Hiatus

69 4 0
                                    

Alyssa's

Sigh. Another normal day in Ateneo, pakonti-konti na ang students since malapit nang matapos ang 2nd sem. But still, ganito pa rin kapag naglalakad ako sa campus... well at least lesser people.

"Hi Lyyy!!!"

"Hi idol!"

"Idol pwede magpapicture?"

Kahit nagdisband na kami ng WAFS at tinigil ko na ang modeling before ako pumasok sa Ateneo, wala pa rin silang palya sa pagpapapicture and autographs. Not that I don't like it or anything, I appreciate them a lot. Kaso ang reason nga na tinigil ko pagbabanda ay para maging isang normal average student na lang. Hindi nga pala ganun kadali.

"BALDO!"

"BALDADO!"

"BALDE!"

Kilala ko tong mga ugok na to. Sila lang naman ang tumatawag sa akin ng mga ganyan eh.

Nilingon ko sila, "Oh?"

"Wow pre, magpakita ka naman ng kahit konting kaligayahan na nakita mo kami." Sabi ni Ara.

"Bakit ba kayo nandito?"

"Aray Baldo ha. You sound like you don't want us here." Sabi ni Kim at nagpout pa. Kadiri talaga to.

"Tangina pre! English pa more!" Tukso ni Mika at binatukan nilang dalawa ni Ara si Kim

"Tigil-tigilan mo yang kakapout mo Kimang ha. Kurutin ko yang labi mo gamit ng nailcutter eh." Sabi ko

"Ang merciless mo talaga dude."

"Oh ano ngang sadya niyo rito? Wala na bang pasok?" Magkaklase nga pala ang tatlong itlog na to, sa DLSU.

"Wala na. Nagpasa lang ng papers. At, nandito kami para sorpresahin ka pre!!" Sabi ni Mikang

"Sorpresa? Anong sorpesa ba yan at galing pa kayong taft?"

"Alam namin na tututol ka rito, pero bro---"

"If this is about the band, alam niyo na nga ang sagot ko guys."

"Bro nag-offer si Sir Mike, ito na yun bro. Tutal magbabakasyon naman at nasa kalagitnaan na tayo ng kolehiyo..." -Kim. Si sir Mike, manager namin at business partners sila ni papa. Siya yung tumulong sa 'min nung nagsisimula pa lang ang banda.

"Makakapagperform na ulit tayo pre, tsaka may kita rin to. Although alam namin na di mo na yun kailangan dahil sa sobrang yaman mo." Si Ara.

"Ly di mo ba namimiss ang pagbabanda? Di ba nga passion natin yun? Sabi mo nga dati na gagawin mo ang lahat makapagtugto---"

"Dati yun, Miks. Things change, as well as my passion." Nagsimula akong maglakad

"Aminin mo nga sa 'min, Ly. Hindi lang ba ang pagpasok college ang dahilan ng pag-alis mo sa banda natin?" Tanong ni Ara. Napatigil ako.

Tama siya. Hindi lang yun. Dahil rin sa naging girlfriend ko 2 years ago na technically, ex ko na ngayon. And yes, I'm pansexual. Nawalan ako ng williingness in doing my passion dahil sa kanya. Siya lang yung inspirasyon ko sa pagtutugtog dati, but I stopped nung iniwan niya ko. We WERE contented, happy. For me, she WAS home.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hold My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon