1.

108 2 2
                                    

ALEX's POV

Nagsusulat ako ng essay sa english ng biglang,

"MR. APACIONADO!!! GET OUT NOW! GO TO THE PRINCIPAL'S OFFICE!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Ms.Salamat kay Osmar na nakaupo sa likuran.

Napalingon ako sa likod at nakita kong kinuha ni Osmar ang bag nya at lumabas habang tumatawa-tawa pa.

Haynako. Ano na naman bang ginawa ng lalaking to?

Lumingon ako sa kanan ko at kinalabit si Melody,

"Huy. Anyare don?" mahinang tanong ko kay Melo.

"Tss, kasi naman si Osmar binato ng papel si mam, sakto pa sa paglingon ni mam haha!" mahina ngunit natatawang sagot ni Melo.

Aish, pati siya na aabnoy na sa kabastusan nung Osmar na yon. Nako naman.

Tumango na lang ako at bumalik na sa ginagawa ko.

Sa totoo lang ay magkaibigan kami ni Osmar. Matagal na. Pero hindi naman siya ganyan kaloko nung bata pa kami eh. At wala akong idea kung pano siya nagbago.

Basta biglaan ang lahat.

Natapos ang English class namin na nakagawa ako ng essay at nakapagrecite, aside the fact na sobrang nakakainis magturo ni Mam Salamat dahil badtrip siya kay Osmar.

Paglabas ko ay dumiretso ako sa canteen. Sumabay sakin si Melo sa pagbaba ng hagdan pero mula sa 3rd floor na room namin ay sa second floor lang ang pupuntahan niya.

"Bye Alex, see you sa next class."

"Huh? Di ka ba kakain? Lunch na." sabi ko naman.

"Hindi na lang. Sa office na lang ako kakain, marami pang gagawin eh." Sabi naman niya. President kase siya ng Student Council. 4th year na kami. Section A.

Tumango na lang ako at dumiretso pababa sa basement. Nandon kase ang Canteen namin.

Bumili lang ako ng snacks at umupo sa may bandang dulo mg canteen. Marami ng estudyante pero buti na lang hindi pa ko naubusan ng mauupuan.

"Hoy Alex!" Hindi ko pinansin ang tumawag sakin. Kilala ko naman na.

"Naks, peymus ka ba? Bat ka snob?" Ngayon naman ay nagsalita na ko.

"Tumigil ka sa mga kalokohan mo Osmar. Wag ako." Sabi ko sa kanya. Hindi ko pa rin siya tinitignan at bigla na lang syang tumabi sakin. Aynako. Ang kulet naman neto.

"Sungit mo naman. hahaha! Nakita mo ba kanina nung binato ko si Mam Thank You? Grabe epic face! hahaha" Malakas na kwento nya. Kahit kelan talaga.

Inirapan ko lang sya at tumayo na ko.

"Ewan ko ba sayo Osmar. Kabastusan ang ginawa mo. Pero tuwang-tuwa ka pa rin." sabi ko sa kanya habang nililigpit ko ang mga gamit ko.

"Grabe ka naman magsalita. Para namang di tayo magkaibigan." Sabi ni Osmar at napakunot naman ang noo ko.

"Sayo pa talaga nanggaling yan? Bakit? Magkaibigan pa ba tayo? Ni hindi mo nga kayang sabihin sakin kung pano ka ngbago! Kung anong nangyare sayo! Bigla ka na lang naging maloko. Hindi ka naman ganyan noon ah." mahabang sumbat ko sa kanya. Napatingin samin ang mga estudyanteng malapit lang sa table na kinauupuan namin.

"Bakit mo ba ipinagpipilitang sabihin ko sayo? Eh hindi naman kita girlfriend! Hindi mo kailangan malaman lahat!" Sigaw naman nya sakin.

Ramdam ko na buong canteen na ang nanunuod samin, pero wala na kong pake.

Malakas ko syang sinampal at nagsalita ako.

"Kahit kelan, hindi ko pinangarap maging girlfriend ng isang malokong tao! Dahil sa dinami-rami ng mga kalokohan mo, isang malaking JOKE na sa kin ang pagmumukha mo!" sigaw ko sa mukha nya.

"Isa pa, wag ka ng mag-alala dahil hindi na kita ipipilit na ikwento ang lahat sa kin, mula ngayon di na tayo magkaibigan Osmar, at kalimutan mo na rin ang nakakalokong pagkakaibigan natin!". Yun ang huli kong sinabi at umalis na ko sa harapan nya.

Taas noo akong naglakad palabas ng canteen at nagawa ko pang ipony ang buhok ko papalabas.

Hindi ako iyakin, kaya pwede ba walang drama dito.

Dumiretso na ko sa building B para sa next class ko na Science. Pagkarating ko sa room ay umupo na ko sa upuan ko at nagbasa ng libro.

Naramdaman kong may tao na sa unahan at nakita ang matanda kong Professor. Si Mr. Ramos, tinanguan niya ko at binati ko naman sya.

Di nagtagal ay nagumpisa na ang klase at hindi kami nag-iimikan ng katabi ko. Malamang si Osmar yan eh!

"Okay that would be all, class dismissed."

Pagkasabing-pagkasabi ni Mr. Ramos na uwian na ay tumayo agad ako at kinuha ang mga gamit ko. Pero di pa ko nakakalabas ay hinarang na ko ni Osmar sa pinto.

"Tabi." sabi ko sa kanya ng seryoso.

Pero mas seryoso ang mukha nya. Di nga lang bagay.

"Mag-usap tayo." sabi niya sa mababang tono at napatawa naman ako.

"Pasensya ka na Rick. Wala akong oras sa makipagusap sa tulad mo." Sinagot ko sya sa nakakainsultong tono at bahagyang nasaktan siya sa sinabi ko. Lol! biro lang, ano bang alam ko sa nararamdaman nya?

Eh wala na nga akong pake diba.

Rick ang tawag sa kanya ng mga taong di siya close, Osmar naman kapag close at Apacionado naman pag may gingawa siyang kalokohan.

Siya si Rick Osmar Apacionado. Ang pinakamalokong taong kilala ko. Makarma sana sya sa mga pinaggagagawa niya.

Tumabi siya sa daraanan ko at unalis na ko ng room.

Sa paglabas ko ng gate ay desidido na ko. Ayaw ko na syang maging kaibigan pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kalokohan Ni Osmar!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon