapusin mo na yung painting ko today. Excited na ko makita dali!""

""Oo na, oo na. Babangon na""

Matapos mag agahan ay pinagpatuloy ko ang pagpipinta ko sa kanya. Simula sa maarko niyang mga kilay, malamlam na mata, malalantik na pilik mata, ilong niyang mayabang sa tangos, prominenteng cheekbone at kumikibot at maninipis na labi na tinernuhan ng maalon at mahaba niyang buhok.

Kapag tinitignan ko siya, naalala ko si Angela, ang babaeng pinakamamahal ko noon. Oo noon.

Minsan naguiguilty ako na naaalala ko padin siya. Na dapat ay naka move on na ako at ang babaeng nasa harap ko nalang ang dapat kong mahalin.

Pumikit ako ng mariin at pilit
iwinaksi ang nasa isip.
""Naaalala mo na naman siya? Mas love mo padin siya kesa sa akin?""

Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Naguilty na naman ako.

""Hindi baby. Love na love kita..."" Sabay yakap sa kanya.

""Tapos na yung painting?"" Pagiiba niya ng usapan

""Oo tignan mo.""

""Ang ganda... Pero hindi naman ako yan eh... Kamukha ko pero hindi ako. Siya ba yung babaeng sinasabi mong mahal na mahal mo?""

Parang dinurog ang puso ko sa tanong niya sakin. Wala akong nagawa kundi tumango. Pinunasan niya ang luha ko at yumakap sakin

"Sana naabutan kong buhay siya daddy. Kamukha ko ba talaga si mommy?"

End

~*~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaintingWhere stories live. Discover now