Arius
Nagising ako sa sikat ng araw sa kwarto ko.
Bumaba na ko para mag-almusal. Pagbaba ko, nakita ko na balisang kumakain ang lahat maliban kay Aya.
Bakit ganyan ang mga mukha nyong apat? tanong ko kila King.
Hindi sila pwede... Daniel
Alam nyang hindi sila pwede... Skie
Mahal nya... King
Pero mahal ba sya? Aqua
Magkakasunod nilang sabe.
Hindi ko din sila maintindihan kuya Arius. Mabuti pa, kung boy's talk yan ikaw ang kumausap sa kanila. sabi sa'kin ni Aya.
Sige. Hoy kayong apat, sumunod kayo sa'kin.
Pumasok kami sa sound proof room sa third floor katapat ng kwarto ni Thace sa second floor.
Ano bang problema? tanong ko.
Mamili ka ng isang katulong na lalaki sa pag-solve ng bugtong. sagot nilang apat na sabay sabay.
Si Phyro. sagot ko.
O sige. sagot namang magkasabay nina Aqua at Skie.
May tinawagan si King at ilang sandali pa ay nandito na si Phyro.
Makinig kayong mabuti. sabi ni Aqua.
Alam ng matatalino
Kailangan ng mahihirap
Gusto ng mayayaman,
At ipinapakita ng magagalang.. sabay sabay nilang sabi.Ayan yung bugtong. Kailangan mahulaan nyo yan hanggang sa katapusan ng buwan, ibig sabihin ay hanggang sa isang sabado na lang. Kapag hindi, hindi namin sasabihin sa inyo ang problema sa likod ng pagsu-suspinde ng klase. sabi ni Thace at lumabas na silang apat sa sound proof room.
Nagkatinginan kami ni Phyro at sabay na napangiti.
Isa lang ang lugar kung saan--
Malalaman natin ang sagot... dugtong nya sa sinabi ko.
Library! sabay naming sigaw.
Sumakay kami sa elevator at pinindot ang second floor.
Pagbaba namin ng elevator ay dumiretso agad kami sa library.
Pagpasok namin dumiretso kami sa section ng dictionaries, at encyclopedias.
Ang pinakauna kong naiisip na sagot sa bugtong ay love. Tingnan natin ang meaning ng love. sabi ni Phyro.
Love (n.): a strong positive emotion of regard and affection
Hindi naman to ang hinahanap natin eh. sabu ni Phyro.
Oo nga. sang-ayon ko.
Maghanap kaya tayo sa mga old books section. suhestiyon nya.
BINABASA MO ANG
My Brother is the Gangster King
Teen FictionAng hirap sigurong mawalan ng magulang. Bukod sa walang pipigil sayo na gawin ang kahit ano, wala kang matatakbuhan kapag may kinakaharap ka/kayong problema na hindi nyo kayang harapin mag-isa...