Nakaharap ako sa whole body mirror habang pinagmamasdan ang aking kabuuan. Bahagya ko pang hinawi ang aking buhok nang may biglang kumatok mula sa pinto ng aking silid at agad din namang iniluwa non ay si Mommy.
Bakas ang pagkagulat at pagkadismaya sa mukha nito na ako nama'y nanatiling kalmado lang. Ano pa bang reaksyon mula sakanya ang aasahan ko? Matuwa? I already expected it. Nagpaboycut lang naman ako at ngayong nakasuot ng panlalaking damit. And yes, i'm now a lesbian. I don't know when, it just happened and i'm happy on this. This is what i want.
"Allyson?!"
"Mom, just Ally." Kalmado paring sambit ko.
"My G-! What did you-?! Look what you've done Allyson! Gosh!"
"Mom? Am i not looking presentable?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti at muli ay pinagmasdan ang aking sarili sa whole body mirror.
"What kind of question is that?!" Iritadong tanong nito. "Take off that clothes! And dress up, go!"
"But mom-"
"Allyson do it. I'll wait for you downstairs in 15 minutes, go!"
Wala na akong nagawa kundi sundin si Mommy. Dali dali na akong nagpalit ng damit. Simpleng v-neck gray shirt at jeans lang sapat na. Duh, ayokong magdress noh, edi pinagtawanan ako sa school.
Nanaig ang katahimikan sa loob ng kotse. Si mommy ay nagmamaneho habang ako nama'y nakatanaw sa malayo, nakamasid sa kawalan. Halos mabingi ako sa katahimikang bumabalot saamin. Nakakapanibago. Hindi ako sanay na ganito kami. Nahihiya ako sakanya, i failed as a daughter. I'm such a dissapointment to her. Ayoko sanang madisappoint si mommy dahil siya nalang ang natitira sa'kin, sya nalang ang tanging nandyan. I'm just her only child. Si Daddy? Ayun sumakabilang bahay. Sampung taong gulang pa lamang ako nang iwan kami ni Daddy, nasaksihan ko kung gano sya kamahal ni Mommy to the point na nagmakaawa pa si Mommy sakanya wag nya lang kaming iwan. Pero si Dad? I don't think so. But when my mind got awakened, tinanggap ko na na hindi na parte si Dad ng buhay namin and i promised that i will never let mommy hurt again ng kahit na sino. And now? It was i who hurt her.
Hindi ko siya masisisi kung galit siya. Sino ba namang magulang ang matutuwa?
Hindi ko namalayang andito na pala kami sa tapat ng School. Ang awkward ng feeling. Hindi ako sanay ng ganito, na maghihiwalay kami ng may sama sya ng loob saakin though deserve ko naman dahil sa ginawa ko. Ngunit ganon pa man ay di ko parin kinaligtaang humalik sa kanyang pisngi. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang hawakan ako sa balikat ni mommy. Nginitian niya ako kaya naman ginantihan ko rin siya ng ngiti.
"Goodluck."
"Thanks mom."
First day of class. Secondyear college na ako sa kursong medisina. Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng maging doktor. At isa pa, doktora si Mommy, and i want to be like my mother in the future.
Narito na ako ngayon sa Medtech department, dali dali kong kinuha ang aking binder upang kunin ko ang nakasukbit kong COR doon para malaman ang schedule ko netong araw na'to nang...
"Oh shit-" tanging sambit ko nang mabangga ko ang isang babae na siyang ikinasambulat ng kanyang mga gamit. Dali dali niya itong pinulot na ako nama'y parang naestatwa, mukhang hindi narin naman niya kailangan ng tulong dahil sa bilis netong maipon ang kanyang mga sumambulat na gamit.
"Sorry." Paghingi nito ng paumanhin bago umalis. Huh? Should it be her to ask an apology when it's my fault that im not looking on my way? Anyways. Hahakbang na sana ako nang mapansin ko ang isang puting papel na malapit saaking paanan, hindi ko alam kung ano ang nag udyok saakin pero pinulot ko pa din ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/110305190-288-kb910ea.jpg)