Part 2

13 0 0
                                    


ANNA'S POV 

Parang nalaglagan sya ng kung ano man because he looked really down ng malaman nyang aalis ako ng bansa, lalo na't kasama pa si Tony. May girlfriend na sya at dapat hindi ko na sya pinoproblema pa, he had his chance din naman. At sa totoo lang I expected him na umamin sa akin noon, pero instead of saying na he have feelings for me nga. Na hindi lang basta kaibigan ang tingin nya sakin, na hindi lang ako si Anna na pwedeng takbuhan kapag malungkot sya. 

"You did the right thing, Anna." sabi ni Tony habang nakatingin sakin at sinuklian ko naman sya ng ngiti. We're currently waiting na tawagin kami so that we can go board our plane na, pero kahit ganito na I am secretly hoping na pumunta sya and that he stop me for flying abroad. Kasi iniisip ko na pag ginawa nya yun, baka mahal nya talaga ako, baka umiral lang ang pagkatorpe nya, na baka naman ako talaga at hindi yung girlfriend nya. Pero that is just hopeful dreaming lang naman, at kahit piliin nya pa ako siguradong hindi na ako babalik sa kanya. 

Kasi kung gusto nya ako, sa simula pa lang paghihirapan nya ng makuha ang tiwala at pagmamahal ko. Pero ako lang siguro talaga yung babaeng kinakaibigan lang, siguro hanggang doon na lang ako. Bestfriend material lang siguro talaga ako, at hindi girlfriend material. Ng tawagin na ang flight namin ay agad kaming tumayo, pero parang huminto ng ilang minuto ang mundo ko ng marinig kong may sumigaw sa pangalan ko. 

"Anna!" hinanap ko yung pinanggagalingan nung sigaw na yun, at halos maiyak ako ng makita ko si Andre na parang hingal na hingal at pagod na pagod sa pagtakbo. "Mauna ka na, please." tumango si Tony at iniwanan muna kami ni Andre for a while, nilingon ko si Andre na may malapad na ngiti sa labi nya. 

'Tanga nya talaga, pero okay lang yun at least mananatili sya rito sa tabi ko' 'Gano kaya kalala ang katangahan ng isang 'to?' 'Syempre ako ang mahal nya, ako ang pipiliin nya kesa dun sa pipityuging Tony na yun' yan ang mga tumatakbo sa isipan ko na dahilan kung bakit sya nandito ngayon. Kahit anong pilit ko na maging masaya dahil sa hinabol nya ako, mas tumatakbo pa rin sa utak ko yung mga possibility na gusto nya lang ako kapag alam nyang mawawala na ako sa kanya. Yung tipong biglaang uusbong yung takot sa dibidib nya, kasi wala na syang mapapasahan ng problema nya pag nawala ako, ganon na ganon yung umiiral sa akin. I know na ang unfair, at selfish ko na rin dahil hindi man lang ako nakikinig sa mga sinasabi nya. Para ko lang syang pinapanood ng naka-mute, walang pumapasok sa isip ko na mga sinasabi nya, nothing is making sense. 

"Bakit ka ba talaga pumunta dito? Para pigilan ako sa pag-alis? Para ipamukha sa akin na sayo at sayo lang talaga ako bumabalik? Na kahit anong pilit kong pumiglas sa pagkakakapit sayo, ay nanatili akong nakakapit? Bullshit, Andre. And the problem is mostly you, gusto mo lahat ng bagay sayo lang umiikot. That is selfish and very unrealistic, and whatever your reason is kung bakit ka pumunta rito hindi yun magiging sapat para pigilan akong umalis for America." huminga ako ng malalim, daig ko pa ang rapper sa pagsasalita. Mga hinanakit na naipon na lang rito, at ngayon ko lang mailalabas. Siguro nagsawa na rin yung inner Eminem ko sa pagiging mabait ko, kaya ilalabas nya na ang isandaang porsyento ng galit nya.

"Kasi dun sa America may mapapala ako, I am not growing any younger Andre. Mas maraming opportunities sa America, napag-usapan na namin 'to ng Mommy ko, at sya rin ang dahilan kung bat ako pupunta ng America in the first place. Kasi yun yung gusto nya, kasi alam nyang mas makakabuti yun para sakin. So please lang, tama na ha." nginitian ko sya at hinigit ko ang kamay ko mula sa kanya na kanina nya pa pilit hinahawakan, maybe a gesture na wag akong umalis, pero hindi naman ako santo para hawak-hawakan nya ng ganon. Walang mangyayaring milagro kahit tagain ko pa yung kamay ko, at gawing regalo sa kanya para sa birthday nya. 

Muling tinawag ang flight namin, at agaran naman akong tumakbo papunta sa eroplano. Siguro mga three minutes akong tumakbo, at nakahinga lang ako ng maluwag ng makaupo na ako sa tabi ni Anthony. "So? What happened?" imbes na bumulwak ng luha yung mga mata ko, ay natatawa kong kinwento yung nangyari kanina. 

"Damn, I sound like someone in a teleserye. Napakadramatic, punong puno ng kabullshit-an." sabi ko sabay pakawala ulit ng halakhak na abot lang samin ni Tony, nakakahiya naman kasi kung aabot pa sa kapitan ng eroplano yung halakhak ko. 

"To freedom?" tanong nya ng nakataas ang kilay. "To freedom." sabi ko at nakipag-fistbump sa kanya. Although that sounded a little bit cliche, and childish na sabihin na yun ang huli kong iyak. Siguro huling iyak ng dahil kay Andre, ng dahil sa sakit na iparanas na hindi ka naman ganon kaimportante at feelingera ka lang. Pero this may not be my one last cry, this will also not be my last laugh. Mananatili akong masaya hanggang kaya ko, I'll continue to feel because that is what I'm supposed to do naman talaga, to be human enough to feel a lot of things, to be alive and be sure to be living the hell out of life. 


END. 

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon