Note: Siya po ay isang trashtalker, wag nang magtaka.
What does the fox say? Ring-ding-ding-ding-diding-diding. What does the fox say?
"Ugh fox you.." langhiyang alarm clock, ang pangit ng tunog. Kagagawan na naman ito ng walang iba kundi si..
"Maaaaaaa-"
*boogsh*
"Oh Jo Hannah anak, ano problema?" kung maka bukas ng pinto, akala mo sa kanya.
"Anak mo mukha mo. Wag kang assuming, virgin ka pa nga eh."
"Whatevs. As if naman, gusto kitang maging anak."
"Arte nito, upakan kita jan. Ang pangit ng tunog ng alarm clock ko, palitan mo nga. Madali!"
At ang walanghiya tinalikuran ako't umalis na sa kwarto ko. Buset talaga 'tong si Ma Nang. Naririnig ko yang The Fox na 'yan pag nanunuod siya ng Showtime tas sasayaw pa siya tulad kay Vice Ganda. Parang baliw.
"Hoy Ma Nang Buday! Wag mo tatalikuran amo mo!"
Humarap. Masunurin.
"Shattap. It's Maria. Alam mo naman na may dot kasunod ng Ma diba? So it's Maria Nang Buday, at your service Ma'am."
Iyan ang yaya ko. Kasama ko na 'yan simula ng isinilang ako. Nang isilang ako, 14yrs. old palang siya. Ngayon 27 na, walang syota. Pangit kasi, dejk. Maganda 'yan, iba lahi eh. Ewan ko lang kung ano. Weird pa ng pangalan, Ma. Nang Buday. Pero Manang tawag ko sa kanya, bagay eh.
"First day of classes namin ngayon, ano niluto mo?"
*ding dong*
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan papunta sa pinto. Bastos talaga kahit kailan, di manlang ako sinagot. Bumaba narin ako papuntang kusina.
"Jo! Good news, halika dito!"
Kumuha muna ako ng isang kapirasong hotdog at pumunta sa sala.
"Oh?" Tanong ko.
"Tadaaa! May nag-aapply bilang maid."
Good news para kay Manang, para may utusan na siya.
"Maupo ka," sabi ko. Bata pa din, mga 20 siguro.
"Pangalan?" tanong ko.
"Ko po?" tangna. Tiningnan ko si Manang, alam na niya ibig sabihin nun.
"Siguro ng katabi mo. Sino ba nag-aapply dito? Ikaw, edi malamang sayo."
Iyan si Manang, sarkastikong Buday. Sabi pa nga niya, "Sarcasm is one of the many services I offer." Oh sosyal, tinuturuan ko 'yan ng English para naman pag bumibisita kami sa magulang ko sa Australia, di siya mao-OP.
"Ah, hehe nga naman. Ako po si Joyce Viray, 20yrs old, nakatira sa malayong probinsya."
Sabi ko senyo eh. My instincts never fail me.
"Paano ka nakarating dito sa Manila?" tanong ni Manang.
"Ah? Eh sumakay po ako ng bus, tsaka jeep. Bakit po?"
Napa facepalm nalang si Manang. Haha
"Tss. Bagay ka dito, magsama kayo ni Manang. You're hired."
Naligo nako't nagbihis. Pagbaba ko, nag-uusap na si Manang at Joyce. Sinabi na ni Manang mga gagawin niya, atbp.
Lumabas na ko ng bahay, dala ko skateboard ko. Malapit lang naman ang Tigress High, walking distance. Tinanggal ko nakapaskil na cardboard sa gate namin.
Wanted: Babaeng Maid
Panget talaga sulat-kamay ni Manang, sabi ko i-print nalang eh.
"Hoy Jo Hannah Leondale! Wag pasaway sa school!" sigaw ni Manang, di na nahiya sa mga kapitbahay.
Tss. First Day. This will be a long day.
"Basagulera pa naman ang batang iyon.." rinig ko pang sabi niya.
BINABASA MO ANG
TRAPAPAK
Teen FictionIto ang storya ng 13 na magagandang dilag. Subaybayan ang mga pangyayari ng barkadahan nila, ang TRAPAPAK. Note: Ang storyang ito ay isang fiction lamang, 'wag epal.