Chapter 1

88 6 0
                                    

#BTH1


"Ahhh! My gosh! Tin, look at this." Ngiting ngiti si Zhelli habang pilit pinapakita sa'kin ang isang video blog. Lumingon ako saglit at ibinalik ko din agad ang tingin sa aking ginagawa.

Intro pa lang naman pero kung makatili wagas.

"Aish! Tigilan mo nga 'ko, kitang may ginagawa eh." Inis na sabi ko.

Hindi ko din alam kung ba't ko ba pinapunta ang babaeng 'to dito. Napakaingay!

"Eto naman, titignan lang eh." Umalis siya sa tabi ko at umupo sa kalapit na upuan.

"Bakit? Sino ba 'yan?"

"Si Iver!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa nakabibinging tili niya.

"Iver, who?" Tumungo ako sa desk at pinikit ang mata ko. Dapat pala di na lang ako nagpuyat kagabi.

"Iverson Fuentes," Napadilat ako dahil sa sinabi niya. Oh, shocks. "Patingin nga!"

Inabot niya sa'kin ang cellphone niya. Pinindot ko ang play button dahil kasalukuyang naka pause ang video. "Yow wazzup—" Napatigil ako nang makitang siya nga 'yon.

Confirmed, it's him. Tinotoo niya pala yung sinabi niyang gagawa siya ng Youtube channel.

"Paano mo siya nakilala?" Tanong ko sa kanya. Zhelli is my one and only friend in this University. Sa ilang taong pag aaral ko rito siya lang talaga yung tumagal sa'kin, sa ugali ko.

"I saw him kasi sa isang vlog ni Ate Pamela Swing. Marami ngang nagtatanong ano pangalan niya eh. Halos siya lang laman ng comment section sa vlog na 'yon. And luckily, I found him!" Sabi niya na parang nanalo sa lotto.

"Oh. I see," Tumango tango na lang ako. "I know that guy."

Nanlaki ang mata niya. "Really?!"

"Yes, we met him at the Adobers TakeOver event." Lumapit siya sa'kin at kumalumbaba. Gusto niya atang magkwento pa ako.

"Tapos? OMG, what do you mean by 'we'? So it means marami kayo?" Sunod sunod na tanong niya. Tumango na lang ako, I really wanna sleep so bad! "What? Wag mo akong bitinin my dear friend."

"Whatever. Matutulog ako, you can also sleep if you want... or kung gusto mo umuwi ka na lang," Inaantok na sabi ko sa kanya.

"Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Aeora Crystine Villamor." Inirapan niya pa ko. "Anyways, I have to go home na. Thanks for today sweetheart. Byers!"

"Bye, ingat ka." Nagflying kiss pa siya sa'kin bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto. Unting unti na ring dumilim ang paligid ko.


"What the heck?" Inis na bulong ko sa sarili ko. Nahulog ba naman kasi yung iPad. Naabala pa ang tulog ko na wala pa atang limang minuto. Argh.


Tuluyan nang nagising ang diwa ko. Kaya naisipan kong i-check nalang ang mga social media account ko. Napangiti ako nang mag pop up ang isang notification.

Napawi ang ngiti sa labi ko nang may narinig akong pagkatok sa pinto. "Crystine, bumaba ka salas ngayon na. May mahalagang sasabihin kami ng Daddy mo sa'yo." Rinig kong sabi ni Mommy.

"Okay, heto na po." Padabog na inalis ko ang kumot na nakabalot sa'kin. Napairap ako sa kawalan.

Tinatamad na sinuot ko ang tsinelas ko at pinihit ang doorknob. Dito pa lang ay naririnig ko na ang pag-uusap nila. Ano na naman ba ito?

Beyond the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon