"NOTICE ME, PLEASE?" Oo na sige na. Mukha na naman akong tanga dito kakasigaw para lang mapansin ng love of my life ko. Corny diba? Anong magagawa ko eh tinamaan ang lola nyo.
"Naku Angela! Kahit anong gawin mong pagsigaw dyan di ka papansinin ni Forth! Move on na teh please lang!!!"
Eto talagang si Cathy panira. Kung di ko lang bestfriend to malamang matagal ko ng tinapon to sa bangin pero syempre joke lang love ko kaya to kahit na minsan lagi nya kong binabara kapag si Forth na ang pinag uusapan namin.
"Eh bakit ba? Malay mo pansinin nya nako."
"Naku naman! Ilang years mo nabang ginagawa yang pagsigaw mo na yan? Hmm teka 4 years na. 4 years. Pero ano pinapansin kaba nya? Ni titigan nga di nya magawa tsk."
"Aww ang harsh mo naman beshy kainis ka! May feelings din naman ako no." Nag panggap pako na parang sinasaksak ang puso ko. Kainis talaga!
Oo. 4 years ko ng gusto si Forth Velasquez, since freshmen palang kami. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko ng siya na talaga ang lalaking para sakin. Eh ang kaso kahit anong gawin kong pagsigaw na "Notice me, please?" sa kanya di nya pa rin ako pinapansin.
"Naku tigilan mo nga ako sa drama mo na yan. Tara na may pasok pa tayo kay Mrs. Bucal. Tayo na naman pag-iinitan non."
Graduating na pala kami ng high school. Excited na nga ako eh pero at the same time nalulungkot. Ga-graduate na kami pero wala pa rin kaming progress ni Fourth. Ay progress lang pala. Walang KAMI.
"Ang sungit talaga ni Mrs. Bucal parang palaging may dalaw if I know menopouse na yon" Eto talagang beshy ko na to walang preno ang bibig.
"Tumigil ka nga baka may makarinig sayo. Malalagot tayo." Singhal ko sa kanya. Ang lakas pa naman ng boses nya. Naku talaga!
Nasa canteen kami ngayon, breaktime kasi namin. Habang kumakain kami may mga sumisigaw na babae parang kilig na kilig na ewan. Tinignan ko kung anong meron.
Pakshet! Kaya naman pala parang natatae na ewan itong mga babae na'to kasi pumasok si Forth. Alam mo yung feeling na parang tumigil lahat tapos yung maririnig mo na lang eh yung tibok ng puso mo. Oo ganyan ngayon nararamdaman ko habang naglalakad sya nakatingin sya saken.
Eh? Nakatingin sya sa'ken? Kumurap pa ko para lang masigurado na sakin nga sya nakatingin. Pero nakaupo na sya kung san man sila kakain kasama ng mga kaibigan nya. Okay umasa ako. Kainis naman! Akala ko lang pala huhu saklap.
"Hoy kumain kana! Dika mabubusog kung tititigan mo lang si Forth."
Ay! Panira talaga ng moment to. Yun na eh. Kaasar!
"Che! Mind your own business!"
"Bahala ka nga sa buhay mo! Sarili mo naman yan eh."
Diko naman masisisi si beshy ko kung bakit ganyan na lang sya makapagsalita sakin. Kahit pumuti man ang uwak hinding hindi ako papasinin ni Forth. Ang hirap nyang abutin. Bukod sa sya ang nangunguna sa overall rank sa school, varsity player, tapos president pa ng SSG oh diba? Ang hirap abutin.
Kaya kumain na lang ako. Nang tumunog na ang bell nagsipasukan na kami. Wala naman magandang nangyari ngayon araw. Binanggit lang na magkakaroon ng camping ang buong Fourth year students.
Kaming dalawa ni Cathy sasama sayang naman kasi. Graduating na kami at tsaka para dagdag experience na din. Sa monday na yon kaya nagre ready nako ng lahat ng kakailanganin ko. 3 days ang camping at gaganapin sa Tagaytay. So kailangan nasa school na kami bago mag 6:30am mahaba daw kasi ang byahe.
Kahit na antok na antok pa ko pagkatapos akong ihatid ni mama eh wala akong magawa itutuloy ko na lang to mamaya sa byahe.
Una kong hinanap si Cathy. Papunta na sana ako sa kanya ng bigla akong may nakabangga. Ayan kasi antok na antok pa ko nahulog tuloy yung dinadala nya kaya yumuko ako para pulutin tas pag angat ng tingin ko para ibigay yung mga gamit nya na nahulog, nanlalaki ang mga mata ko na nakatitig sa kanya.
OMG! Si Forth pala yung nakabangga ko. Diko alam kung anong ire-react ko siguro mukha akong natatae na ewan. Sa dami naman ng araw na pwede kaming magkabangga eh ngayong araw pa na mukha akong sabog. Pinakalma ko sarili ko para makapagsalita ng maayos.
"Ay s..sorry! Di kita napansin. Heto na mga gamit mo. Sorry talaga." Wag kang mautal Angela! Ayusin mo sarili mo kainis nakakahiya!
Pero nakatingin lang sya sa akin. Mukhang walang balak magsalita sayang naman akala ko pagkakataon ko na to para maka first move. Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Mag ingat kana sa susunod. Baka hindi lang mga gamit ko ang mahulog nex time." Sabi nya sabay talikod sakin at naglakad na.
Haaa? Anong ibig nyang sabihin don? Na estatwa ako. Kung hindi lang sumigaw si Cathy sa harapan ko e malamang para na talaga akong estatwa ngayon. Okay kalma lang heart wag kang lalabas sa dibdib ko.
Kinwento ko kay beshy ang nangyari kanina pero ang loka panira talaga kahit kailan. Sabihin ba namang nairita siguro sakin si Forth kaya nya sinabi yon tsk panira talaga kahit kailan. Ang bitter sa buhay.
Nandito na kami ngayon sa bus kung san kami naka assign na umupo kasama ang mga classmates ko. Meron daw kaming kasamang ibang section siguro magkakasya naman kami kasi hindi naman lahat ng classmate ko e sumama.
Nakakainis nga kasi di kami magkatabi ni Cathy girls and boys daw dapat ang magkatabi so no choice.
6:00am palang kaya matagal pa bago kami umalis kaya natulog muna ako habang hinihintay yung section na makakasama namin.Nakapwesto ako sa tabi ng bintana at na alimpungatan lang ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Dinilat ko mga mata ko at tumingin sa bintana. Nakaalis na pala kami ng hindi ko namamalayan.
Ang haba din pala ng naitulog ko iginala ko ang paningin ko sa bus na sinasakyan namin. Ang tahimik lahat kasi tulog. Bigla kong naalala na may ibang section nga pala kaming kasabay. Sino kaya tong katabi ko? Tinignan ko kung sino sya pero diko makita yung mukha nya kasi natatakpan ng hood ng jacket nya.
Nakakairita nga eh nakapatong yung ulo nya sa balikat ko inaalis ko pero bumabalik pa rin. Bahala nga to inantok tuloy ulit ako bigla.
Nagising na lang ako ng may maramdaman akong sumusundot sa pisngi ko nagmulat ako ng mata at tinignan kung sino yung peste na yon.
"Ano ba?! Kitang natutulog yu-" OMG this not happening! Si Forth! Si Forth pala yung katabi ko magmula kanina. Waaaaah! Nakakahiya nakapatong kasi yung ulo ko sa ulo nya shocks! Na turn off na to sakin.
"Miss, can you please remove this pretty little head of yours? It's heavy just so you know." Masungit nyang sabi. Nako wala na talaga akong pag-asa kaiyak huhu.
"S-sorry. Sorry po" yun na lang nasabi ko sabay alis ng ulo ko. Sayang tsansing na yon hahaha.
He tsk then move alittle. Arte pero don't worry mahal pa rin kita hahaha lande.
....... Still not done.