Buwelo (One Shot)

293 9 1
                                    

RATED SPG. Lengwahe. =D

Buwelo 

By: AkiGreen

Nakatulala tuwing gabi. 

Iniisip ang yong magandang ngiti. 

Hanggang tingin nalang ba ako sayo.

Hinahanap pag wala ka. 

Pag nandyan kana ay di na ako makasalita.

Nanabik makatabi. Pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan. Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag lumalapit ka na.

###########~

"Oy Brylle sasama ka ba sa practice mamaya?" tanong sakin ni JP. Kasamahan ko sa acting workshop na sinalihan ko.

"Oo naman. Basta hahabol ako."

"Ge. Kita nalang mamaya. Una na ko." tumango nalang ako sa kanya. May klase pa kasi ako at mahuhuli ako ng isang oras sa call time namin sa workshop. Sa totoo lang, hindi ko din naman trip sumali sa workshop na yan. Psh. Pauso taena. Sinali lang ako ng ate ko na isa sa mga coordinator dun. Para daw kapag free time ko, may nagagawa daw akong mabuti. Tsanggala, pakakorni 'no?

Hindi naman ako sasali ng dahil lang sa sinabi ng ate ko. Anu yun? Natakot agad? Psh. Hindi a. Isang beses, sinubukan kong pumunta. Ayun, putcha puro kaboringan tsaka wala naman akong hilig. Acting workshop? Anong mapapala ko? Magmumuka lang akong tanga dun dude.

Pero-- dati ko lang yun iniisip.

Iba na kasi ngayon. May pumukaw kasi ng atensyon ko. Simula ng makita ko siya, ewan ko ba. Basta bigla ko nalang naisip na... ano naman mawawala kung susubukan ko? Acting workshop? Sus! It will boost myself confidence!

"Sorry miss. Im late." sabi ko sa instructor namin pagpasok ko sa gym sabay bigay ng sched ko. Parang nag-aaral din kasi dito. Sabihin nalang natin na, ini-enroll ko din tong 'Acting Workshop'.

Nag-start na pala sila. Ayus lang naman. Kaya diretcho nalang ako sa kapartner ko sa first scene na ipi-play. Oo na, hindi bagay kung sa lalaki na sumali sa ganito. Pero bakit nauso ang salitang 'actor' kung hindi? Psh.

Gwapo, matangkad, singkit, maputi ang sinasabi nilang itchura kung idi-describe daw ako. Kaya naman ako ang napiling bida sa kauna-unahang play na pagbibidahan ko. Ayus no? Wala 'e. Iba na talaga kapag ganitong muka. Ayoko nga sana,pero buti nalang SIYA ang kapartner ko.

Taena. Ang bagal pumick-up nitong Jp na 'to. Gustong gusto ko ng siya naman ang makasamang mag-practice ngayong araw. Kaso hanggang hindi pa kami tapos ni Jp sa line na kakabisaduhin, hindi pa ko pwedeng umalis.

"Tsanggala naman Jp. Ilang ulit pa ba pre?" 

"Sorry naman pre. Sige na, dun ka na sa sunod mong line. Ako nalang muna magkakabisado dito mag-isa." 

"Hindi pwede sabi ni Miss dre." 

"Pwede yan. Sige na." inismidan ko nalang. Loko talaga 'to.

Pero 'de ayus! Mapuntahan na nga siya. Si Joy. Ang dahilan kung bakit ko natagalan dito sa AW (Acting Workshop). Ang prinsesa na kapartner ng isang prinsipeng pinagbibidahan ko. Ang pumukaw ng atensyon ko umpisa palang. Ang...matagal ko ng mahal. Si Joy Sebialno.

**

Ayus! Wala na syang ibang kasama. Tapos na ata siya sa line niya sa unang scene! =D 'Yun o. Ang ganda talaga niya.

Maputi, matangkad, mabait, sexy---oy manyak agad? Dinedescribe ko lang naman mahal ko! Putcha- hwag na nga! Baka agawan niyo pa ko. Taena, magulpi ko pa kayo.

Buwelo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon