The Dirt on my Back

87 0 1
                                    

SHORT STORY NUMBeR 2

Bata pa ako nun,. Maliit pa lang ako,. Musmos pa rin ako,.

Hindi ko alam kung paano ito nagsimula, kasi bata pa lang ako noon, siguro maganda lang siya,. Nasa kinder pa lang ako noon, nung una akong umibig, haha! Nakakatawang isipin ngunit totoo!

May isang Play noon, ako ang kalabaw at siya ang sasakay sa akin, tuwang-tuwa ako noon sapagkat napalapit ako sa kanya, pinaghandaan ko talaga ang role na yun! Nagpagawa ako ng maskarang kalabaw! Ayos! Kalabaw ako sa play na ito! Unang play ko eh kalabaw na kaagad ako, laking achievement nito! Sa araw ng play eh, ang role ko eh, sasakay siya sa likod ko!,. Ayos! Ayos! Ayos!

Next Scene… … … …

Nag-parada kami sa buong bayan namin, kasama ko ang parents ko nun, nakita ko ang “crush” ko, tapos, sabay kaming nag-parada ( bungi na ako nung mga araw na yun, nakatabi pa ring yung picture namin), magka-holding hands kami hanggang sa matapos ang parada. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, medyo nadudumi at medyo malagkit!

Dahil sobrang bata pa ako nun, nag-alinlangan ang mga magulang ko na ipasok ako sa Grade 1, ngunit, hindi ito naging hadlang sa pagpasok ko sa paaralan na pinapasukan rin ng aking “crush”. BABALA: Ang mga susunod na kabanata ay hindi pwede sa mga matatanda, maaari po bang pakiantabayanan ng mga bata ang mga magulang nila, kung matanda man ang nagbabasa nito eh, ipagbigay alam sa mga bata upang mabasa rin.

May isang sayawan nun, at kami ay nilahok, Grade 1 na kami nun, katambal ko ang “crush” ko, ngunit, dahil sa hindi ako magaling sumayaw, ipinalit ako sa ibang ka-partner, at iyon ang ikinagalit ko at ikinaiyak ko ng todo! Iyak ako ng iyak, hanggang sa pinayagan na ulit akong i-partner sa crush ko. Tapos wala na agad yung iyak ko dahil magka-holding hands uli kami!, Beh!

Magkaklase kami hanggang 4th year High School, pero hindi ko na siya gusto nun, pagkatapos ng Grade 1 ay tila nawala na yung pagtingin ko sa kanya! College lang kami nag-hiwalay! Nakakasawa na nga eh! Haha! Kung binabasa man ito ng girl na tinutukoy ko eh siguradong masisiyahan yun! BABALA (uli): Dali ako!

Marami ang nakakaalam ng kwentong ito, lalo na ang mga classmates ko nung High School! First Blog ko ito, kaya medyo korny ng konti, pero hintayin niyo ang mga susunod na kabanata!

Super Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon