Pulang Libro

52 0 0
                                    

“Rita! Rita!” ang sigaw na tinig ni Jenny. “Ito na! Ito na! yung librong pula nandito sa pinakadulo nakatago.”

Lumapit si Rita at sinabing “Oo nga! Tara hiramin na natin sa librarian ngunit sinong mauuna sa ating dalawa?” nagkatitigan ang dalawa at sabay na sinabing “JAKENPOY”, Naglaban ang dalawang matalik na magkaibigan at si Rita ang nanalo kaya siya ang unang babasa ng libro.

Pumunta na ang dalawa sa librarian. “Ito po hihiramin namin.” wika ni Rita. Nanlaki bigla ang mata ng matandang tagapangasiwa nang nakita ang librong hawak ng dalawang esudyante dali dali nitong pinirmahan ang card at nagbigay ng babala sa dalawa “Magingat kayo sa librong iyan, May kakaibang taglay iyan na di alam ng mga tao.” Natakot ang dalawa at mabilis na umalis.

“Ang weird talaga ng matandang yun! Gumagawa pa siya ng kwento tungkol sa Librong to.” sabi ni Rita. Umupo sa ilalim ng puno ang dalawa bubuksan na dapat ni Rita ang libro nang biglang sambit ni Jenny na “Tara na umuwi na tayo padilim na at baka mapagsarahan pa tayo dito.”

Habang naglalakad pauwi biglang sumagi sa isip ni Rita ang sinabi ng matandang librarian. “Baka totoo yun! Ano kaya ang laman nito? Bakit niya nasabi iyon?” tila nagtatanong siya sa kaniyang sarili dahil rito mas gusto nang basahin ni Rita ang libro atat na atat na siya kaya pagdating nito sa kanilang bahay mabilis itong umakyat sa kaniyang silid at mabilis na nagpalit ng damit.

“Sa wakas mababasa na rin kita!’ sabi nito sa sarili. Biglang may sumigaw “Rita! Kakain na bumaba ka na dito!” Naudlot nanaman ang pagbabasa ni Rita na tila nniloloko siya ng libro at ayaw magpabasa sa kaniya ngunit sa mga nangyayari tila mas nauuhaw si Rita sa pagbasa ng libro.

Nagmadali sa pagkain si Rita at umakyat na muli sa kaniyang silid.

Natuloy na hangad niyang pagbasa sa libro. Nang buksan niya ang unang pahina ay naglalaman ng mga larawan ng mga tao na tila naka collage. Talambuhay ng mga tao ang nasa librong pula na sinimulan nang basahin ni Rita “Si Raymond Gonzales ay isang masipag na magaaral ng Unibersidad ng Santo Tomas maraming alam na bagay ngunit wala masiyadong kaibigan..” Tinapos ni Rita ang istorya ng buhay ni Raymond hanggang siya’y nakatulog na sa sobrang pagod.

Kinabukasan pumasok na si Rita sa eskwelahan. Binitbit nito ang pulang libro at binasa ang sumunod na talambuhay habang nasa sasakyan papasok sa paaralan “Si Jerry Sumiban ang nagging unang matalik na kaibigan ni Raymond at taga Unibersidad rin ng Sto. Tomas mahilig ito tumugtog ng mga instrumento kaya sinama niya sa banda niya si Raymond…” Naphinto sa pagbasa si Rita dahil nasa paaralan na siya pumunta na siya sa kaniyang silid at umupo na sa isang tabi tamang tama at maaga pa siya kaya binasa na niya ulit ang libro. “Si Jerry ay may kasintahan na nagngangalang Marie Humabay mahal na mahal nila ang isa’t isa...” “Ok class lahat tayo ay tumayo at pumila ng maayos para sa Lupang Hinirang.”

Sinara ni Rita ang libro at tumayo.

Habang nagkaklase sa Matematika hindi ito nakikinig dahil binabasa ni Rita ang libro, natapos niya ang kwento ni Jerry Sumiban at nagulat siya dahil ang kasunod na kwento ay tungkol kay Marie Humabay “Si Marie Humabay labing pitong taong gulang at may sakit sa puso simula pa nung siya’y bata, may mabuting kalooban at tumutulong sa magulang dahil sa pagpapaaral nito sa kaniyang sarili. Kabanda siya ni Jerry kaya sila ngakakilala at nagkamabutihan..” “Maari na kayong kumain, Paalam” wika ni Mrs Bernadez na guro ng Ingles.

“Hoy Rita! Dalawang klase na ang pinalampas mo dahil sa librong iyan” sabi ni Jenny.

“Ang saya magbasa ng mga buhay ng mga taong di mo kakilala, Lubos akong nawiwili mababasa mo din to mabilis ko lang tong matatapos.” wika naman ni Rita.

Buong araw sa paaralan puro ang pulang libro ang inatupag ni Rita nabasa niya na ang sampung talambuhay ng mga di niya naman kilala, Nagsimula nang magtaka si Rita dahil magkakakilala at magkakarugtong ang mga istorya ng nasa libro. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa “Si Rose Anne Gabaw ang pinakamatalik na kaibigan ni Marie at lubos na nanlugmok sa pagkawala ng maaga ng matalik nitong kaibigan, Simula pa sila’y mga bata magkaibigan na sila ni Marie at sa dalawmpung taong pagsasama kinuha na ang kaniyang kaibigan sa kaniya…”

“Huy! Tama na ‘yan uwian na!” ang paggulat ni Jenny kay Rita.

Tumayo na si Rita na di na maistorbo dahil sa librong pula na kaniyang binabasa at sabay na silang umuwi ni Jenny.

“Ingat Jenny!” sigaw ni Rita.

“Sige! Bilisan mo magbasa para ako naman!” sigaw din ni Jenny habang palayo sa tapat ng bahay nila Rita.

Tumakbo paakyat at wala nang bihis bihis nang biglang nalaglag ni Rita ang libro at bumukas ito sa bandang gitna. Nagulat si Rita nang makita na madaming blankong pahina ang natitira sa libro at bigla nitong naalala ang sinabi ng matandang librarian.

“Rita baba na dito kakain na tayo!” sigaw ng nanay niya.

Walang sumasagot at di sumunod si Rita.

“Rita! Tara na maghapunan na.” Pagalit na sigaw na ng nanay ni Rita. Umakyat na ang nanay niya at ang natagpuan na lamang ang pulang libro na nakabuklat, Pinulot ng kaniyang ina ang libro at inakala na nakila Jenny ang anak.

Kinabukasan nagaalala na ang ina ni Rita dahil di pa ito umuuwi, inabangan ni Aling Rosi si Jenny upang ibigay ang librong natagpuan niya sa silid ni Rita.

“Jenny! Ito ang libro proyekto niyo ata ito iniwan ni Rita sa silid niya kagabi.” wika ni Aling Rosi.

“Naku! Hindi po isa lang po itong babasahin.” sabi ni Jenny. “Nasaan po si Rita?” dagdag nito.

“Hala!? Wala ba sa inyo? Nawawala si Rita!” sabi ni Aling Rosi na nagaalala. “ Abangan mo sa eskwelahan ha at baka naroon siya.”

“Sige po Aling Rosi mauna na po ako. Hahanapin ko po si Rita.” Wika ni Jenny.

“Osiya sige! Magingat ka!” sigaw ni Aling Rosi.

Pagdating sa ekwelahan di nakita ni Jenny si Rita kaya umupo muna ito sa isang tabi at inisip na lalapit naman si Rita sa kaniya kapag siya’y nakita kaya binasa niya una ang Pulang Libro.

Hindi namalayan ni Jenny ang oras at natapos niya ang talambuhay ng labinlimang tao, lubos siyang nagtaka sa mga ito “Bakit magkakakilala sila? Bakit magkakarugtong ang storya? Ano ang librong ito? Walang nagsulat at Walang naglimbag?” ang mga tanong na bumabalot sa isip ni Jenny kaya minabuti niyang pumunta sa silid-aklatan at hanapin kung sino ano nga ba ang Librong Pula.

Una niyang nakita dyaryo noong 1972 si Raymond Gonzales, ang unang kwento sa libro, na ito ay bigla na lamang nawala at natagpuan na lamang ang pulang libro sa kaniyang mesa na nakabukas.

Natakot si Jenny at tinignan ang iba pang tauhan na nasa istorya nung taon din na iyon isang linggo lang ang lumipas nawala na din si Jerry Sumiban kasama ang kasintahan nito na nagpakamatay ngunit nawala din ang katawan.

Napagtanto na ni Jenny ang mga nangyari na kung sino ang may hawak ng libro ang buhay niya ang karugtong na kwento nito. Muling tinignan ni Jenny ang unang pahina ang mga larawan na naroon ay ang mga taong nasa libro nagulat siya at nanginig nang makita niya ang larawan ni Rita na nasa pinaka ibaba ng pahina.

Hinangin ang mga pahina at nahinto sa isang talambuhay binasa ito ni Jenny “Ako si Sarah Lumiban na nagaaral sa Kolehiyo de Marasigan..” Nagulat si Jenny dahil ito ang paaralan na pinapasukan niya at itong babaeng ito ay nawala at walang nakakaalam kung saan siya nag punta. Patuloy pa niyang binuklat ang mga pahina na patungkol kay Sarah nang biglang may bagong kwento “Si Rosita Sanchez ang mabait at palakaibigan na magaaral ng Kolehiyo de Marasigan, May matalik na kaibigan na nagngangalang Jennifer Corsa..”

Binuklat ni Jenny ang libro at nakita ang mga blankong pahina. Nang biglang…

“Naku! May nagiwan nanaman ng librong ito! Ako nalang parati ang nagaayos at nagbabalik nito.” wika ng librarian. Isinara nito ang libro at itinago muli sa pinaka sulok ng silid-aklatan upang wala nang makahiram pa ng librong pula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pulang LibroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon