Chapter 1

3 0 0
                                    

Pengeng trabaho! !!!!!

Halos isigaw ko na yan sa lahat ng makakasalamuha ko. Kainis kasi kanina pa ako nag hahanap hanggang ngayon wala pa rin. Lahat  walang bakante.

Kainis ah. Alam ba nilang may dapat pa akong bayarang kuryente, tubig, at upa? Hindi ba sila naawa sa magandang tulad ko?

Lord, kahit wag na ako kumain ngayon bigyan mo lang ako ng trabaho oh. Sige na naman. Baka sakalin na ako ng landlady ko e. Tsaka bawal ako magutom. Dahil pag nagutom ako mamamatay ako pag namatay ako mababawasan na ng Diyosa sa mundo. Kaiyak diba?

Aray ko.

Swerte ba kung sasabihin kong natapilok ako tapos yung sapatos kong bili lang sa ukay ukay ay natanggal ang takong? Pero kapalit naman ay gwapong lalaki na parang modelo ng isang palatastas?

"Damn. Are you blind?" Aba gago to ah!

"Hindi." Walang pakiramdam kong tugon. Tumayo ako pero feeling ko nabigla ang paa ko at medyo kumirot na nagpangiwi saakin.

"Clumsy woman." Sasamaan ko sana siya ng tingin pero natulala nalang ako na napanganga.

Buhatin ka ba naman ng lalaking gwapo! Macho! Modelo! Yummy! May abs! Nag iinit pakiramdam ko-- deym. Ano ba pinag sasabi ko.

"Do you know staring is rude?" Deretsong tingin lang niya na papunta sa parking lot.

"Yes, staring is really rude when you are eating." Woah english yun!

" I'm going to send you in the hospital. Just sit there." Bigla naman akong nag panic. Ano HOSPITAL?!

"H-hey no need. I mean hindi na kailangan ibaba mo nalang ako sa food chain sa tabi. Kaya ko na." E kasi naman ang bilis niyang nakapag drive. AT ANO HOSPITAL?! WALA NGA AKO PANG KAIN IDADALA PA AKO DUN? ANONG PAMBABAYAD KO? Gusto ko sana ibulyaw sakanya kaso nakakahiya.

"You can't stand properly. Then you're saying you can manage?" Sarcastic na tanong niya. Aba bibinggo na sakin tong gunggong na to ah.

"Okay nga lang ako. Konting upo lang mawawala na rin sakit ng paa ko kaya ibaba mo na ako." Nagtitimping sambit ko.

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siyang nagdadrive.

"Huy! Ano ba. Ibaba mo na ako kaya ko na sabi" pangungulit ko sakanya. Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kaming hospital.

Sinuri ng doctor ang paa ko medyo ok na naman ako pero may konting kirot lang. Sabi naman ng doctor minor injury lang naman siya at mamaya pwede nako umalis. May mga binigay lang sya na dapat kong inumin konting pahinga lang naman daw maayos na paa ko. Nabigla lang naman daw ata. Kaya ang inaalala ko ngayon ang BILL KO SA HOSPITAL.

Lord, sabi ko trabaho hindi dagdag gastusin. Help me!

Kung tumakbo nalang kaya ako?

Kaso kumikirot pa pala paa ko. Iwanan ko nalang siguro ID ko tas balikan ko nalang tong hospital para makabayad. Mukhang sosyalin panaman to. Hays.

"Let's go, ihahatid pa kita." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Yung bill?" Malungkot kong tanong.

"I already paid it on the cashier" now let's go. Binuhat niya ako ng biglaan kaya napasigaw ako ng wala sa oras. Ramdam ko ring pinamulahan ako dahil nakatingin saamin ang mga nurses at doctor na nandoon.

"Noisy" patay malisha niyang sabi.

Napangiti parin ako ng marealize kong waa na akong babayarang bill!

Lord thank you mabait pala tong masungit na to! Piping kausap ko na tumingin sa langit.

"Stop smiling you look like an idiot."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya at hindi na sumagot pa. Naramdaman ko na ang pagod kaya sinabi ko nalang address ko at nakatulog sa biyahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon