--VIDEO CLIP--
Sa gitna ng isang malawak na kwarto na may kulay puting pintura at kisame. Isang babae ang walang malay na nakaupo at nakatali sa silya na naroroon. Humpak ang pisngi nito dahil sa ilang araw na walang kain.
Isang tao ang pumasok doon na nakasuot ng itim na damit na katulad ng kay kamatayan. Nakasuot ng isang itim na maskara na tumatakip sa kanyang mukha upang hindi ito makita. May hawak itong matalim na kutsilyo sa kanang kamay at isang malaking gunting sa kaliwang kamay. Nilapag nya ang kanyang mga hawak sa mesa at nilapitan ang babae.
"Masyado ng napapasarap ang tulog mo. Kailangan mo ng gumising upang harapin ang kamatayan mo!" sigaw ng taong 'yon.
Ang boses nito ay talagang pineke para hindi makilala. Malaki at baritono. Nakakatakot.
Sinampal at sinipa niya ang babaeng walang malay. Paulit ulit, hanggang sa ito'y magising. Subalit para sa kaniya hindi pa sapat ang ginawa niyang iyon. Nakangisi itong lumapit sa mesa at kinuha ang kutsilyong nakalapag roon. Walang pasubali niya itong itinarak sa magkabilaang paa ng babae.
Isang malakas na sigaw ang bumalot sa kabuuan ng kwartong iyon. Sigaw na may halong hinagpis at kasamang sakit.
"S-sino ka ba? A-anong kailangan mo sakin?" pautal utal na saad ng babae.
"Gusto mo talagang malaman? Baka magsisi ka at itinanong mo pa sa'kin 'yan?" sabi ng taong nagtatago sa likod ng maskarang suot nito.
Ang taong yun ay nakatalikod sa camera kaya't ng alisin nito ang maskara na suot ay tanging buhok lang nito ang kita.
Bakas sa mukha ng babaeng nakatali ang matinding gulat ng masilayan niya ang mukha ng taong iyon.
"I-ikaw? Paanong nangyaring... hayop ka". sigaw ng babae na nagpupumiglas sa kanyang pagkakatali.
Binalik ng taong 'yon ang maskara sa kanyang mukha at lumayo sa babae upang kuhanin ang isang 'di kalakihang salamin. Tiningnan niya doon ang kanyang repleksyon at saka ito itinapat sa babae.
Mas lalong nagulat ang babae sa nakitang itsura niya sa salamin.
"Ang mukha ko."
Daig pa niya ang may sakit sa sobrang kahumpakan ng kanyang pisngi.
"Ang ganda mo talaga. Nakakatuwa. Hahaha!" halakhak ng taong 'yon sabay hampas ng salamin sa mukha ng babae.
"Aaahhh! Hayop! Anong atraso ko sayo? Bakit mo 'to ginagawa? Wala akong matandaang ginawa sayong masama. Pati ba naman ang mu--" sigaw ng babae pero hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla syang suntukin ng taong 'yon sa kanyang mukha. Tumabingi ang ilong nito at dumugo.
"Anong wala? Kayo nang pamilya mo ay may malaking atraso samin!" sigaw ng taong 'yon.
"Ano? Ano ang ginawa ng pamilya ko sayo?" tanong ng babae habang umiiyak.
Lumakad ang taong yun sa may mesa at kinuha ang gunting. Muli siyang lumapit sa babae at bahagyang lumuhod.
"Wala kang alam kasi wala silang sinasabi sayo. Gusto mo bang sagutin ko yang tanong mo?"
"Oo. At pakawalan mo 'ko dito. Demonyo ka. Napakahayop mo. Tinuring kitang kaibigan. Tinuring ki--"
"Kaibigan? Gawain ba ng isang kaibigan na ipahamak ang sarili niyang kaibigan. Isa ka nga bang maituturing na kaibigan? Baka nakakalimutan mo na kung paano mo ako pinabayaan noon. Akala mo hindi ko malalaman!? Traydor ka. Pareho kayo ng tatay mong walang puso." muling sigaw ng taong 'yon sabay tusok ng gunting sa kanang binti ng babae.
BINABASA MO ANG
PERFECT LIES
Mystery / ThrillerNang dahil sa isang mensaheng kanyang ipinadala... Nagkagulo ang lahat. Nag away away. Nagbintangan. Nawalan ng tiwala sa isa't isa. At nawalan ng pagkakaisa. Ngunit sino siya? Ano ang intensyon niya? Gusto mong malaman? Halika samahan mo akong alam...