Someone's POV
Nakita kong tumatakbo siya papunta sa may guard house. Nakita ko din na basa ang mata niya. Akma ko na syang pupuntahan ng may bigla akong nadaanan isang babae. Babae? Babaeng nilulunod ang sarili nya sa buhangin? Nasa isip ko 'seryoso ka miss? Magpapakalunod ka sa may buhangin pa? E kay lapit lapit lang naman ng dagat.' Habang natatawa ako. So balik tayo sa babaeng nakita kong tumatakbo. Nakita ko sya nga. Si Anica bat kaya umiiyak tong babaeng to. Medyo napasimangot ako ngayon ko lang kasi makita to na ganto. Lagi ko kasi syang nakikitang masaya at puro tawa nakikita kong masarap syang kasama kasi walang arte. Naka t-shirt at jersey short lang ito lagi.
Diko namalayan nasa harap na nya ako.
Late na ah? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko. Hindi naman sya sumagot. So nagsalita nanaman ako hanggang sa sumagot sya. Tama nga ako umiiyak sya halata kasi sa boses nya at nahalata ko din na medyo natatakot sya sakin. Well, di nya ako makita kasi nakatungo lang sya at pinipilit pakalmahin ang sarili nya.
Hanggang sa makalipas ang ilang minuto nag paalam na din sya sakin. Agad naman akong nag sige. Naramdaman ko na din kasi na pagod na pagod na sya sa kakaiyak baka gusto na nyang magpahinga. Tumayo na ito nagpaalam. Hay kung alam mo lang sana Anica. Kung kilala mo lang din sana ako. :(
Hindi ko pa pala nasasabi sainyo kung pano ko nakilala si Anica. At paano ko nalaman na Anica ang pangalan nya. Palagi kasi akong tumatambay dito sa may malapit sa dagat kasama ang mga tropa ko. At lagi ko din nakikita dito si Anica kasama ang mga barkada nya halos lalaki yung kasama ni Anica bilang lang siguro yung mga babae. At kung may babae man siguro syota ng mga barkada nya. Naisip ko na baka malandi si Anica kaya puro lalaki ang kasama nya. Hanggang sa isang araw nakita ko nanaman sya dun.
*Flashback!*
~
Magkalapit lang yung pwesto namin sakanila kayat naririnig ko ang usapan nila. Nalaman ko na puros kuya kuyahan nya ang lagi nyang kasama. Kaya pala halos araw araw nya kasama ang mga ito. So inisip ko naman na baka tomboy si Anica. Kinakausap ko ang sarili ko. Na parang timang.Hoy! Para kang tanga dyan. Sinong kausap mo? Tropa 1
Ah.eh?ah eh. Utal kong sagot.
Aeiou? Hahahaha tnga mo! Bat ka nakatingin sa grupong yan? Tanong ng tropa ko.
Bading ka noh. Type mo si monato noh.! Pang iinis nya.
Kingna naman pre. Para kang timang halikan kita dyan e. Sabi ko sabay tawa. Ganto oh HAHAHAHAHAHAHAHAppy ako.
Bigla akong tumigil sa kakatawa. 'Pre! Pre. Tomboy ba yang babaeng maingay na yan? Tanong ko.
Si Anica? Pagsabi nya sa pangalan nung babae.
Aba malay ko kung Anica pangalan nyan. Sagot sa tropa ko.
Ggo. Si Anica lang naman babae dyan. Hindi bakit? Type mo noh? -Tropa 2
Oy. Hindi ah! Pag tanggi ko.
Oy denial! Lalaki na ang tropa namin. Hahahahaha sabay sabay nilang sabi sakin.
Napagtripan tuloy ako. So Anica pala ang pangalan mo. Nung akto akong magtatanong sa barkada ko. Nakita kong aalis na sila Anica at mga kasama nya. Teka. Hindi ako nakaimik ng makita kong angkas sya ni Ralph. Natameme ako. Ralph? Boyfriend ni Anica si Ralph?!
Oo boyfriend ni Anica si Ralph. At matagal na din sila. Sagot ng barkada ko.
*End of flashback*
N/A:
Kabitin ba? Hahahaha relax lang my dearest readers.Sino kaya si Someone? Sya na kaya ang social media friend na feeling close kay Anica? Antayin ko mga comment nyo. :* Mwaaaah
YOU ARE READING
Unlucky I fell inlove with my bestfriend
RomansaTo those girls out there. Who has the same situation with my story I think this story suits u and You'll probably like it. C'mon feel free to comment. Enjoy guys