Tristan's side.
Dalawang taon na pala simula nung iniwan ko ang Facebook account ko kung saan ko siya nakilala.
Hindi ko lubusang maisip na nagawa ko yun,
Gusto ko kasing maka-limot.
Gusto kong makalimutan ang nararamdaman ko para sa isang fangirl na yun.
Magulo ba?
Hindi pa ko umaamin pero gusto ko na agad makalimot?
Kasi nga torpe ako.
Hindi ko kayang umamin.
Natatakot akong ma-reject.
Pero ang tanga ko, oo tanga talaga ako kasi hindi ko man lang sinubukan.
Kahit dalawang taon na ang nakalipas? Nandito pa rin siya sa puso ko.
Hindi napalitan, kahit kailan.
Ewan ko kung anong meron sa fangirl na yun, at ang lakas ng tama ko sa kanya.
Dahil siguro sa pagiging talented niya.
Bukod kasi sa pagiging fangirl ay gumagawa rin siya ng mga song covers.
Habang pinapanood ko ang videos niya, hindi mawala wala sa mukha ko ang mga ngiti.
Ang ganda kasi ng boses niya, at ang tatamis ng mga ngiti sa labi niya habang kumakanta.
Tila nabitag niya ako sa kanyang angking talento at ganda.
Tanga ko brad! Bakit hindi ko magawang umamin sa kanya?
Isa 'kong malaking tanga.
Isang torpe.
At ayoko na.
Elly. Siya yung fangirl na hanggang ngayon e, hindi ko magawang kalimutan.
Siya yung babaeng na-torpe ako nang sobra sobra.
Haha. Mukhang tanga lang, lalaki ako tapos pag amin lang, hindi ko pa nagawa.
Tanga ka Tristan, bakit ba torpe ka?
~E N D~