"BEST FRIEND"(A One-shot Story)
Naaalala mo pa ba? Yung unang araw tayong na una tayong nagkakilala? Napakamalungkutin mo at ayaw mong makipaglaro sa mga batang kasama natin noong panahon na 'yon. Nakitang kitang nagbabasa sa isang tabi at tila walang paki-alam sa mga batang naglalaro sa iyong harapan.
'Di ako makatiis at nilapitan kita. Niyaya kitang sumali sa laro namin ngunit ayaw mo at nagpatuloy ka lang sa pagbabasa. Kaya lang sadyang makulit talaga ako eh. Niyaya muli kita ngunit hindi ka parin pumayag.
Gusto kitang maging kaibigan kaya pinili kong hindi na sumali sa laro at nakipagkwentuhan na lamang sa iyo.
Akala ko hindi mo ako papansinin ngunit nagulat ako nang bigla mo akong nginitian.
Sa mura kong edad, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa malaki at tunay mong ngiti. Ang ngiting hinding hindi ko makalimutan.
Nalungkot ako nang may lumapit sa atin at napagkaalaman kong yaya mo siya. Sinusundo ka na niya dahil hinahanap ka na ng mga magulang mo.
Nalungkot ang bata kong puso at umasang makikita ko siya muli.
Ngunit hindi ko akalaing magsusunod-sunod ang pagkikita natin. Kayo pala ang bagong lipat sa village namin. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa isip ko'y makikita ko ulit ang iyong mga ngiti.
Naging magkaibigan tayo. Madalas kang pumunta sa bahay namin at minsa'y ako naman ang pumupunta sa inyo. Naging magkaibigan ang mga magulang natin kaya mas lalo rin tayong naging malapit sa isa't isa.
Naalala ko pa noon na madalas tayong pumapasok sa school nang sabay dahil pinipilit ko ang aking driver na daanan ka sa inyong bahay para sabay tayong papasok.
Naging magkasanggang dakit tayo. Halos hindi tayo mapaghiwalay kahit noong nag-highschool tayo.
Kaya lang, dumating ang araw na hindi kita nakita. Hindi lang pala araw kundi linggo ang inabot nang hindi ka nagpakita. Akala ko busy ka lang pero noong puntahanan kita sa inyo ay sumalubong sa'kin ang kasambahay niyo at sinabi sa'kin na umalis kayo ng pamilya mo at nanirahan sa Amerika.
Sobrang nasaktan ako at may parte sa akin na nagagalit dahil sa umalis ka nang walang pasabi.
Akala ko ba best friends tayo?
Akala ko ba walang lihiman?
Akala ko ba walang iwanan?
Pero ano itong ginawa mo ngayon? Bakit mo ako iniwan?
Binalot ng galit ang buong puso ko. Galit na galit ako sa ginawa mo. Hindi ko kasi matanggap na iniwan ako ng bestfriend ko. Pero teka, Tunuring mo ba talaga ako Bestfriend o kahit friend man lang?
Naging galit ako sa lahat. Wala akong pinapansin. Lahat ng may gumagawa ng mali ay sinisigawan ko. Hindi na makalapit ang iba kong mga kaibigan. Sobrang sakit kasi ng sugat na iniwan mo sa puso ko. Hindi ko alam kung kailan ito hihilom.
Tumagal ang ilang taon at tila nahimasmasan ako sa pangyayaring iyon pero alam ko, sa puso ko na hindi parin nawawala ang galit ko sa'yo. Ibinaling ko sa pag-aaral ang lahat para lang makalimutan ko ang sakit.
Pero bakit ganoon? Kung kailan okay na ako, saka ka pa dumating.
Akala ko okay na ako. Pero noong nakita kitang umiiyak at yumakap sakin ay naiiyak din ako.
"S-Sorry." Yan ang salitang lumabas sa bibig mo habang yakap mo ako.
Kaya lang di kaya ng pride ko ang patawarin ka eh. Sorry lang? Ilang taong mo akong iniwan tapos sorry lang ang maririnig ko sa'yo?
Pilit kong tinanggal ang pagkayakap mo sa'kin. Akalain mo iyon? Nakaya ko kahit nanlalambot na ako. Gusto kitang yakapin at punasan ang mga luhang tuloy tuloy na umaagos sa iyong mga mata pero inuunahan ako ng pride ko kaya di ko ginawa.
Araw-araw mo akong hinabol, kinakausap at pinupuntahan sa bahay pero ako, heto, todo iwas sa'yo dahil sa galit parin ako.
Isang araw, pumasok ka sa kwarto ko. Heto naman ako at nagpapanggap na tulog. Kinausap mo ako at pinaalala ang lahat ng alaala natin noon at humingi ng kapatawaran. Kaya lang, hindi iyong ang gusto kong marinig eh. Gusto kong marinig ang paliwanag mo na bakit ka umalis at bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'kin.
Nagpatuloy parin ako sa pagpapanggap na tulog at naramdaman ko ang pagyakap mo sa'kin at ang pagsarado mo ng pinto.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay ilang araw ka muling hindi nagparamdam.
Ganyan ka ba talaga? Nawawala ng walang pasabi at dumarating ang bigla biglaan?
Hanggang sa dumating ang isang araw na tumawag sa'kin ang mommy mo at pinapapunta ako sa hospital dahil nakaconfine ka.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyari sa'yo? Ok lang diba? Sana walang nangyaring masama sa'yo.
Naabutan ko ang mommy mong iyak ng iyak habang ikaw nama'y nakaratay sa hospital bed. Tinanong ko siya kung anong nangyari. Sinabi niya na may sakit ka daw. Pinaliwanag niya sa'kin na kaya pala kayo lumipat sa Amerika para doon ka ipagamot.
Hindi niya na pinagpatuloy ang pagpapaliwanag at inabutan niya ako ng papel. Sulat daw ito mula sa iyo.
Dear Bestfriend,
Ngayong binabasa mo ito, sigurado akong hindi ko na kaya pang magsalita at magpaliwanag sa iyo. Sorry kasi hindi ako nagpaalam sa'yo dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan ka pero kailangan eh. Pumayag akong magpagamot sa Amerika at nagbaka sakaling gagaling pa ako sa sakit ko. Malubha na daw ito sabi ng doktor at may taning na ako buhay ko. Hindi na ako umasang gagaling pa ako kaya nagpadesisyonan kong bumalik nalang kami sa Pilipinas para makita man lang kita sa huling sandali ng buhay ko. Alam kong galit ka sa'kin. Masakit pero mas okay na sigurong magalit ka sa'kin kesa makita kitang masaktan dahil sa sakit ko.
Maraming salamat sa ilang taong pagkakaibigan nating dalawa na hindi ko akalain hahantong ito sa pagkahulog ko sa'yo. Oo, mahal kita. Pero hindi ko alam kung tatagal pa ba ako sa mundong ito kaya hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa'yo.
Sana kahit wala na ako, maging masaya ka parin. Sana makita mo ang babaeng mamahalin ka at hindi ka iiwan. Lagi mong tatatandaan na palagi kitang babantayan. Masakit man para sakin pero kailangan ko nang magpaalam.
Paalam mahal ko... Sa ilang sandaling nakasama kita kahit na galit ka sakin ay masaya ako.
Nagmamahal,
Nanginginig kong tinupi ang papel na naglalaman ng sulat mo. Anong ibig-sabihin nito? Nagtaka ako dahil tila hindi ito tapos dahil hindi mo naisulat ang iyong pangalan.
"Hindi niya na kayang isulat ito dahil nangangawit at napapagod na raw siya." Umiiyak na wika ng mommy mo.
Pilit ko mang hindi umiiyak pero sunod-sunod nang tumulo ang traydor kong luha. Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Sana pala hindi ako nagtaas ng pride. Hindi ko alam na may ganito kang pinagdadaanan. Patawarin ko ako. Hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita.
Naramdaman ko ang kamay mong humawak sa kamay ko. Gising ka na pala.
"M-Mahal k-ko.." Nanghihina mong sambit at matamlay na ngumiti. Napahagulgol ako sa iyak nang unti-unti mong binitawan ang kamay ko kasabay ng unti-unting pagpikit ng iyong mga mata.
Paalam mahal ko, patawad sa lahat.
~Wakas~