Pikit [One Shot]

3.3K 107 24
                                    

Ah? Sino kaya 'to?

"O-oy! Sino 'to?! Masakit na mata ko ah! Hahaha!"

Nakarinig naman ako ng mga mahihinang pag-tawa sa paligid. Tssssk. Ang lakas din ng mga trip netong mga kaklase ko eh. 

"Uuuuy, Jaaaaaaimeeee...akoooo itoooooo...awoooooo..." sabi ng kaklase ko na hindi ko mabosesan. Niloloko ako ng mga ito eh. Nag palit pa ng boses. Tch.

"HAHAHAHAHA! Putek, naiihi na ako!" tawa ng mga ulol kong kaklase. 

"Bitaw na! Masakit na sa mata."

"Oy, tol. Bitaw na daw." sabi ng lalaking sampung metro pa lang ang layo...naririnig na ng magaganda kong tenga ang boses niya. Boses ni Eren na mas kabisado ko pa sa periodic table. Sino ba naman kasing gustong mag-memorize ng periodic table, di'ba?! Di'ba?

Ano ba kasing ginagawa namin? Eto kasing mga ma-trip kong kaklase, bigla bigla na lang magtatakip ng mata ko. Kailangan ko pang hulaan kung sino para matanggal. EH KATAMAD MAG-HULA EH! 

"Sorry Jamie ah. Masakit ba pag-kahawak ko sa mata mo? Mamatay ka na ba? Oorder na ba ako ng kabaong mo?"

"ULOL! Pinagsasasabi mo? Matagal pa ako mamatay no!"

"Siyempre naman. Matagal ka ngang mamamatay."

"Buti alam mo." Maeextinct ang maganda kong lahi kung nagkataon. 

"Masamang damo ka kasi! HAHAHAHAHA!"

At---ASDFGHJKL!! Kainis 'to ah! Yung mokong na yun! Tinakbuhan pa ako! Porket mag-bespren kami at partners in crime since birth, gaganyanin niya ako?! 

"HOY! Halika dito't bubugbugin pa kita!"

Yung mokong na 'yun? Si Nico? Bata pa lang kami magkasama na. At oo, bespren ko siya. Mabait yan. May sayad lang.

---------------------------------------------------------------------------------------

 "JAMIE! SI NICO AT SI EREN!"

"Oh?! Anong nangyari kay Nico?!" Hala! Si Nico! Wag sanang may mangyaring masama. 

"Halika dali!" Hinila ako ng classmate ko papunta sa isang.. rambulan?!

"ANO BA?! AKIN LANG SIYA!" -NIco

"ANG BAGAL BAGAL MO! KUNG PAPALIPASIN MO LANG 'TO, UUNAHAN KITA!" -Eren

"SIGE! GANUN NA LANG! PAUNAHAN TAYO." -Nico

"Sigurado ka? Baka matalo kita."

"Ang kapal ng mukha mo!"

At sinuntok ng malakas ni Eren si Nico.

"NICO!" tinakbuhan ko agad si Nico. "Okay ka lang?!"

Ngumiti naman si Nico. "Okay-"

"Ano ka ba Jamie?! Sinuntok niya rin ako! Hindi mo ba ako tutulungan?!" Anong pinagsasasabi nito?

"Ano ba Eren? Anong problema mo?! Kung may problema ka kay Nico, wag mong daanin sa ganito! Tsaka magpatulong ka sa mga fans mo!"

"Baki-"

"Wag mo nang uulitin ito kundi...akong bubugbog sa'yo." Crush ko si Eren. Kailangan man ako ni Eren ngayon, mas kailangan ako Nico.

---------------------------------------------------------------------------------------------

 "Okay ka na ba Nico?"

"Oo. Salamat nga pala sa pag-sama sa akin sa clinic ah. Tatanong ko lang, bakit pala ako yung nilapitan mo? Crush mo si Eren di'ba?"

"Crush lang 'yun. Tsaka, hahayaan ko ba ang bespren kong masuntok lang? No way."

"Jamie, ano ba ako sa'yo? Best friends lang ba talaga ta'yo?"

"N-nico. Ano bang-"

"Wala. Magkita tayo sa libraray bukas ah. Dismissal. Sige. Bye." Tumakbo na siya palayo. Anong pinagsasasabi ng mokong na yun? Te-teka. Anong..nag-iinit ba mukha ko? Namumula ba ako?! Anong ibig sabihin-

"Jamie."

"Eren."

"Magkita tayo sa playground bukas. Dismissal." 

"Teka!" Tumakbo na siya palayo. ANO BANG PROBLEMA NILA?! Sino kayang pupuntahan ko? Si Nico? Eren? Yung gwapo at mabait kong crush o ang gwapo at mabait kong best friend? Crush o best friend?

----------------------------------------------------------------------------------

Hindi ako nakatulog kagabi. Pinag-iisipan ko sinong pupuntahan ko. Hindi ako maka-concentrate sa klase. Ginugulo ako ng utak ko! AH! Bakit kasi sila ganun?! Pati puso ko naguguluhan! Te-teka. Puso?! *kriiiiiiiiiiiiiing* Ah?! Dismissal na?! Nahihilo na ako! Pero eto ako ngayon. Naglalakad papuntang...

..playground. Asan kaya si Eren? Nagulat ako nang may nag-takip sa mata ko. "Eren."

"Jamie, habang nag-sasalita ako, ganito lang tayo. Okay?" Tumango ako.

"Jamie, salamat at pumunta ka. Una sa lahat, gusto kita. I like you. Naiinis ako pag lagi kayong magkasama ni Nico. Kaya binalaan ko siyang lumayo sa'yo. Yung bugbugan? Dahil yun sa babala ko. Hindi ko alam kung paano haharap sa'yo. Siguro galit na galit ka na sa akin. Sa pagbugbog ko sa best friend mo. Ganun kasi kita kamahal Jamie eh. Mahal kita."

Yu-yung crush ko?! Mahal ako? Mahal ako ng crush ko? Parang may mali. Pano si Nico?

"Naguguluhan ka ba?" sabi niya. Nabasa niya ang nasa isip ko. "Naiisip mo siguro si Nico. Kung ganun, gawin mo 'to." Tinanggal niya yung kamay niya sa mga mata ko.

"Ipikit mo mga mata mo." Sinunod ko naman siya. "Tapos, isipin mo. Kausapin mo yung puso mo. Pakinggan mo yung sinisigaw niya. Malalaman mo kung sino ang dapat puntahan."

Puso, nakikinig ako. Sino ba? Anong sinisigaw mo? Sino bang tumulong sa'yo pag kailangan mo ng tulong? Yung nagpatawa sa'yo nung umiyak ka? Yung sinamahan ka nung mag-isa ka lang? Sino bang nagpapasaya sa'yo? Kilala mo na ba kung kaninong pangalan ang sinisigaw ko?

"Sa tingin ko alam mo na."

"E-eren.."

"Okay lang. Maging masaya sana kayo."

"Sorry. At salamat na rin." Nginitian niya ako.

"Dali! Baka naghihintay si Nico sa'yo. Baka umalis na yun." Oo nga pala! Si Nico! Patakbo na sana ako nang

"Bye, Jamie."

Sorry talaga, Eren. At tumakbo na ako papuntang library.

--------------------------------------------------------------------------------------

"Nico!" sigaw ko pagkabukas pa lang ng pintuan. Nagulat naman ako nang may biglang yumakap sa akin. "Akala ko umuwi ka na." naiiyak kong sabi. "Akala ko di mo na ako pupuntahan. Akala ko iiwan mo na ako. Akala ko hindi na tayo best friends." sabi mo.

"Hindi na nga."

"B-bakit? Kayo na ni Eren?"

"Nico, mahal kita."

Nagulat ka. At bigla kang ngumiti. Ngiting gwapo. Ang gwapo mo pala talaga. 

"Jamie, mas mahal kita." NIyakap niya ako ng napakahigpit.

Akala ko si Eren ang nagpapakilig sa akin. Akala ko gusong gusto ko siya. Akala ko lang pala yun. Dahil eto, etong taong nasa harap ko, ang laging nasa isip ko, nakapikit man ako. Mamahalin ko siya hanggang pumikit na ang mga mata ko.

"Jamie, pikit ka nga."

"Bakit?"

"Sige na." Pinikit ko ang mga mata ko.

At may naramdamang dumapi sa aking labi.

------------END-----------

Please please please, vote and comment. Thank you. <3

Pikit [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon