2

6 0 0
                                    

KC... pasigaw na sabi ni mama habang umaakyat sa kwarto ko

KC, anak bumagon kana dyan may pasok kapa at tandaan mo first day ng school mo ngayon bumaba kana at nagluto na ako ng almusal

Iniwan ako ni mama sa kwarto ko ng biglang kong na alala ang sinabi ni mama...

Ay putik first day pala ng pagiging college life ko... Syete kailangan ko na mag ready kundi malalate ako

Tumayo ako agad sa kinahihigaan ko at agad na naligo nagbihis ako ng simpleng damit lang na long sleeves oversize na black with matching rip cut jeans at converse black at naka eyeglasses ako. Pagkatapos kong magbihis ay nagmamadali akong bumaba.

Ma, una na po ako sa school na lang ako kakain ng breakfast.

Umupo kana KC at kumain dahil malalate ka sa school mo, nga pala tumawag si Jessica kanina pupunta siya dito para sunduin ka at sabay na kayo sa school.

Ahhh... maiksi kong sagot habang kumakain ng niluto ni mama

Ay KC anak may tanong pala ako sayo?

Ano po yun ma...

Pumasa ba si Jessica sa test, diba sabay kayong nagtest sa scholarship?

Opo ma, nakapasa si Jessica

Ahhhh... Mabuti para hindi ka maout of place sa bagong school niyo.

Ng natapos akong kumain saktong dumating itong bruha kong bestie

Goodmorning Tita bati niya kay mama with matching beso pa

Kumain ka na ba hija?

Opo,tita kanina pa

Si KC po?

Andito ako, bruha

Wow makabruha ka, bilisan mo at malalate na tayo

Ito na nga, bye ma una na kami

Bye anak mag ingat kayo

-TIME SKIPS-

@SCHOOL

JESSICA?

OH?

Saan ba tayong klase?

Jessica's pov

Saan ba tayong klase? tanong ni KC na mukhang nagalala dahil wala siyang ka alam alam sa school na ito

Ewan ko, pero ang sinabi sa akin ay pumunta tayo sa principal's office para malaman natin kung saang klase tayo.

Ahhh... Pero

Ng biglang may bumanga sa amin at na pa upo kaming dalawa...

KC's pov

Na paupo kami ni Jessica sa sahig...

Hoy! sigaw ko sa mga lalaking nakabanga sa amin ni bestie

KC, ano bang ginagawa mo... Hindi mo ba sila kilala? pabulong na tanong ni Jessica

Wala akong pake kung sino man sila bakit santo ba sila para magpakumbaba ako sa kanila.

Excuse me miss, Sorry but I think mali ka ng kinalaban sagot ng isang lalaking may blonde hair

Anong mali kayo na nga yung na banga tapos kami pa yung mali... Wow grabe anong klaseng school ito pinasukan ko walang manners ang mga tao dito...

KC, tama na nakakahiya na tayo. pabulong na sabi ni Jessica habang inaawat ako sa pagsasalita.

SORRY... sabi ni Jessica sa mga lalaking bumaga sa amin

Pagkasabi ni Jessica ng SORRY ay agad na umalis ang mga walang modong mga lalaking yun.

Bakit mo ginawa yun? tanong ko kay Jessica

Ang alin yung pag sorry ko?

Oo, bakit mo ginawa yun pagalit kong sabi sa kanya

Ginawa ko yun para hindi na tayo mapahamak pa, pumunta na tayo sa principal's office para makuha yung section natin.

???'s pov

"Anong mali kayo na nga yung na banga tapos kami pa yung mali... Wow grabe anong klaseng school ito pinasukan ko walang manners ang mga tao dito..."

Grabe yung babaeng yung ano kaya pangalan niya paulit ulit pumapasok sa isip ko yung mga sinabi niya kanina...

REACHING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon