Naaalala Ka

359 12 6
                                    

Love the song in the media box :)

* * * * *

May dalawang taong naglalakad - isang lalaki at isang babae. Galing sila sa isang mataas na gusali na maraming ilaw, isa sa mga natitirang maliwanag sa lugar na kinatatayuan nito. Alas-seis na ng gabi at madilim na sa paligid. Ilang establismento na lamang ang bukas at maya-maya lang ay magsasara na rin ang mga ito. Ang mga kabahayan ay tahimik na rin. Wala nang mga bata na makikita sa labas, at iilang tao na rin lang ang nasa kalsada.

Sabay at mabagal ang paglalakad ng dalawang taong iyon. Pareho silang balot ng makakapal na damit dahil may kalamigan din ang panahon. Naglalakad sila na tila wala namang pupuntahan. Patingin-tingin sa paligid at bahagya ring sumusulyap sa isa't-isa.

"Grabe, ang tahimik dito," maya-maya ay sabi ng dalaga.

"Yeah. Ang peaceful. Kung nasa Manila tayo, rush hour na 'to," sagot ng binata.

"Oo nga noh. Traffic, maingay, magulo..."

Tumawa nang mahina ang binata, at sinulyapan ang mukha ng katabing humahanga pa rin sa lugar na kinaroroonan nila. Napangiti siya na tila nahawa sa nakangiting labi nito at sa mga matang animo'y kumikislap sa dumidilim na paligid.

"Why?" pansin ng dalaga sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig nya dito.

"You're so beautiful..." tila naengkanto at wala sa sariling nasambit niya.

Napamaang sa kanya ang dalaga at sabay silang napahinto sa paglalakad. Hindi ito sumagot at nakatingala lamang sa kanya, dahil mas matangkad siya rito.

"Seryoso." Muli ay sabi nya, at ngumiti para makumbinsi ito sa katotohanan na sinabi niya.

Alanganin ang ngiti ng dalaga, mukhang nahiya sa direktang papuri. "Thank you," mahinang sagot nito at tumuloy na sa paglalakad.

Napahawak sa batok ang binata na kunwa'y napagtanto ang kanyang nagawa. Sinundan niya ito at muling sinabayan sa paglalakad.

Tinahak lamang nila kung saan papunta ang nilalakarang kalsada. Maya-maya ay huminto sila sa upuang gawa sa bato, sa gilid ng plaza, at doon namahinga. Pinagmasdan nila ang kabundukan na tila pumapaligid sa kinaroroonan nila.

"Gusto kong pumunta don, pero mukhang sobrang layo," tukoy ng dalaga sa isang templo na nakatayo sa papataas na bahagi ng bundok, tanaw mula sa kinauupuan nila.

Tinanaw din ng binata ang itinuturo nito. "Malayo talaga yan. Pero kaya namang puntahan."

"Paano?" nilingon siya nito.

"Let's find a way."

Tila hindi kumbinsido na ibinalik nito ang tingin sa malayong lugar. "Hmp, mahirap yan... parang wala namang means to get there easily."

Tumahimik lang ang binata. Mukhang iniisip ang sinabi ng kasama o naghahanap ng isasagot dito.

"Kung makarating man tayo jan, for sure, matagal," dugtong pa ng dalaga.

"Pero gusto mo diba?" balik-tanong niya.

"Oo nga."

Sya nman ang lumingon dito. "Then it's gonna be worth it."

Doon napangiti ang katabi. Hinapit nya ito palapit, at ihinilig ang ulo nito sa balikat nya; nagpaubaya naman ang ito. Ilang saglit silang nasa ganoon lamang. Hindi sila nagsasalita o kumikilos. Nakatingin sila sa malayo - palipat-lipat sa templo, sa bundok at sa madilim na kalangitan. Pero hindi naaalis ang ngiti sa kanilang mga labi.

Naghikab ang dalaga maya-maya at inalis ang pagkakasandal sa kasama.

"Let's go?" paanyaya ng binata.

Sabay silang tumayo at naglakad palayo. Ilang hakbang pa ay magkahawak-kamay na ang dalawa pabalik sa kanilang pinanggalingan.

* * * * *

#ThrowbackThursday

#KathQuenspired :)

Naaalala KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon