"So tayo na?"
"OO naman. Pasasayahin kita at mamahalin ng walang katapusan. Tandaan mo yan ha?"
"Di ko na kailangan pang tandaan yan kasi alam ko naman iyon. Kaya nga pinaubaya ko sayo puso ko"
"Maraming salamat kasi pinagkatiwalaan mo ako para alagaan yang puso mo"
"I Love You, Saranghae"
"I Love You To--------"Kasinungalingan lang lahat yun. Ha! Kala niya diko alam na niloloko niya ko?!
A tear fell from my left eye.
"Kleiness, bumaba ka na diyan! Nakahanda na ang mga gamit mo at bilisan mo na diyan at baka mapag iwanan ka!" Sigaw ng mommy ko galing sa baba.
"Opo, pababa na po!" Sigaw ko pabalik.
Btw, my name is Kleiness Kei Duterte, 16 years old at nag aaral sa Libramonte High na pag aari ng bestfriend ko. At nakatira naman sa Park International Ville at pag aari rin ng isa ko pang bestfriend.
Yes. Mayaman kami pero di naman kami yung tipong spoiled brat o bitch. Ordinaryo kami sa paraan namin, pero meron paring mga tao na ini- idolo kami at ang taas ng tingin sa mga pamilya namin. Namin------- kasi lima kaming magkakaibigan.
Una si Dencel Dein Libramonte.
Pangalawa si Vrance Vei Evans.
Pangatlo si Rakki Rai Kim.
Pang apat si Freya Fei Park.
And lastly me----- Kleiness Kei Duterte.Ang weird ng pangalan ko at ng kanila. Ewan ko ba sa mga magulang ko at nila dahil galing daw yun sa mga pangalan nila. Pero ASTIG!
Haahaha.
At may isa akong kapatid. Si Zhie (Zi) Ike 10 Years Old. Boy po siya. At para ko na po siyang tatay. Eh?! Kasi pag matagal akong nakauwi eh, maghihintay siya sa may balcony na may hawak na hanger at pag nakita niya nakong bumaba galing sa sasakyan eh ipapalo niya yun sa pwet ko at talagang malakas siyang pumalo. Pagkatapos niyang gawn sakin ang karumal dumal na panyayaring yun eh papasok na siya sa kwarto niya at matutulog. Imba! Grabe, ibang klase! Paano mangyayari yun eh mas matanda ako sakaniya?! Pero hayaan na! Alam ko namang mahal na mahal niya ako!
;)
Baba muna ako. At kakain pako.
(Burrrrrppppp)
Oopppss. Sorry. Peace.
Yung drama ko kanina? Huwag niyo nang pansinin ha? Medyo nakaka move on naman nako sa ginawang panloloko nung ex ko na si Miller Vasquez. Yung talipandas na yun? Ha! Humanda siya kasi--------- basta humanda siya!
"Anak, mag ingat ka dun ha? Magiging vascular doctor ka pa!" Sabi ni mama.
"Mom, Cardiotheracic Doctor po yun. Hihihihihi" at kiniss ko siya sa cheeks.
Ayaw kong umiyak, baka di nako makatuloy sa pupuntahan ko. At yes, college nako! And I'm taking up about Medicine.
YOU ARE READING
Saranghae
Teen FictionLumipad papuntang Korea para hanapin ang ONE TRUE LOVE niya, pero ano nangyari? Nakita niya nga ba? Nakita niya nga pero magiging masaya ba siya? Siya na ba talaga ang para sa kaniya? O may iba pang nakalaan para sa kanya? Pero paano kung huli na...