Chapter 1

1 1 0
                                    

Pauwi na si Sandra galing sa Barangay Gym kung saan may ALS Program syang pinasukan para sa mga out of school youth, malapit na sya sa bahay nila nang marinig nya ang mga iyak at sigaw na galing sa loob ng bahay. Marahil ang ama nya iyon.

Pero nagtataka sya kung bakit sumisigaw ang ama nya. Hindi ugali nang ama nya na sumigaw. Ang ama nya ang kilala nyang pinaka-kalmadong tao na kahit inaaway na ay palagi paring mabait ang postura.

Nakarinig sya nang putok nang baril kaya sa pagkagulat nya ay dali-dali syang tumakbo at kumubli sa may punong saging.

Dumoble ang kaba nya ng marining ang inang humahagolgol at umiiyak.

Anong nangyayari bakit sumisigaw si ina?

Ang tanging tanong ni Sandra sa isip.

"Mga walang hiya, pota. Pinag katiwalaan ko kayo. Anong ginawa nyo sakin? Papatayin ko kayong lahat!" sigaw pa nang isang lalaking tinig bago pumailanlang ang sunod-sunod na putok nang baril na syang ikinatulo nang luha nya sa mata.

Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. Wala na ang mga iyak, at hagulgol. Parang may hinuha na sya kong anong nangyayari. Sinubukan nyang sumilip para sana alamin kong anong nangyayari, ngunit ganoon nalang ang sindak nya nang makita nya si Mang Kanor na may dalang baril habang nakatingin rin sa kanya. Kahit nanghihina ang tuhod nya sa takot at kaba. Dali dali syang tumakbo sa may kakahuyan habang umiiyak. Hindi nya alintana ang mga matutulis na bato sa daraanan nya.

Sina amang at inang! Ang mga kapatid ko. Dyos ko!

Tanging naisip nya nang nagpaputok muli ng baril si Mang Kanor. Humahabol ito sa kanya. Natatakot syang humagolgol.

Iligtas nyo ako. Dyos ko!

"Anak nang pota, papatayin din kita." sigaw pa nang lalaki at nag paputok uli nang dalang baril.

Ganoon nalang ang pag sigid nang sakit sa kanyang binti at alam nyang natamaan sya ni Mang Kanor. Paika-ika syang pilit tumakbo kahit nagkanda talisod sya dahil sa sakit nang binti. At hindi nya na malayan na pangpang na pala kaya pagulong gulong ang katawan nyang nahulog sa medyo may katarikang bundok.

Nagpagulong-gulong ang katawan nya, hanggang sa maramdaman nya ang malamig na semento.
Pilit nyang binubukas ang mata at luminga sa paligid.
Naaamoy na nya ang sariling dugo na umaagos galing sa ulo nya. Mahapdi na iyon.

Wag naman sana akong abotan ni Mang Kanor.

Biglang tumulo ang luha nya sa realisasyong maaaring patay na ang mga magulang at kapatid nya.
Pinilit nyang wag matulog pero sadyang hindi ayon ang panahon sa kanya dahil bumibigat ang talukap nang mga mata nya, at tuluyang makatulog.

NAGISING Si Sandra sa isang purong puting lugar. Naaamoy nya ang amoy na galing sa aircondition.
Nang igala nya ang mga mata. Napagtanto nyang nasa isang kwarto sya at marahil ay ospital iyon base sa nakita nyang nakakabit sa kamay nyang swero.

Buhay ako! Yun ang unang pumasok sa isip nya, unti-unti bumabalik sa isip nya kung ano ang nangyari. Wala sa sariling napahawak sya sa bandang sintedo nya nang kumirot iyon.

Pinilit nyang bumangon, nasa kalagitnaan na sya sa pagbaba nang higaan nang mapagtantong pati ang binti nyay napuruhan pala.
Kumikirot iyon na di nya mawari.

"Iha, you're  awake! dont move yet. Wait I will call the doctor" sabi nang pumasok na matanda na agad ring lumabas.

Napapangiwi sya habang umuupo sa kama... Ilang sandali pa nakarinig na sya nang papalapit na mga yabag at ang pag bukas nang pinto.

Doctor iyong kasama nang matanda. Marami itong mga itinanong sa kanya na minsan tumatango o sumasagot sya.

Masyado pang masakit ang mga pangyayari sa kanya pero pilit nyang ikwenento iyon baka sakaling matulungan sya ng mga ito.

At hindi nga sya nag kamali dahil nag presenta si Don Gerardo na papaimbestigahan ang nangyari sa kanya at tutulungan pa sya nito.

Kahit man nahihiya ay tinanggap na nya ang tulong. Kilangan nya ng tulong ngayon dahil wala na syang mapupuntahan.

At kung meron man, hindi nya alam kung handa ba syang tulungan nang mga ito.

Pagkatapos nang pag uusap nila ay sinuri pa sya ng doctor bago ito lumabas nang naturang silid nya.

Hindi nya namalayang tumutulo na pala ang luha nya. Ngayon palang sumisiksik sa utak nya na wala na ang mga magulang nya pati ang mga kapatid.

Marami pa syang mga pangarap para sa pamilya nya, marami pa syang gustong pasyalan na kasama sila. Ngunit sadyang napakalupit nang tadhana para sa kanila. Paano na sya ngayon. Hindi nya alam kung makakaya pa nyang mabuhay nang mag-isa, sya pa na masyado nyang dinidepende ang sarili sa mga ito. Sa ina nya at ama.

Pero alam nyang may plano pa ang Diyos para sa kanya. Marami pa itong plano sa kanya. Siguro ito ang paraan nang Diyos upang sya ay subukin sa buhay nya.

Sana nga at makaya nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cause and EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon