Prologue

78 2 0
                                    

"DJ."

"Gising na."

"DJ, gising na. May pasok ka na." Gising sakin ng mama ko.

First day nga pala ngayon, napatingin agad ako sa phone ko.

"Shet! mal'late na ko!" sabi ko, at nag madali ng pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, bumaba na agad ako. 

"Hindi ka na ba mag aalmusal anak?" tanong sakin ni mama.

"Hindi na ma! Alis na ko!" sigaw ko sabay labas ng pinto.

Sumakay na ko sa sasakyan ko at nag drive papunta sa school. Pagka dating ko sa may parking lot nandoon na din yung mga kabarkada ko.

"Ang aga mo ah." pang aasar sakin ni Cy.

"Yup, maaga ng 15 minutes." dagdag pa ni Mark.

"Mga loko, di pa ba nag bell?" tanong ko.

"in 3... 2... 1." bilang ni Sean.

Biglang nag ring na yung bell, naglakad na kami papasok ng campus.

As usual, lahat nag titinginan. Di ako nag yayabang pero kilala yung grupo namin dito sa buong campus.

"Dj!" Tawag sakin ng isa pa naming kabarkada.

"Man!" Bati ko.

"San room natin vic?" Tanong ni Cy.

"4th floor" sagot naman ni rovic.

"Nandon na ba yung iba?" Tanong ko.

"Oo man." Sagot nya ulit.

Naglakad na kami papunta ng room.

Pag pasok namin ng room nakita agad namin yung iba pa naming tropa na nag k kwentuhan.

"Aga nyo mga man." Bati ni Mark.

"Naman, first day eh." Sagot ni Lance.

"May mga transferee pa kaya sa batch natin?" Tanong ni Sean.

"Siguro pero malabo, graduating na eh." Sagot naman ni Jom.

"Meron akong nakitang mga transferee pero not sure kung ka batch natin." Sabi naman ni Timo.

Naputol na yung kwentuhan nung pumasok na yung prof. namin.

"Good morning class!" Bati ng prof.

Bumati din naman kami.

"I'm Mr. Jonas Sta. Ana, adviser and teacher nyo sa dalawang subjects... " as usual magpapakilala sya tas mag papakilala naman kami.

At ayon nga po no, mag uumpisa pa sa likod kung saan kami nakaupo. Kapag sineswerte ka nga naman.

"Hi, My name is Cyron James Ventura. Cy for short. 18 years old."

"Mark Lester Cruz, Mark nalang. 18."

"Sean Fernandez, 18 years old."

"Rovic Marquez, 18."

"Lance Garcia, 19."

"Jomarie Melgarejo, 19."

"Timothy Shannon, 18."

"Andrion Geronimo, 19."

"Daniel John Padilla, 19."

Sunod sunod ng nag pakilala yung iba pa naming mga kaklase, na halos kilala naman na talaga namin.

"Hi I'm Katherine Charianna Bernardo, Kath for short. 17 years old." May transferee pala.

"Saang school galing?" Tanong ni sir.

"Queensland University po."

"Saan yon?" Tanong ulit ni sir.

"Sa australia po."

"Ohhh, from australia." React naman ni sir.

Ayon medyo dinaldal nya naman.

Muka syang mabait.
Ang lambing ng boses.

Pero 17 lang yan?!

"Dj baka matunaw." Biro ni Cy.

Vote ♡

Spread (like mayonnaise) ♡

Comment

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon