He possessed me and obsessed me. #1

90.5K 245 1
                                    

     Matapos ang maraming masasayang oras sa spa inihatid ako ni Cary at ng mom ko sa apartment; pagkatapos ay umalis sila para maghanap ng bagong cuff links para kay Stanton.

     Ginamit ko ang oras habang nag-iisa ako para tawagan si Gideon. Kahit naroon ang privacy na kailangang-kailangan ko, may anim na beses kong pinindot sa keypad ang karamihan sa phone number niya bago ko hinayaang kumonekta ang tawag.

     Sumagot sa unang ring. "Eva."
     Gulantang dahil alam niya kung sino ang tumatawag, sandaling nagkumahog ang isip ko. Paanong napunta sa contact list niya ang pangalan at ang numero ko?
"Uh ... hi, Gideon."

     "Malapit na ako. Ipaalam mo sa front desk na paparating ako."

     "Ano?" Pakiramdam ko may mga bahagi ng usapan na hindi ko narinig. "Paparating saan?"

     "Sa bahay mo. Paliko na ako sa kanto. Tumawag ka na sa front desk, Eva."

     Pinutol na niya ang tawag at tinitigan ko ang telepono, sinusubukang ipasok sa isip ang katotihanang sandali na lang at makakasama ko nang muli si Gideon.

     Medyo tuliro, tinungo ko ang intercom at kinausap ang nasa front desk, ipinaalam na parating siya, at habang nagsasalita ako, nakapasok na siya ng lobby. Ilang sandali pagkatapos niyon, nasa pintuan ko na siya.

     Saka ko naalalang ang tanging suot ko ay sedang roba na hangang hita ang haba, at nakaayos na ang mukha at buhok ko para sa dinner. Ano kaya ang iisipin niya sa gayak ko?

     Hinigpitan ko ang tali ng roba ko bago ko siya pinapasok. Hindi naman sa inimbitahan ko siya sa bahay para akitin o anupaman.

     Matagal na nakatayo lang si Gideon sa may pasilyo, hinahagod ako ng paningin niya mula ulo pababa hangang sa naka-French manicure kong mga daliri sa paa. Ganoon din mismo ang pagkabighani ko sa hitsura niya.

     Sa gwapo niya sa suot niyang lumang maong at T-shirt gusto ko siyang hubaran gamit ang mga ngipin ko.

     "Sulit talaga ang pagpunta ko't nakita kitang ganito, Eva." Pumasok siya ak ikinandado ang pinto sa kanyang likuran.

Gideon and Eva (SPG)Where stories live. Discover now