61.

428 34 9
                                    





Suga: Yoonji?


Yoonji: Bakit Oppa?



Suga: Handa na kong umamin ngayon sakanya. 

Yoonji: Napadala mo na Oppa? Support kita! Promise magugustuhan niya yun!

Suga: Yes. Thanks Yoonji :)



Yoonji: Susugudin ko talaga yun kapag hindi niya nagustuhan! Grabeng effort na yung ginawa mo Oppa!

Suga: Sigurado ka magugustuhan niya yun?

Yoonji: Oo naman Oppa! Wag ka kasi mawalan ng pag asa!

-


Yoonji's POV 


Nakatulog ako kaya hindi ko na nakita kung nagreply si Oppa o hindi.

Ilang oras din pala ako nakatulog. Madilim na sa labas nung tinignan ko sa bintana.

Nang tumunog yung tiyan ko hudyat na nagugutom ay nagpasya akong bumaba. 

Kumuha ako ng pagkain sa ref at nilagay sa lamesa. Napatingin ako sandali sa kusina. Ano yun?

Dahil sa curiousity'ng nararamdaman ko ay tinignan ko nalang kung anong nasa kusina. 

Nang makita ko kung anong nandun ay muntikan ko ng mabitawan yung hawak hawak kong baso buti nalang at napigilan ko ang sarili ko.


Bakit nandito yung mga pinamili namin ni Oppa?!

Lahat nandito, May  bouquet ng bulaklak na kulay pink, May box na nakalagay sa tabi ng bouquet, may isa pa uling box na parang lalagyanan ng sapatos (kaparehas nung binili namin ni Oppa), sa tabi naman nung mga box nandun yung dalawang stuff toy na may kasamang chocolates. 

Ano bang meron bakit nasa akin ang lahat ng to?





❝ oppa | myg ❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon