16 Blazing Green

28.8K 874 16
                                    

BLAZE POV

Sumandal muna ako sa upuan ng kotse na pinark ko sa building na tinitirhan ko. Ramdam ko ang sobrang kapaguran sa trabaho. Sinubsob ko kasi ang sarili ko sa trabaho para lang mawala sa isip ko ang dalaga. It's almost four days simula ng magpaalam sya sa akin at hindi ko na sya nakita pang muli. Hindi ko alam bakit panay ang siksik ng mukha nya sa isip ko at hindi ako makatulog sa gabi sa pag iisip sa mga halik na namagitan sa amin.

Napahilamos ako ng mukha ng may mahagip ang mata ko, si Macky na nasa may lobby ng building. May kausap itong lalaking matangkad at base sa itsura nila ay seryoso ang pinag uusapan nila. Tinitigan kong mabuti ang kausap nyang lalaki, mukhang pamilyar ang mukha nito at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong reporter. Nakita kong patango tango ito sa dinidiskusyon ni Macky habang papasok sila sa elevator. Napababa ako ng kotse at tinakbo ko ang isa pang elevator ng building para maabutan ko sila sa itaas. Palihim ko silang sinundan hanggang sa makita ko silang pumasok pareho sa room ni Macky.

Shit! So this how liberated she is!

Galit na galit ako sa natuklasan ko at pakiramdam ko niloko nya ako.

I thought she's into me that she wont entertain anyone else. I thought wrong! Or maybe because I rejected her she's jumping to her next victim! Oh Fvck! That fast?!

Nasabunutan ko ang buhok ko sa tinatakbo ng isip ko. Hindi ako makapaniwala na talagang mababaw sya na klase ng babae at pinagaaksayahan ko sya ng panahon na sundan. Gigil na pumasok na din ako sa sarili kong unit at pinalis ang isipin sa babae na naging espesyal na din ang pakitingin ko.

-------

I was pacing back and forth in my room, I cant help but think of the things Macky and that guy are doing at this very moment and It left a bitter taste in my mouth. I knew I am so crazily jealous. I am fully much aware of it, maddeningly jealous that I am thinking of ways to murder the guy.

Fvck! Its been only four fvcking days! May kapalit ako kaagad?!

Nang hindi na ako makatiis ay lumabas na ako at tinungo ang unit ng babae.

I knocked on her door as I saw her open it and shock is written all over her face as she saw me standing there.

I quickly let myself in and moved pass her as I search for the guy but he's nowhere to be found. I went straight to the room which I think is her bedroom but found it empty again.

"What are doing Blaze?! Why are you barging in?" Ani Macky. Halata ang pagtataka sa mukha nito ng harapin ko sya

"Nasaan ang lalaki mo? Tapos na ba kayo kaya umalis na sya?!" Galit na aniko

"What the fvck are you saying?!" Anito na may inis sa tono nito.

"I saw you get in with a guy! Talaga bang ganyan ka kababaw?! Dahil ba hindi ako pwede agad kang naghanap ng iba?!" Gigil sa galit na bulyaw ko na ikinalaki ng mata ng dalaga pero mabilis ding napalitan iyon ng matalim nyang tingin. I saw her hands turn into a fist, she's now as pissed as I am.

"Why are you even questioning me?! You have no right! You rejected me not the other way around! You chose your fiancee over me!" Galit ding sigaw nito na lalong ikinagalit ko

"Fvck! Well then, I chose you Macky! I claim every rights with you now! You are mine! I'm choosing you!" Aniko sabay na tinawid ko ang pagitan namin at pinaikot ko ang isang kamay ko sa bewang nya at hinapit sya. Habang ang isang kamay ko ay hinawak ko sa batok nya at mapusok syang hinalikan.

You are all mine!

Mysterious Macky (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon