Prinsesa

2.1K 80 35
                                    

Announcement:

This poem is written in Lyric's POV in pilosopotasya's That Twisted Love Story. Napakagandang istorya niyan, basahin niyo na kung 'di niyo pa nababasa 'yan :)

Sana maenjoy niyo :)

-----

Sa bawat pagtipa ng gitara

At pagsaliw nito sa musika,

Mukha mo ang nakikita

Pinakamamahal na prinsesa.


Kulang ba ang mga kilos na ipinakita?

Mga kilos na nagsasabing mahal kita.

Mensahe ng mga inawit na kanta

Upang pagmamahal sa'yo'y maipadama.

Hindi alam kung kailan nagsimula

Ang pagtanging sa pagkakaibiga'y higit pa.

Kaya 'nung Pasko matapos mong kumanta,

'Di ko na napigilang hawakan ka.

Nakatulog noon nang napakasaya

Boses mo'y nakatatak na sa diwa.

At di na maalis kahit ng amnesia

Sigurado ka bang 'di mo ko ginayuma? :)

Lumipas ang mga araw na 'di tayo magkasama

Naging abala ko sa pelikula, para na rin sa banda.

Nagulat nang sa set ay nakita ka

'Di nag-atubiling sa'yo tumitig habang kumakanta.

Sa mga ngiti at sulyap mo ay halata

Na sa aki'y may nararamdaman ka.

Kaya laking gulat nang tumakbo ka

Nang sabihin sa'yo ang dalawang salita.

Inisip na marahil ay nagulat ka,

O baka kaibigan lang talaga ako at kabanda.

Sa huling ideya'y nahirapang huminga

Masyado lang ba talaga akong umasa Prinsesa?

Pareho lang tayong puyat pagsapit ng umaga

Bakas sa bagsak at mugto nating mga mata.

Nagtipon ang buong banda sa baba,

At doon tumambad sa'tin ang malaking problema.

Agad akong nanlumo sa nakita,

Pero batid kong ikaw ang dito'y biktima.

Lalo na sa mga post sa social media,

Na kung batikusin ka ay hindi na tama.

Isang litrato niyo ni Lyle habang tulog ka,

Ngunit giit ng gago'y 'di siya ang may pakana.

Dahil diyan ay nawala ang saya't sigla,

Na bumabalot sa bahay at sa buong banda.

At isang araw bigla ay naghanda ka.

Niyakap ang tatlo at nagpasalamat sa kanila.

Pumasok sa'king kwarto at inilapit ang mukha,

Ngunit nagising ako, at bigla'y umalis ka.

Nabigo nang subukang sundan ka

Hindi alam kung saan ka pupunta.

Laking gulat nang samin ay ibalita,

Ni Manager na tumiwalag ka na.

Mahirap tanggapin ang bigla mong pagkawala

Lalo't lumalim na talaga ang pagsinta.

Pakaingatan mo sana ang sarili mo kahit nasaan ka,

Dahil tangay mo sa 'yong pag-alis ang puso ko, Prinsesa.

PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon