Baliw Sayo(Zaimin Yaz)

9.2K 88 3
                                    

Parang namalik mata, noong una kang makita
Kunwaring sinungitan pero pinagmasdan na pala
Di maitatangging may angking kagwapuhan
Kaya ang puso ko'y naakit agad ng tuluyan

Daig pa ang babaeng laging may dalaw
Sinusungitan ako sa kahit na anong galaw
Pero sa kabila ng mga iyon
Ikaw pa rin ang mahal ngayon

Baliw na nga ang puso ko
Dahil ito ay patay na patay sayo
Ginagawa ang makakaya ko
Makuha ko lang ang atensyon mo

Kaso, ang sakit , minsa'y sagad sa buto
Dahil madalas, si Keziah ang kasama mo
Laging nangangrap na sana'y ako naman
Ang makapiling, yung walang hanggan

Salagay ay hanggang panaginip nalang
Magigising sa masaklap na katotohanan
Ngunit isang araw nag iba ang hangin
Ikaw sa akin ay biglang naglambing

Anong nakain? ika'y biglang nagpapansin
Sa isang iglap, nasolo iyong paningin
Di mapagtanto ang nais mo
Bakit ka ganito, gusto mo ba ko?

Dahil kung oo, sana'y totoo..
Dahil sa tagal umasa ng puso ko
O Maxwell, ano ba talaga tayo?
Pakiexplain  mahirap ang ganito

Ngunit natatakot sa malalaman
Ok na pala, ganito na lang
Atleast , atensyon mo ay sakin
Napakatagal ng mithiin

Puso ay nagdiriwang sa saya
Kahit hindi malinaw kung ano ba talaga
Hahayaan na lang ang bagay na 'to
Nag eenjoy naman , sa piling mo.

© ACDA

Love Without Limits FEELS 😁😁😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon