Serendipity ♡

27 2 69
                                    

Hindi siya mapakali. Kanina pa siya papalit-palit ng pwesto sa kanyang hinihigaan. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan na kahit ipikit niya ang kanyang mga mata ay hindi pa rin siya makatulog.


Hala! Pa'no na lang kung maubusan kami ng ticket? Tae, kinakabahan ako. Naku, Lord. 'Wag naman po sana.

Napapikit na lamang siya ng mariin at napasimangot sa naisip.

"Erase, erase! Elaine, wag mong isipin yan, think positive!" Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ito sa sarili. Kahit na pilitin niyang itatak sa isipan ang mga positibong bagay ay nauuwi pa rin siya sa pagbubuno ng mga maaaring negatibong resulta sa mangyayari maya-maya.

Habang nakahiga ay inabot niya ang kanyang cell phone na nakapatong sa side table sa tabi ng kanyang kama at binuksan ito. Naku, maga-alas-tres na pala.  Kailangan ko nang matulog, naisip niya ng makita ang oras sa lockscreen ng kanyang cellphone.

"Good night, Jiminie Chim Chim~," sambit niya habang tinititigan ang imahe sa kanyang lockscreen at pagkatapos ay magaang hinagkan ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good night, Jiminie Chim Chim~," sambit niya habang tinititigan ang imahe sa kanyang lockscreen at pagkatapos ay magaang hinagkan ito. Pinatong muli niya ang cellphone sa side table at inayos ang kanyang pagkakahiga sa kanyang malambot na kama. Sa pagtitig niya sa kisame ng kanyang kwarto ay unti-unti na rin siyang dinalaw ng antok. Kahit mabigat na ang talukap ng kanyang mata, sa isip niya ay nagawa niyang magsambit ng maikling panalangin.

Please, sana talaga...

-

She called her bestfriend, Sam, first thing the next morning. Na-receive kasi niya kahapon ang PM nitong 'di makakasama sa concert ng BTS. Mapupunta kasi ang budget ng bestfriend niya sa pagluwas ng pamilya nito sa Ilocos.

Hindi pa naman siya papayagan ng walang kasama. Tanging si Sam lang ang supposed nitong kasama since ang iba sa kanilang kaibigan ay kung hindi talaga sasama ay bigla namang nagback out.

Nalaman ng ate niya na wala na itong makakasama sa concert kaya naman isinumbong siya nito sa kanilang Mama.

Ang pag-attend sa concert ng BTS ang isa sa mga regalo ng kanyang mga magulang at regalo niya para sa kanyang sarili sa darating na 18th birthday niya. Kaya naman ng dumating sa Mama niya ang balita, inasahan niya na pagagalitan siya nito. Oo, ganoon nga ang nangyari, pero 'di niya inakala ang isa pang ginawa ng Mama niya.

Nag-presinta na itong mag-abono ng pambayad sa ticket ng bestfriend niyang si Sam. Grabe ang pasasalamat niya sa kanyang ina. Alam niya rin kasing mahal na mahal siya nito at lahat ay gagawin niya para lang hindi mag-isang pumunta ang kanyang bunsong anak sa concert. Ito pa man din ang 18th birthday gift niya bukod sa debut nito.

Nawala ang antok ni Sam sa hindi inaasahang pagtawag ni Elaine sa cell phone ng kanyang ina. Muntikan pa niyang 'di makilala ang boses ng bestfriend sa telepono. Nang marinig niya mula sa bestfriend ang balita, walang pagsidlan ng saya't pasasalamat si Sam sa kabaitan at pagiging mapagbigay ng pamilya ni Elaine. Tulad ng bestfriend ay excited na rin siyang bumili ng ticket para sa Wings Tour ng BTS sa Pilipinas.

Serendipity | A BTS Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon