Chapter 4

26 0 0
                                    

April 6

Brian--
Good morning. Happy birthday Akira ko! See you later, congrats din! I love you!

Napangiti ako sa unang unang text at greet sakin ngayong araw na to, si Brian.

Graduation day na! At, birthday ko rin. Ito na rin ang araw na sasagutin ko si Brian, eto na yun, dalawang buwan palang ata sya nanliligaw pero eto na ko. Gusto ko na ng label, though pinapafeel nya naman na sakin na akin sya at kanya ako, gusto ko lang talaga maging official na.

"Tok tok" sabi ni mommy habang kumakatok sa pinto ko.

Agad akong tumayo mula sa kama at binuksan ang pinto

"Happy birth--" "Happy graduatio--"

Sumabog ang confetti, si mommy, mga tito at tita ko at mga pinsan ko at may cake.

"Akala ko ba happy graduation ang una bago birthday? Mali naman kayo e!"

"Anong graduation ang una?! Syempre birthday! Wala namang ggraduate kung di sya pinanganak, mali kayo!"

Para silang tangang nag aaway sa pintuan ng kwarto ko.

Natuwa ako, hindi ko inexpect to. Pero nalungkot din nang hindi ko naramdaman yung presensya ni Brian ko. Siguro hindi lang sya ininform nila mommy, o kaya may aasikasuhin.

"Wish ka na anak!"

Pumikit ako. Good health for my loved ones, and sana si Brian na talaga.

Tapos nagblow na ko ng candles.

"Yehey! Valedictorian yang anak ko akala nyo ha! Oh tara bumaba na tayo, kainan na!"

--

"Demelclair, Akira C...

Sa pag-akyat ko ng stage, unang hinagilap ng mata ko si Brian, nakita ko syang nakangiti at naka thumbs up. Binigyan nya ko ng flying kiss kaya medyo natawa ako. Ang landi.

Domingo, Sunday S... Encantadia, Amihan.."

"Ayan, tapos ka na sa high school, pwede ka na lumandi, girl."

"Nakita ko nga aba nagflying kiss pa si boyfie nya sakanya oh!"

"Boyfie ka jan, hindi pa kami no.... Hindi.. pa."

Ang haba ng ceremony, medyo hulas na ang make up ko, gusto ko nang umuwi at makasama si Brian, nilamon na ko ng pag-ibig, jusko.

Syempre inannounce na ang mga estudyante na with honors, at ang valedictorian, ako.

Habang paakyat ako ng stage nakikita ko kung gaano sya kasaya, kung gaano nya ko pinagmamayabang.

"Hello, alam kong pagod na kayo, masakit na ang mga pwet at paa nyo, gusto nyo na kumain, umuwi at matulog. Pagod na yang mga tenga nyo na makinig sa dami ng nagspeech dito sa unahan, pero bigyan nyo ako ng chance, para magpasalamat. Unang una, kay Lord, hindi ko to magagawa ng wala sya, sa mga magulang ko na nandyan para sumuporta, mga kaibigan na nakaantabay.....

Sinabi ko na lahat, may mga korni na jokes, mga quotes, mga istorya na relatable, pero karamihan talaga korning jokes.

Bawat matang natingnan ko, nakita ko kung gaano sila kainterested sa speech ko, kahit na alam kong korni nga ako, sinabi ko na for the third time.

"..nakakatuwang isipin yun kung tutuusin, pumasok ako sa eskwelahang yun nang walang kakilala ni isa, pero may naglakas loob na makipagkilala sakin. Medyo matangkad sya, matangos ang ilong, mahaba ang mga mata, may nakakahiwang jawline at may maninipis at mapupulang labi.."

Nag yie naman silang lahat.

"Nung una, makulit sya, nakakairita, mapang-asar, papansin na akala mo hindi sya minahal nung bata sya. Walang araw ko sa high school na hindi ko gugustuhing pingutin sya sa sobrang korni at ingay nya. Gusto ko syang suntukin, ayokong makita yung pagmumukha nya.."

"Ayon!" "Brianzoned!"

"..pero noon yun. Hindi ko namalayan na sa sobrang inis ko, mahal ko na pala sya. Pag wala sya hinahanap ko yung maingay, yung mga asar, yung may manghihila ng upuan ko kapag uupo na ko.."

Naghiyawan ulit sila.

"..buong high school ko sya ata ang pinakaclose ko sa lahat, sya yung nagsilbing punching bag ko pag naiinis ako, unan ko kapag gusto ko ng kayakap, at shoulder to cry on..

Lahat ng role sa buhay ko nagawa nya na, kontrabida, nanay, bestfriend, kapatid, kalaro, kaaway..

Pero may hinahanap pa kasi ako.. Parang gusto ko naman syang maging boyfriend.

Brian Kang nga class B, sinasagot na kita. I love you.

Napatayo sya, naghiyawan ang lahat.

Hindi ko alam kung tama bang dito ko sya sinagot, nakahanda na kong humarap sa guidance counselor, promise.

Umakyat sya sa stage at niyakap ako ng magigpit.

"Yes! I love you, Akira Demelclair, I will take care of you, I will treat you like a princess, I promise." bulong nya sa mga tenga ko.

MsChildishMeanie

I Would [DAY6 YOUNG K FF]Where stories live. Discover now