Noong unang panahon si mandarangan at ang kaniyang asawa na si sandawa ay nakatira sa bundok apo at silang dalawa ang pinagmulan ng lahat ng lahi .Nagkaroon sila ng tatlong anak na immortal sina Magindara,Lumad, at Dakila. Si Magindara ang naatasan sa tubig, Si Lumad sa lupa ,at si Dakila sa Hangin.Si Lumad ay umibig ng isang mortal, sila at ang kanilang mga supling ay gumawa ng mga tribu na mangangalaga sa kalikasan. Kusang isinuko ni Lumad ang kaniyang pagiging isang immortal para makasama ang kaniyang minamahal.Pinili naman ni Magindara na huwag umibig para hindi malumbay ang kaniyang inang si Sandawa ......lumipas ang mahabang panahon at siya ay nanatiling immortal at sinasabing siya ay naninirahan sa lawa ng Venato.Si Dakila naman ay nagtatag ng kaharian sa tuktok ng bundok apo at tinawag niya itong avila kung saan nakatira ang kapareho niyang taong ibon na kung tawagin ay mulawin......dahil sa kasakiman ng mga tao nasisira nila ang katubigan,lup at himpapawid, nanatili naman sa kapayapaan ang mga mulawin ngunit hindi sang ayon dito ang iba sa pamumuno ni Ravenum. Ninais ni Ravenum na maghasik ng labanan sa sangkatauhan dahil sa pagkakasira ng kalikasan. Tumiwalag si Ravenum sa mga mulawin at nagtatag ng kaharian sa minahan ng Halconia. Sa paglipas ng panahon nagbago ang kanilang mga anyo at nakilala bilang mg ravena. Mula noon hanggang ngayon naipit sa digmaan ang buong sangkatauhan ----digmaang MULAWIN LABAN SA MGA RAVENA...........