Kylie pov's
Wala sila mama, kami lang nila ate sydney,ate chloie,ate rhea, ate flora at ate hera. Ako lang ang pinakabata dito.
We don't know what to do.
Nakakaboring ang tanging ginagawa lang namin ang maghintay. Maghintay. At maghintay.
Sanay naman na kami ung laging pinaghihintay sa wala,pero ngayon mukhang ang hinihintay namin ay darating at hindi kami papaasahin.
"Woi kylie!kanina ka pa namin tinatawag." Sabi ni ate sydney.
"Hahaha baka iniisip yung boyfriend niya." Sabi ni ate flora.
"Di ako kasing harot mo ate flora wag kang ano!" Natatawa kong sabi.
"Kebata-bata pa nyan flora!subukan lang nyan magboyfriend papatayin ko yung lalake." Angas na angas sa sariling sabi ni ate rhea.
"Pano magkakaboyfriend eh makikipagkaibigan pa lang yung lalake andami ng sinasabi.hahaha. Tulad ni diego,nakipagkaibigan. Ang sabi niya 'dyan!dyan lagi nagsisimula sa pagkakaibigan tapos magiging in a relationship tapos lolokohin mo rin ako psh!ayoko!!shoo!bumalik ka sa pinanggalingan mo!'." Pang gagaya ni ate chloie sa sinabi ko noon. Dahilan para magtawanan kami lahat.
"Pano ang bitter kasi." Sabi ni ate hera.
"WOW! Kailangan talaga lahat kayo may linya ahh!pinagtulungan pa ako." Sabi ko sa kanila.
"Edi wow!!" Sabay-sabay nilang sabi dahilan para magkatinginan sila at magtawanan.
Mga baliw lang eh noh.
4:00 pm,
"Merienda time!!" Sabi ni ate hera.
At pumunta si ate hera sa sala at nanonood kami ng palabas na 'lights out'.
Nagtilian sila ate ng biglang sumulpot ung babae sa likod nung nanay nung bata.
Kami naman ni ate hera chill chill lang dahil yes nakakagulat pero hindi nakakatakot.
May kumatok.
At pumunta ako sa pinto para buksan pero nung tumingin ako dun sa maliit na butas sa gitna sa taas wala naman,kaya pumunta nalang ulit ako sa sala ng biglang nalaglag ang tinidor sa kusina, pero pinabayaan ko lang kasi baka daga lang.
Nung makabalik na ako.
"Oy!kylie!ang ingay mo!" Sabi ni ate flora.
Nagtaka ako eh ung tinidor lang naman ang maingay.
"Oo nga kylie nagdada ka pa sa pintuan." Sabi ni ate chloie.
Di ko nalang sila pinansin dahil baka niloloko lang nila ako.
Natapos ang palabas wala ako ibang narinig kundi tili at ang boses nila nainispoil ang palabas.
Nagawa ako ng juice. Para inimumin namin ng biglang may narinig akong..
"Huy!laro tayo." isang boses ng babaeng bata.
Hinayaan ko lang kasi baka sa labas ng kusina lang namin dahil madalas merong bata doon.
Pero..
"Huy!ate kylie!laro tayo!!" Sabi ulit.
Hindi ko pinansin hanggang sa may kumalabit sakin at hindi ko natiis, tumakbo ako ng naglalakad dahil may dala akong juice baka matapon.
Nang makarating na ako sa kwarto.
"Oh anyare bat hingal na hingal ka?" Tanong ni ate sydney.
YOU ARE READING
Hide And Seek [COMPLETED]
Short Story9/17/12 That day we play the game pinoy henyo and also the game hide and seek. And we play it in the middle of the night, because my mom was not in our house she's in her work. Our parent's our not their, Only us. |BadLady_04 stories|