I was in shock. Nakatayo lang ako sa harapan ng bintana habang pinapanood silang bumaba ng kotse.
"Jimin-ah! Bro! Nandito kami sa labas!" Sigaw ni Hoseok habang pinipindot pindot yung doorbell.
Shit. Anong gagawin ko? Papasukin ko ba sila? Pag hindi ko sila bubuksan ng pintuan magagalit sakin si Jimin. Hayst naman oh.
"Bro! Gising na! Naman oh" Sigaw ni Namjoon
"Courtney, kanina pa sila sigaw ng sigaw dyan sa labas. Barkada ba yan ng kuya mo? "Ani manang habang nag wawalis
"Ah eh opo, sila nga po yung mga barkada ni kuya. Ah manang pwede po ba ikaw nalang yung mag bukas? Please manang sumakit kasi tiyan ko bigla eh. Cr po muna ako." Ani ko habang hawak hawak ko yung tiyan ko.
"Oh sige. Mag cr ka muna ako na mag bubukas sa kanila" Ani manang. At pumunta na siya sa labas para pagbuksan yung mga ugok.
Tumakbo ako sa kwarto ko para silipin sila sa bintana ko. Hindi namn kasi masakit yung tiyan ko eh. Ayoko lang talaga mag bukas ng pintuan at ayokong humarap kay Yoongi.
Nakita ko na binuksan na ni manang yung pintuan at pumasok silang anim. Nahagip ng mata ko si Yoongi. Ang cool niya talagang pumorma, hindi talaga mawawala yung headphone nya sa tenga nya.
Lumabas ako sa kwarto ko ng dahan dahan para hindi nila ako marinig. Pumunta ako sa gilid ng hagdanan para makita kung ano yung ginagawa nila.
"Manang, tulog pa po ba si Jimin?" Sabi ni Jin.
"Siguro gising na yun. Pinapagising ko kasi kay Courtney kanina eh. Maya maya bababa na rin yun. Umupo muna kayo" Ani manang
"Hyung, bababa daw oh" sabi ni Taehyung kay Hoseok na nakangiti ng nakakaasar.
"Kingina mo Taeh." Mura ni Hoseok kay Taehyung.
Tumatawa ako dito sa gilid ng hagdanan dahil sa mga kalokohan nila. Nang may biglang gumulat sakin sa likod ko.
"Ay Yoongi!" Gulat kong sigaw.
Napatingin ako kung sino yung gumulat sakin. Pag minamalas ka nga naman oh. Yung kapatid ko lng namn yung gumulat sakin.
"Uyy baby sis, ang aga aga si Yoongi na agad bukang bibig mo" sabi sakin ni Jimin na nakangiti ng nakakaloko
Tinignan ko yung anim sa sala. Tumatawa sila ng parang ewan except kay Yoongi na naka headphone at busy sa phone nya.
"Ikaw Courtney hah, may gusto ka pala dito kay Yoongi?" Sabi ni Taehyung na nakangiti na parang ewan.
"Tsk. As if namn na magugustuhan siya ni Yoongi hyung" sabi nung bwisit na Jungkook na yun.
Inirapan ko lang siya at lalakad na sana ako papunta sa kwarto ko ng biglang hawakan ni Jimin yung braso ko.
"Baby sis, san ka pupunta?" Jimin.
"Syempre sa kwarto ko san pa ba?" Sabi ko na naiirita.
"Dito ka muna sa sala. Samahan mo muna kami." Sabi ni Jimin.
"Oo nga Court, samahan mo muna kani dito" Ani Taehyung habang nakangiti na parang ewan.