Chapter 8: Part 2

181 99 31
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas simula nong umalis si ate at sa ilang minuto na yun hindi ako mapakali, maraming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko kung bakit hindi pa sya nakabalik? Nasaan naba siya? May Plano pa ba syang balikan ako dito?

Hanggang sa napag desisyonan ko na sumunod nalang sa kaniya. Habang naglalakad ako napapahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot ito, paminsan minsan din napapahinto ako para i relax yung katawan ko nauubusan nadin kasi ako ng lakas.

Sa paglalakad ko natanaw ko na yung kotse namin na nakabaliktad at wasak yung ibang parte nito, agad namang hinanap ng mga mata ko si ate at para bang bumigat ang loob ko ng makita ko syang nakahandusay.

"Ate? Ateeeeee!!" Sigaw ko habang nagkakandarapang tumatakbo papunta sa kaniya. Habang papalapit ako ng papalapit lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko ng makita ko ang sitwasyon niya at kusa nalang nagsibagsakan ang mga luha ko. Sa isang kamay hawak niya ang digicam ko at sa kabila naman may hawak sya na arrow. Teka pano nagkaroon ng arrow dito? Agad ko namang napansin na may sugat sya sa binti, siguro pinana sya upang di makapaglakad pero tinanggal niya ito. May tama din siya ng mga baril dalawa sa dibdib niya at isa sa balikat. Napahagulhol nalang ako habang sinusuri sya, hinawi ko ang mga buhok na nakatakip sa mukha niya may mga dugo na din yung bibig niya.

"NO NO NO! YOUR NOT DEAD ATE. I CAN FEEL THAT YOUR STILL ALIVE. PLEASE HOLD ON! PLEASE" sabi ko kay ate habang niyayakap siya hindi pa din ako nawawalan ng pag asa na mabuhay siya.

She's A Heartless Mafia Boss Grand Winner&Best in Action (Chrisffy_05's B' Cont)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon