BOTE (One Shot)

212 6 14
                                    

Julla’s POV

Here I am. First man who stepped foot on Jupiter.

Charaughtera! Dejoke lang. Medyo bakasyon lang.

Beach camp ganern.

Before umalis sa amin, nakausap ko ang bestfriend ko.

**FLASHBACK**

 Teeeeh! Diba may bakasyon kayo?” tanong ng bestfriend ko.

ANO NA NAMAN BA BALAK NITO?

“Oo. E ano?” Sabi ko naman.

Sa tono ng salita ko halatang alam niya na alam ko na, na may binabalak sya.

“Eto naman sungit.” Aba’t nagpout pa!

“Hoy! Itigil mo yan. Mukha kang pato.”

“Hmp! Manang! Eee. Kasiii.. Makinig ka na lang! Interesting to! Trust me!"

INTERESTING? By the looks of her face, PARANG HINDI NAMAN!

Maybe, I should give it a try. Wala naman mawawala.

“May magagawa pa ba ako? Kahit sabihin kong wag na, magsasalita ka pa rin dyan! O bilis! Spill! 1 minute!”

“Ay ganon? MAY TIME?”

“60– 59—”

“HOY HOY! Teka lang! Eto na!”

“57..”

“Grabe naman. One minute na nga lang, nagmamadali pa!”

“HOY! ANO NA?! 50 na!”

“Eto nga! May nakapagsabi kasi sakin na maglagay ka daw ng papel sa bote na may pangalan at address mo tapos itapon mo sa dagat! Ang makakakuha nun, siya yung soulmate mo!! Kyaaaa!! Hiningal ako dun ah!”

“Tama yan, hingalin ka para mamayat ka naman! Dami mong alaaam!”

“ETO NA NGA OH! PREPARED NA! GINAWAN NA KITA!” Kinikilig niyang iniabot sa akin ang bote.

**END OF FLASHBACK**

By the way, di siya basta-bastang bote. May nakalagay na papel sa loob. Of course, it's sealed. With my name and address written on it. Like seriously bestfriend, we're only second year highschool, at ito agad ang iniisip niya. SOULMATES.

Palibhasa siya, maraming chenes! Kahit mataba, MARAMING SYOTA!

 Ang daming alam. Tsk tsk.

Anyway, I'm Julla. Pronounced as 'dyul-ya' not 'hu-la' and not 'dyu-la'

And yung luka kong bestfriend, siya si Sheena. Kahit ganyan yan, mahal ko yan. We've been friends since I can't remember.

Anyway, back to where we are. We're on our way to... I don't know, somewhere in Batangas I guess? So, THIS. IS. IT. Eto naaaa! Gosh, I can't believe myself, naniniwala ako sa mga ganito?! Phew! Let's just wish na maganda ang outcome nito! :)

1..2..3.. *Tapon si bote*

BYE BOTE! SEE YOU WHEN I SEE YOU! SEE YOU SOULMATE TOO!

Tapos na ang bakasyon. Nakauwi na rin kami. I had fun, really. t'was so cool!

Pero wala man lang lumapit saking gwapo na nakapulot ng bote ko. Of course, nag-expect na rin ako. Haaay.

Sana maganda ang kalabasan nito. Nako! Patay ka talaga sakin Sheena! Babawasan kita ng taba! Promise!

3 years later

 

*DING! DONG!*

Could it be? *subconscious walks in: Seriously, you're still hoping? -_-* *subconscious walks out*

Oh shut up. I'm still excited!

"YAAAA! PABUKAS NG GAAAATE!"

Maya-maya pumunta siya sa kwarto ko dahil ako daw ang hinahanap ng tao sa labas.

WAAAAA! ETO NA! KINAKABAHAN AKO! MALAKAS ANG FEELING KONG SI SOULMATE NA 'TO!

Dali-dali akong bumaba sa living room at nakita doon ang dalawang magkasing-salungat na lalaki.

BAKIT?

Yung isa mukhang PRINCE CHARMING, yung isa naman mukhang PAUPER!

WAAAA! LORD! SANA PO YUNG PRINCE CHARMING NA LAAAAANG!

Unang tumayo si Prince Charming.

Kyaaaaa >/////< Siya kaya?

“Hi. I’m Kenneth…-”

 

AAAYYY! SIYA NGAAA!



 

“—sinamahan ko lang ang boy namin dahil nakita raw niya na dito ka matatagpuan.”

Yung ngiti ko kanina, biglang nawala. Gusto ko na lang umiyak.

“AH?! Ah! OH?! Di kita maintindihan. Anong kailangan niyo sakin? Baka naman nagkakamali ka? Kayo?”

Waaaa LORD! Bakit ganto! Nabibingi na yata ako. LOOOOORDDDD!

Bigay niyo na po sa akin yung pogi at hindi yung isang.. you know..

Don’t get me wrong Lord. Minsan lang naman ako makahanap ng pogi eh!

Tumayo yung isang lalaki at nagsalita. Hawak-hawak niya ang bote na itinapon ko 3 years ago.

Magsasalita pa lang siya pero inunahan ko na.

“AY! AY! Hindi sa akin yan! Nagkakamali ka! Bagong lipat lang kami dito! A week ago!”

 

“Bakit nakalagay dun RAMIREZ Residence?”

 

Oo tama. Ramirez apelyido ko!

“Oo nga? Ah- eh-! E-Enriquez apelyido ko! Oo tama! Hindi pa namin napapalitan dahil nga bago pa lang kami dito diba? *insert fake smile here*”

LAST NA TO LORD. KANINA PA KO NAGSISINUNGALING. SORRY PO! HUHU.

“G-Ganun ba? Sige sa-salamat na lang.”

“Teka.” Lord hindi ko masikmura ang kasinungalingan ko! Kaya sasabihin ko na ang totoo.

“Bakit?”

 

Ay! LORD! Patawad talaga! HINDI KO KAYANG SABIHIIIIIIN!

“AH! WALA! SIGE! ALIS NA KAYO! WALA NA AKONG BALITA SA MGA RAMIREZ E! NANGIBANG BANSA ATA? AH BASTA! INGAT KAYO! BYE!"

HINDI AKO MASAMANG TAO! PROMISE! SIGURO pag nagkita ulit kami handa na akong sabihin sa kanya na ako nga yung tao na nagtapon sa dagat ng BOTE!

Hindi ako prepared no! Alam niyo na! Sobra akong nag-assume na si 'soulmate' ay fafa.Tapos yun ang makikita ko? Next time siguro, pag nagkita kami ulit SOULMATE TALAGA KAMI!

AY! Paalala! WAG NYO NANG SUBUKANG GAWIN ANG MGA GINAWA KO HA? DAHIL FOR SURE,  MANGINGISDA LANG MAKAKAKUHA NUN! Hoho. Para kasing mangingisda rin yung akin eh. XD

--

A/N: Hindi ako galit sa mangingisda. Marangal sila! Wala lang akong masabi. Pasensya na po! First time kong gumawa! Once again, hindi ako nangmamaliit. :)

VOTE AT COMMENT! Thankiiieees! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOTE (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon