Part - 10

149 10 0
                                    


   Pia's POV ...

Nabubusy siya sa pagwiwindow shopping. Kahit papano kuntento na siya sa patingin tingin lang.

At that time hinihintay niya ang text ng kaibigan niya na si Monique.
Inabot narin siya ng kalahating oras sa kakaintay ng text nito pero mukhang busy ang loka loka at di man lang siya maalalang etext.

"Asan na ba ang bruha na yun ? Bat di pa kaya ito nagtetext ?"

  Dahil sa inip niya ay siya nalang ang tumawag dito.
Nagriring na sa kabilang linya at sa wakas sinagot nito.

"Hello ?? Asan kana ?"  

"Nasa sa bahay ng tita ko." (Sa kabilang linya)

"Ano ??! -_- Teka ! Bat ka andiyan ?? Diba ang usapan natin magkikita tayo dito ngayung araw nato sa mall ??"

Ang impakta na babaeng to ! Di pala ako sisiputin ? Matapos ng maayus naming usapan kahapun ?

"Ehh kasi naman po tinawagan ako ni tita kaninang madaling araw, kailangan niya raw ako dito sa bahay niya para tumulong sakanya."

"Tumulong saan ??"

"May bisita kasi silang kararating lang kahapun, galing Korea daw sabi ni tita. "

"Oh ngayun ??"

"Kilangan niya raw ako para kausapin at aliwin ito habang nandito pa raw ito sa pilipinas."

"Ahh so kilangan ng tita mo nang alalay para diyan sa bisita niya ?"

"Hoy grabe ka naman sa alalay, di naman siguro ganun..."

"Kong di yun ganun, ehh di yaya ? Ganun ?"

"Mas lalong hindi ! Sa ganda kong to ? Yaya ?! Heller ! Ano kaba ! Busy kasi si tita at nag aalala itong baka di maasikaso yung bisita nila."

"Kong ganun ehh bakit diyan pa nila pinatuloy kong di rin pala maasikaso ng maayus ... -_- "

"Kilangan ehh, alam mo naman si tita maraming kakilala at kaibigan kunwari ... Kaya ayan tuloy napag utusan ! Hekhek !"

Loka lokang to !

"Ohh ehh pano ako nito ? "

"Babawi nalang ako next time promise ! Tsaka pag naging close friend kuna tung koreana nato ehh ipapakilala ko agad sayo :) Sabi pa ni tita na sikat daw to na model sa Korea !"

"Weeh ?? Anong pangalan niyan ?"

"Di ko pa alam ehh, pero mamaya makikilala kona, kaya sige na ok io off kuna muna to .. Babay na ok ? "

"Sige ! Ingat ka diyan."

"Oo ikaw din ! Bye !"

  At in off na ng bruha ang cellphone nito. Hayst ! Ngayon mag isa nalang niyang lilibutin tung mall.
Pagkatapos, pag napagod ehh uwi ng bahay at matulog.
Nakakatamad namang buhay to ohh ! Hayyy ...

Pero dahil wala na siyang magagawa kaya move on move on din pag may time ang peg niya.

'Di kapa nasanay, ehh diba nga wala nang natira sayo maliban sa kaibigan mo ? Ayaw sayo ng papa mo kaya kayo inabandona ng nanay mo. Tsaka yung Nanay mo naman iniwan karin matapos nitong mamatay sa sakit na cancer ng di man lang kinukwento sayo ang tungkol sa sakit niya.. Di ka tuloy nakapag prepare para sa Last Trip niya. Tapos isa pa yang pagha highschool mo na di mo matapos tapos !'

Hayyst ! Pia naman ... Ano bang pinag gagawa mo sa buhay mo ?

Lahat ng yun ang tamatakbo sa isipan niya sa tuwing mag isa lang siya. Pero kahit ni isang sagot wala siyang mahanap.

Ang totoo niyan malungkot talaga siya, kabaliktaran ng ugaling ipinapakita niya sa iba.
Ni hindi nga siya makaiyak ng maayos kahit mag isa lang siya, dahil sa takot na baka pati luha niya ehh mawala sakanya.
  Para siyang baliw, kasi kahit alam niyang yun dapat ang gawin ehh pilit parin niyang iniiwasan.

  Dapat na ba akong magpunta ng mental ?? O hindi ??
Hayy ... Buhay nga naman parang Life -_-

Sa paglalakad niya di niya napansin ang isang lalaking papalapit din sakanya. May hawak itong kape at tinitingnan siya.

"Pia ?".

Napalingon siya sa nagsalita at pinakatitigan ito.
  Teka ! Si Jonathan ba to ?
Naku ! Si Jonathan nga !
Ang bully niyang classmate sa elementary dati ! Akalain mo nga naman ... Talagang nagkita pa sila dito, totoong maliit nga talaga ang mundo.

"Jonathan ? Yung bully sa elementary dati tama ba ?". Tumawa ito ng malutong dahil sa sinabi niya, bakit ba kasi iyun pa ang pumasok sa isip niya na isabi ??

"Hahahaha ! ... Yes ! Yung pilyong batang palaging nambubully sayo dati ..." Bumuntong hininga ito at tiningnan siya mula ulo hanggag paa at muling nagsalita
"Wow ! Ang laki na ng pinagbago mo ahh, you look so different now Pia ! You look very beautiful now, malayo sa payat at bugnuting Pia dati ^_^ what a change Pia :) at infairness ahh sumexy kana rin ^_^ "

"Salamat naman sa compliments Jonathan ... Ikaw rin naman ang laki narin ng pinagbago mo ..."

"Yeah, malaki na talaga ang ipinagbago ng buhay ko now ^_^
I'm happily married with my beautiful wife together with our two little kids ^_^ "

"Really !? Daddy kana ?? Kailan kapa kinasal ? Bat wala kaman lang pasabi ?"

"As if naman may kontak pa ako sa mga naging classmates natin dati ehh wala naman. Tsaka simple wedding lang naman yung nangyari ehh, my Family and her Family Tapos kunting close friends yun lang ! Swerti na nga at nagkita tayo dito ngayon ^_^ "

"Oo nga, talagang maliit lang ang mundo para magkita uli tayo :) "

" :) Ikaw naman ?? How's your life ?"

Natahimik ako ng sandali ...
Kamustang buhay ko ? Hmm kamusta nga ba ?? Yun parin, miserable ... Pero mas naging miserable pa ata :)

"My life ?? You mean kamusta ako at ang mga pangyayari sa buhay ko sa nagdaang mga taon ?"

"If that sounds it ^_^ then Yes ! How are you ?"

Ngumite ako ng matabang bilang sagot dito.

"Ito, mabuti naman (sinungaling!) Actually mas gumanda nga siya ngayon ehh (kasinungalingan uli) hmm ... Oo, my life is ... Perfect (baliw) ... Almost perfect "

Di ako sigurado sa mga pinagsasabi ko pero dahil yun na ang lumabas hala sige panindigan muna Pia !

  Mula sa di kalayuan may isang mestisang Babar ang lumapit at humalik kay Jonathan.

"Hon, kanina pa kami naghihintay dun sayo bat ang tagal mo ?".  Sabay tingin sakin "Sino siya ?"

"Ahh, an old friend of mine Hon ... Si Pia, Pia meet my beloved beautiful wife Marga ... Marga si Pia ".  Pagpapakilala niya saming dalawa.

At base sa itsura at tindig ng babaeng to, mukhang naka jackpot nga si Jonathan dito. Parang model kahit may dalawa ng anak at napaka ganda pa.


Nag usap usap muna silang tatlo sandali bago nagpaalam ang mag asawa. Habang nag iwan pa ng kabaliwang advice ang isa.

"If I were you Pia, get married now ! Masayang magkapamilya.". Last na sinabi ni Jonathan bago ito lumisan kasama ang asawa.

  At bigla nalang may pumasok sa isip niya ...

Magkapamilya ...
Pamilya ...
Isang bagay na wala ako ..
At di ko alam kong magkakarun pa ako nun.

   End Of POV ...
         Night na ! Muahh ! :* :* ^_^ <3

My Love, RONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon