Chapter 116
Lorenza's POV
"Ayos ka lang ba?"
Bungad sakin ni Karra."Hin..di ko alam kung magiging maayos ako, dahil sa mga titig nila sakin. Ano bang nangyayari?"
Bulong ko.Dumikit narin samin sina Kenneth at Tristan.
"Kinalat ni Lauren sa buong campus na.. may relasyon kayong dalawa ng Dean natin" Ani Tristan
"Ano?!"
Napalakas ang boses ko, biglang sakin muli napunta ang atensyon ng lahat."Maghinay-hinay lang tayo. Hindi niya kasi matanggap ang pagpapahiyang ginawa sakanya Ni Sir.Adamson, at dahil nga maraming nagtataka kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng Dean dahil sa ginawa sayo ni Lauren, kaya naisip nilang baka may relasyon kayo" Dagdag pa ni Kenneth.
"Ano ba ang totoo Lorenza? tsaka nung nakaraang may sasabihin ka dapat sakin, hindi mo na natuloy" Kunot-noo si Karra. Halos lahat sila ay nag-aantay ng isasagot ko.
"Wala kaming relasyon ni Mr.Adamson"
"Kung wala... bakit parang sobrang protective niya ata sayo? favoritism si Sir?" Ani Karra
Hindi ko na kayang maglihim pa sakanila
"Karra, Kenneth, Tristan.. May aaminin ako sa inyo"
"Anong aaminin mo Lorenza? ito ba yung dapat na sasabihin mo sakin?"
"Oo, Karra. Pasensiya na kung di ko naituloy. Pero, a-ayoko nang itago sa inyo.. Patawad"
"Sabihin mo Lorenza.."
Seryosong sabi ni Kenneth"A-ako ang..-
"Okay! stop the noise!"
Dumating namang bigla ang prof. namin. Nailukot ko ang palda ko sa sobrang kaba nun."Ituloy mo Lorenza, kahit nandiyan si Sir"
Kailangan ko na talagang sabihin.
"I have a special, super special announcement"
Napadabog na lang sina Kenneth at Tristan dahil hindi ko maituloy-tuloy ang dapat na sasabihin ko.
"Lahat ng estudyante ay pinapapunta ng Dean sa Gym. No excuses, kailangan niyong pumunta. Walang mag ka-cut class kung ayaw niyong maparusahan ng Dean, may announcement lang ngayon sa Gym. Yun lang"
Agad ding umalis yung prof. namin. Anong annoucement yun? kinakabahan ako.
Wala nang anu-ano'y nagsipuntahan kaming lahat sa Gym.
Naka-upo ang lahat. Nag-uusap, nag-iingay. Walang may nakaka-alam kung ano ang sasabihin saming lahat ni Samuel.
Ano nanaman ba ito Samuel?
Nagtigil ang mga estudyante nang makita si Samuel sa stage. Nakatingin lang ako ng diretso sakanya.
Nakakunot ang noo ko.Hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko.
Pero hindi ako nagpapahalata sa mga kaibigan ko."Good Morning!"
Bati niya saming lahat habang dinadaanan niya ng tingin ang mga estudyante, nadaanan niya rin ng tingin si Lauren. Kaya napangisi na lang ito."Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat dito. Dahil sa isang napaka-importanteng bagay"
AniyaNaikuyom ko ang kamao ko. Wag mong sabihing, sasabihin mo yun dito, ngayon. Samuel??
"Yung nangyari kay Miss Jones, ay nararapat lang na parusa para sakanya. Nilabag niya ang batas ng eskwelahang ito. Ang manakit ng ka-eskwela na walang dahilan. Ang magpanggap na apo ni Don Francisco, na si Lorenza"
Sabay tingin sakin."Pinarusahan ko siya ng ganun.. Hindi dahil sa kumakalat na rumor ngayon, kundi dahil.. Sinaktan niya ang totoong apo ni Don Francisco na ikinulong niya mismo sa stock room"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Umalingaw-ngaw ang ingay ng mga estudyante, ang mga kaibigan ko ay biglang tingin sakin na tila nagtatanong.
Hindi ko alam ang gagawin.
"Si Miss Lorenza Alvarez na sinaktan ni Miss Jones, ang totoong apo ni Don Francisco. Lorenza Guillermo Alvarez!"
Hindi. Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito Samuel? Hindi mo ba alam kung ano ang pwedeng mangyari?

BINABASA MO ANG
SummerTime [Completed]
Romance[FIL/ENG] We have this kind of feeling, That if someone Promised Us. Promises that we think they can grant it. We wait for them, We believe in Them, We have Faith in them. No matter how long it will take. Just to say that, It's Worth the Wait. [Co...