chapter 5

109 3 0
                                        

----the day----

Umaga palang sinundo na ako ni Ella para pumunta ng bahay nila dahil napagkasunduan namin na doon na mag mamakeover.

Nag pa home service kasi ang mama ni Ella pra daw bongga ang anak niya tapos bale sinama nalang akong imakeover din. grabe kung anu-ano ginawa namin, 

nag pa hand and foot spa kami tapos pedicure at manicure then nagpa iron din kami ng buhok, lagay lagay ng light make up nag bihis na at mga bandang

 six ng gabi pumunta na kami ng convention kung saan gaganapin ang acquiantance party.

Pagpasok namin ng convention medyo marami ng mga kamag aral namin ang nandito. "Besh hanap na tayo ng pwesto natin" sabi sa akin ni Ella, habang naghahanap 

kami ng pagpwepwestohan nakuha ng atensyon ko yung lalaki na naka shades na nakasuot ng short sleeve polo na kulay violet, 

hym mukhang pamilyar siya sa akin ah...nawala ang atensyon ko sa kanya ng binat na ako ng mga kaklase ko.

"Hi ronnelly, ang ganda ganda mo ngayon ah" sabi ng kaklase kung si Roe

"Siyempre naman mana kaya siya sa bestfriend niya" proud naman na sagot ni Ella, na naging dahilan kung bakit nagtawanan ang mga kakalase ko "hahhahahhahah"

"ok guys, i think it's time for us to start the party!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabi ng MC na nagpatigil sa ingay ng mga estuyante at nag sipagtayuan para sa umpisa ng program. 

Pagkatapos ng mga seremonyas ay nag salita naman ang MC "I think before we finally start the fun, may i call on Mr. Louie Mar Robles for his notion for this event. so ladies and gentlemen lets give a hand for Mr. Louie!!!!!!!!!!!!" nagpalakpakan ang lahat ng umakyat siya sa taas.

 Nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang umakyat ng stage dahil siya yung nakita ko kaninang nakasuot ng stage na may sombrero ant naka short sleeve polo kanina. So siya pala si Louie Mar Robles, grabe ang ganda ng pangalan niya at ang gwapo niya pwede kayang magpa picture sa kanya?..sa isip isip ko ng biglang kinalabit ako ni Ella.

"Shemay! besh ang gwapo gwapo niya!!!!!!!! " impit na tili sa akin ni Ella, tumingi tingin ako sa paligid bago sana sabihan si Ella na tumigil dahil nakakahiya yng ginawa niya, kaso pag tingin ko di lang pala si Ella ang kinikilig dahil lahat pala ng babae sa paligid ko ay kinikilig din, pano ba naman for the record eh ngumiti siya habang nagsasalita, pati tuloy ako medyo na mezmeriz eh kasi naman ang gwapo talaga niya eh..

Pagkatapos niyang magsalita eh bumaba na siya ng stage at parang magic na naging normal uli ang mga babae.

"Besh papicture tayo sa kanya mamaya huh?" excited na sabi sa akin ni Ella

"Cge!" sabi ko naman, eh kasi parang gusto ko rin magpapicture eh

Kumakain na kami ng biglang may nag tilian nanaman

 "Ayyiieeeeh Louie papicture naman!!!!!!!!!!!!!!"

"Aaaaayyyy ako din Louie!!!!!!!!!!!"

"Ang gwapo gwapo mo talaga Louie pwedeng papicture!!!!!!!!!!!!!!"

"sure" pilit na sabi naman ni Louie, kaya dahil doon nagkagulo na, na pati yung mga ka table namin ay nakisali na rin

"Besh dali punta narin tayo dun papicture tayo sa kanya!!!!!!!!!!!!!!!"sabi ni Ella habang hinihila ako patayo

"besh anu ka ba? nakikita mo ba yang mga babaeng yan ang dami dami pa nila tas tingnan mo si Louie nagpapapicture nga di naman ngumingiti!" sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Louie

"Ay anu ba yan besh sabi mo magpapapicture tayo sa .kanya eh bakit ayaw mo na?! if i know crush mo na din siya!" inis na sabi ni Ella

"Uy anu kaba! oo nga sabi ko magpapapicture tayo sa kanya pero tingnan mo nga ang dami pang nagpapapicture, at tsaka anu naman kung crush ko siya eh sa gwapo naman siya eh" namumula kung sabi

"sus yun naman pala crush mo din, UUUUyyyyy UUUyyyyy ha meron kanang crushhhhhhhh!!!!!!!!" tuksong sabi niya

"Uy anu ka ba wag ka ngang maingay baka may karinig" namumula ko paring sabi

"anu kaba ok lang yun nuh di ka naman nag iisa eh...oh sige ibabalato ko nalang siya sayo, basta papicture tayo sa kanya mamaya huh?!" ungot ni Ella

"Oo nah mamaya" sabi ko nalang para tumigil siya

Nang nagsasayawan na pumunta na rin kami ng dancefloor sumayaw na rin kami, ito namang si Ella feel na feel na sumayaw palibhasa magaling sumayaw buti nalang marunong akong sumayaw kaya kahit papano nakakasabay ako sa kanya, mayamaya niyaya kong magpahinga muna si Ella ng papunta na kami ng table namin nakasalubong namin si Louie at eto namang bestfriend ko ei parang walang hiya na lumapit kay Louie

"Hi! Louie, ako si Ella pwede bang magpapicture sayo?" tanong ni ella, bigla naman akong kinabahan kasi baka singhalan niya din si Ella tulad ng ginawa niya sa mga babae kanina ng mainis siya

"sure" sabi ni Louie na ikinagulat ko, lumapit si Ella sa akin tapos hinila ako banda ke Louie at mas nagulat ako ng imbis na ibigay ni Ella ang camera sa akin para ako ang magpicture sa kanila eh sinabi niyang

 "Besh tabi ka ky Louie pipicturan ko kayo" sabay hil sa akin padikit kay Louie, pinanlakihan ko naman siya ng mata, pero ngumiti lang siya. at ito namang si louie dumikit di sa akin tapos nagulat nalang ako ng akbayan niya ako sabay sabi ng

 "smile"

hay grabe ang tagal mag flash ng camera, ang lapit lapit niya lang sa akin at ang bango bango niya pa

"uy ito na 1....2....3...say mais!!!!!" at nag flash na ang camera "thank you Louie" ngiting ngiti na sabi ni Ella, tumango lang siya at tumingin sa akin sabay ngiti at umalis, samantalang ako naman ay shock pa rin at di makapaniwala.

Secretly On (MarLyn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon