"Ree! Bangon na!" Pasigaw na paggising sakin ni Jeff habang inaalog-alog yung kama mula sa may uluhan ko, feeling ko nga may earthquake dahil medyo nalulula na ko at medyo masakit na rin yung ulo dahil untog ng untog sa kama pero dahil nga ayaw ko pang bumangon ay wala siyang magawa.
Kayo na ang nagsabi na bakal ang ulo ko dahil matigas, tss.
"Des dali na!" Pilit namang hinihila ni Thea yung kumot na nakabalot sa katawan ko, pero dahil nga nakadapa ako at nadadaganan ang dulo ng kumot ng mabigat kong katawan ay mahihirapan siyang hilain yun.
Push niyo yan mga Beshie! Ayaw ko pang bumangon, hahaha.
Makalipas ang ilan pang segundo ay tumigil na sila sa pinaggagagawa nila, napagod na ata. Narinig ko ang pagrereklamo nila lalo na ng binigyan ko sila ng isang malakas na hilik na kanila namang kinainisan.
Ngayon kasi yung first day ng Outreach Program nila sa San Miguel Elementary School kung saan ako nag-aral, nangako din ako sa kanila sasama ako para makatulong na rin sa mga gawain lalo na't alam kong magiging mahirap yun sa mga tulad nilang mayayaman. Hindi naman sa nagiging judgemental ako masyado, pero siguradong karamihan sa kanila ay maarte which is normal daw sa mga may kaya sa buhay. Pero sa tingin ko meron pa rin namang natitirang may magagandang loob sa kanila, yun nga lang endangered na.
Pero kapag 'tong dalawang to? Babatukan ko sila kapag di nila inayos ang trabaho nila. Aba! Sumali-sali sila sa Outreach Program na yun tapos aarte-arte sila? Di pwede yun noh! Kung pwede lang awayin mamaya lahat ng mag-iinarte ay gagawin ko.
Saka buti na yun para malibang rin ako at makalabas dito sa bahay, buong summer nagkukulong lang ako dito sa kwarto eh. Lumalabas lang ako kapag maypinapabili sila Mama pagkatapos ay babalik ako sa kwarto at magsasoundtrip o kaya naman magbabasa ng libro. Kung minsan naman tumutulong ako sa pagbebeyk kapag may orders, syempre di mawawala ang foods, hehe.
Kaya siguro medyo tumataba na 'ko. Medyo lang ha.
Nang iniinitan na ko sa loob ng kumot ay napagdesisyonan ko nang bumangon, pero laking gulat ko ng wala ang magagaling kong bestfriends. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto pero wala akong naaninag kahit anino man lang nung dalawa.
Baka nasa baba na at nilalantakan yung masarap na luot ni Mama. Ano kayang ulam?
Ibinaba ko ang mga paa, bigla akong napasigaw dahil may mga kamay mahigpit na humawak sa paa ko. Napaupo ako sa kama at pilit na kumakawala sa kapit. Sinisigaw ko na ang pangalan nila Mama at huminhingi ng tulong pero kahit isa at tila walang makarinig. Sinampal ko na nga yung sarili ko dahil baka nananaginipa ko kaso masakit eh.
Baka pinatay na sila ni Saduko?! Wahhh! Sabi ko na kasi kay Jeff na wag namin panuurin yun eh!
Matatakutin talaga ako, feeling ko nga nadevelop na sakin yung phasmophobia o fear of ghosts. Madalas kasi akong pagtripan ng mga pinsan ko, kaya ganun nalang kung gumana yung imagination ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko o kung hindi.
Nang mawalan na ko ng lakas sa kakapadyak ng paa ay taimtim kong dinarasal ang Holy Rosary. Medyo naiiyak na 'ko dahil sa takot, so ganito pala ang feeling na mamatatapos na ang buhay mo?
Dapat pala yinakap ko na sila Mama at nagsorry sa kanila. Dapat ipinagtapat ko na kay Demi na ako yung kumuha nung Tobleron niya. Dapat pala...
Ramdam ko ang pagluwang ng hawak sa mga paa ko. Dahan-dahan kong ginalaw-galaw ang mga ito, pagkatapos ay nag-aalangang sumilip nang makarinig ng malakas na tawanan. Sigurado akong sila Jeff yun, bigla namang umangat yung kama ko na tila may naumpog mula sa ilalim. Padabog akong tumayo ay ibinaba ang tingin sa silong ng kama. At ayun nga sila.
"Mga kapay kamo! Mayang sadi mga abnormal!" (Mga baliw kayo! Halika kayo dito mga abnormal) Gigil kong sigaw sa kanila, alam song sobrang pula na ng mukha ko dahil sa pagkulo ng dugo sa dalawa 'to.
"Hahaha! Kami ba-- hahaha! Ikaw nga pa--- Hahahahaha!" 'Di mapigil ni Thea ang tawa kaya hindi matapos-tapos ang gusto niyang sabihin. Habang si Jeff naman nakahiga na sa sahig namimilipit sa sobrang katatawa.
Padabog akong naglakad at malakas na isinara ang pinto ng kwarto ko. Pumunta muna ako sa banyo para makapag-ayos, nagtoothbrush, itinali ang buhok kong mukha nang alambre at hinilamos ang tila-kamatis kong mukha.
Dumiretso ko sa kusina para kumain, kumuha ako ng chiffon cake at gatas sa Ref. May nakita akong pink note na nakadikit sa harap nito.
Desiree,
Bibisita kami ng Tatay mo kasama si Demi sa Maynila. Isang linggo lang naman kami dun dahil naospital ang Lola Nina mo at kailangang may magbantay sa kanya. May kailangan din naman kasi ayusin na papeles ang Tatay mo. Si Demi naman nagpumilit dahil namiss niya na raw yung bestfriends niya. Kagabi lang namin nalaman ang nangyari sa Lola mo kaya hindi ka na namin nasabihan dahil maaga kang natulog at ayaw ka na naming gisingin pa. Andyan naman sila Jeff, sinabihan ko na sila. Ingat ka diyan, matanda ka na. May iniwan akong pera sa cabinet mo, wag kang gastadora ha.
Magandang Mama
What the?! This is a DISASTER!
JUICECOLORED!!!
❀~❀~❀~❀~❀
Dear DD,
Juicecolored! Need help! Naiwan ako sa bahay kasama ang dalawa kong best friends. Yung dalawang abnormal na yun! Wahhh! Imagine 1 week, one week akong iiwanan nila Mama. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama kaso sa ginawa nila sakin ngayong umaga? Ewan ko lang. Kaya pala walang sumasagot kanina nung nagsisigaw ako, iniwan nila 'ko. Last time na naiwan kaming tatlo ay last year, nung napakawalan ni Jeff yung mga biik.
Pero kahit ganun sana maging maayos na si Lola Nina. Sana maging maganda ang stay nila Mama dun sa Maynila. At sana buhay pa ako pauwi nila, sana makasurvive ako sa kunsumisyon.
Praying,
Desiree T_T
BINABASA MO ANG
THE SEARCH for Desiree's Diary [DD Series 1]
HumorIsang lalaking pantasya ng kababaihan dahil siya'y "The Complete Package" kung tawagin: Gwapo, Magaling, Matalino, Mayaman; pero exception dun ang pagiging dakilang Arogante, Matapobre at Player niya. 'Yan si Brian Josh Sinfuego... Babaeng probinsi...