Hello reader's sana magustuhan niyo toh! :) Short Story lang! titled ITS TIME :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Character:
Dominic - (Bulag)
Ana - (Classmate at umaalalay kay Dominic)
Charmaine - New Students
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang nasa Klase sila Ana at Dominic nagsalita yung teacher nila
Teacher: Class! May bago kayong classmates gusto niyo ba siyang makilala?
Class: GOGOGO!
Tumayo si Charmaine at nagpakilala. tapos bigla nalang ng bell kaya uwian na. Nakalabas na ang lahat pwera lang sa tatlo. Si Dominic kasi maraming nililigpit na gamit kasi ang gamit niyang pangsulat ay typewriter na para sa bulag.
Tapos kumakapit si Dominic sa kaliwang balikat ni Ana para maging gabay niya. Napansin ni Ana si Charmaine na wala pang kasama kaya niyaya siya ni Ana at sumang-ayon naman si Dominic.
Sabay na silang umuwi, nakaDORM naman kasi silang tatlo hinatid muna ni Ana si Dominic sa bahay niya tapos naghiwalay na yung dalawa at umuwi na.
Kinabukasan si teacher nagpagawa ng assignment kailangan partner daw. Natuwa si Ana kasi gusto niya makapartner si Dominic kaso naunahan siya ni Charmaine.
Pag uwi nung tatlo sabi ni Charmaine siya na lang daw maghahatid kay Dominic sa bahay. Pumayag naman si Ana kasi naiihi na siya kaya nagmadali na siyang nagpaalam.
Gumawa na ng assignment si Charmaine at Dominic doon mismo sa bahay ni Dominic kasi nga bulag siya baka mahirapan siya makauwi kapag sa ibang bahay.
Kinabukasan sa school magkasabay na pumasok si Charmaine at Dominic. Nagtanong si Charmaine.
Charmaine: Hindi mo ba napapansin na may gusto sayo si Ana?
Dominic: Hindi bakit?
Charmaine: Kasi sa sobrang close niyo parang kayo na eh.
Dominic: Ano ka ba? Bestfriend lang kami :) at wala nang iba pa.
Charmaine: ayaw mo ba kay Ana?
Dominic: Hindi naman.
Charmaine: Eh paano kung sabihin niya sayo na may gusto siya sayo?
Dominic: Hindi ko alam eh, kasi may iba na akong gusto.
Tapos biglang dumating si Ana at umalis na si Charmaine.
Natapos na yung assignment at pasado naman sila. Kinausap ni Dominic si Charmaine na sama daw siya magcelebrate daw sa bahay. Kaso sabi ni Charmaine next time na lang kasi may Dental check up siya ngayon. Sabi rin ni Charmaine na dalin niya bukas yung Jacket niya kasi naiwan niya sa bahay ni Dominic nakalagay sa gilid ng Computer. Tapos umalis na si Charmaine at nagsalita si Ana na magcelebrate daw sila ni Dominic. Sabi ni Dominic may sasabihin daw siya,
Dominic: ANA! wala na bang tao dito sa classroom.
Ana: Bakit?
Dominic: Kasi may sasabihin ako
Ana: Ano yun? kalokohan?
Dominic: Hindi.
Ana: dun na lang sa bahay niyo pag nagcelebrate tayo.
Dominic: ay sige wag na nga.
Ana: sus! sige na nga sabihin mo na.
Dominic: Wala na ba talagang tao?
Ana: Oo.
Dominic: Kasi feeling ko may gusto na ako kay Charmaine. Sa tingin mo bagay ba kami? maganda ba siya? pwede bang maging kami? mamahalin niya din kaya ako?
Ana: ah ganun ba? (Nasasaktan because it hurts) Ahm, sige mauna na muna ako ah. may nakalimutan ako sa library. siguro naman kaya mo naman pumunta sa Dorm mo mag-isa. Punta na lang ako sa inyo saglit lang ako PROMISE.
Dominic: Teka Ana!
Umalis si Ana at nagmamadali. Napaluha siya. Pero kalaunan ay tinanggap niya ito.
Nakauwi na si Dominic! Hinanap niya yun Jacket at nakuha niya ito. Inamoy niya ito at biglang ay pumasok (Charmaine)
Dominic: Uy! Ang bilis mo naman Ana! pasensya ka na ah! hindi ko naman gustong sabihin yun eh. Hindi ko kasi mapigilan sarili ko. Hindi ko rin naman ginusto na mahulog ang Loob ko kay Charmaine.
Charmaine: Nagulat siya.
Dominic: Sana mapatawad mo ko. Please sana wag kang umalis uli Ana. Ikaw lang kasi bestfriend ko ee. saka wag mo sabihin kay Charmaine na gusto ko .......(Biglang hinalikan ni Charmaine si Dominic)
Pagkatapos ay kinuha ni Charmaine yung Jacket at Umalis. Nagsenti si Dominic inaakala niya na si Ana yun kaya hindi siya mapakali. Maya maya dumating si Ana.
Ana: Oh! Bakit na nakahilata diyan.
Dominc: Ah wala!
Ana: Anong gusto mo kainin natin! para magcelebrate
Dominic: Kahit ano.(Kinapa ni Dominic yung Jacket sa Computer at napansin niyang wala na)
Kinuha mo ba yung Jacket dito?
Ana: Hindi bakit?
Dominic: Paki hanap nga baka nasagi mo lang.
Ana: Ano ka ba? wala ako nasagi.
Napangiti si Dominic kasi napag-isip niya na baka si Charmaine yung taong unang pumasok sa bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~