"Ang ganda" wika ko nang matanaw ko ang mga ilaw na nagmumula sa mga gusali. Kitang kita mo ang magadang city lights mula sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa aking relo, alas otso na pala.
Hindi ko napigilang mapabuntong. Hininga nang tanawin ko ang mga taong naglalakad kasabay ng pagsilay ng mga ngiti sa mga labi nila.
Buti pa ang mga tao doon tila walang problema. Ako? Parang pinasan ko na lahat lahat ng problema."Bakit ka umiiyak? Ang pangit mo na po" sabi ng isang lalaki?
Hala? Sino yun? Nilingon ko yung nagsalita at naiwang nakaawang ang aking mga labi.
Isang matangkad, moreno at may pagkasingkit na lalaki ang nakita ko. Nakasuot siya ng simpleng blue v-neck shirt at denim ripped jeans. Hindi siya ganoon kagwapo pero aaminin ko, sobrang lakas ng appeal niya.
At natawa naman siya at ibinato sa mukha ko yung panyo.
"Wala ka na dun. Pakialamero"
"Hala siya? Tutulungan kita! Bait bait ko tapos ganyan ka?" sabi niya habang may paghawak pa sa dibdib niya na tila nasasaktan.Natawa naman ako ng palihim dahil sa kinilos niya. Tumabi siya sa akin at muli'y pinilit niya akong magshare sa kanya.
"Kulit. Pero sige na nga. Di ko kasi alam kung bakit ako ganito. Pinapamukha ko sa pamilya ko na kaya ko mamuhay na wala sila. Na hindi ko sila kailangan. 18 pa lang ako pero umalis na ako sa bahay namin. Di ko man lamang sila bisitahin o ano man." wika ko at ngumiti lang siya. Ngiti na hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin o ano man.
"May dahilan ang lahat ng nangyayari. Simula ngayon nandito na ako para sayo" at pinunasan niya ang mga pawis ng mga mata na dumadaloy sa maporselana kong balat. Dahil doon napangiti na lamang ako.
"Salamat. Hindi ko alam kung sino ka pero ang gaan agad ng loob ko sayo."
"Lukso ng dugo! Baka anak mo ako o kaya anak kita!" Sabi niya at pinilit lumaki ang maliit niyang mata.
"Gago." Bulong ko at nagtawanan na lang kami.
BINABASA MO ANG
Ligaw Na Realidad
General FictionMinsan may mga bagay na di talaga natin alam kung dapat pang paniwalaan. Kung ang lahat ng saya at lungkot sa ating buhay ay totoo. Nakakatakot nga. Nakakatakit na magtiwala ngayong hindi mo alam kung ano ang totoo sa hindi. Ako si Ingrid Cruz-- isa...