Pack Meeting
Zander's POV
"Anak gising na. Naghihintay na sa baba ang daddy mo." sabi ng isang tinig na kahit kelan di ako mag sasawang pakinggan.
"Hmmm..Sige po ma,paki sabi kay daddy bababa na ako." sabi ko kay mommy pagkatapos ko siyang yakapin. Di porket Alpha na ako di na ako malambing kay mommy. Syempre mama's boy kaya to. (Shh.secret lang ha.:D )
"Okay baby boy. Dun lang kami sa dining room. Hintayin ka namin mag breakfast." sabi ni mommy habang palabas ng kwarto ko.
Ginagawa ko na dapat gawin bago bumaba.Naligo at nag toothbrush. Nakakahiya naman pag bumaba akong amoy "agahan". Hahaha.
"Dad.Ang aga pinatawag niyo agad ako anong meron?" tanong ko kay dad. Medyo strict yan samin ni Max para daw lumaki kaming mga mamatinong lalaki. Worth it naman lahat ng pag papahirap niya samin pag dating sa training.
"Well anak,may meeting ka mamayang 10:00am at tandaan mo 'wag iinit ang ulo mo kung may di ka nagustuhan sa mga sinasabi ng kapwa mo Alpha's. Dapat pakita mo na cool ka lang. Dahil mas matatakot sila sayo pag di mo pinakita ung galit mo ng harap harapan. Alam mo namn ibig kong sabihin di ba." Grabe ang haba ng sinabi ni dad. Para namang nakalimutan ko. -_- ,kada meeting ko 'yan na litanya niya sa akin.
"Dad,alam ko.Don't worry d ako gagawa ng gulo.Trust me." pabiro kong sabi kay dad.
"O siya sige. Puntahan ko na mommy mo at namimiss na daw ako."natatawang sabi ni dad. Nakaka inggit talaga sila ni mommy. Balang araw mararanasan ko din yan.
"Okay dad. Alis na din ako."
"Okay.Bye son. Ingat."
-____--____---___----___-
At the Pack House Meeting Room
"Alpha Zander,buti at dumating ka na." sabi ng isa kong kasamahan na alpha. Kahit kelan talga panira ng araw ko ang isang to.
"Well,mabuti nga at dumating pa ako." sarcastic kong sabi.
"HAHAHAHA. Patawa ka tlaga Zander,kaya gusto kitang bata ka." abaa naman! ginagawa pa akong clown ng isang to. Nag aalab naman sa galit si Rexus pero pinigilan ko nalang.Remember ang sabi ni dad sa akin eh wag maging maiinitin ang ulo.
"Simulan na natin 'tong meeting na 'to at may pupuntahan pa ako." sabi ko kay Alpha Ross. Sa lahat ng alpha siya ang pinaka hindi ko kasundo.
"Hmm,mukhang may importante kang lakad Zander-..." pinutol ko na sasabihin niya dahil maiirita lang ako.
"Alpha Dom simulan na natin ang meeting." Sabi ko sa isa pang Alpha na pumapangalawa sa akin bilang isa sa mga malalakas na Alpha dito sa lugar namin.
" Aba't wala kang modo.Nag-..." pinutol nanaman ang sasabihin ni Alpha Ross.Hahaha. Masyado kasing madaldal.
"Okay. Alpha Ross at Alpha Zander mag sisimula tayo." sabi ni Alpha Dom. Walang choice si Alpha Ross kundi manahimik.
.
.
."So napag-desisyunan na, na ang lupa na malapit sa teritoryo mo Alpha Ross ay mapupunta kay Alpha Zander. Mas magagamit niya ng maayos iyon kaysa sayo." Pahayag ni Alpba Dom na nagsisilbing host ng meeting ngayon.Total ang meeting namin ngayon eh tungkol sa isang lupain na nasa gitna ng teritoryo namin ni Alpha Ross.
Eh hindi niya naman ginagawa ng maayos ang kanyang responsibilidad bilang Alpha. Ako na ang hahawak sa lupain na yun."Pero mas malapit yun sakin kesa kay Zander,Dom. Bakit Sa kanya mo agad ibibigay?" Galit na sabi ni Alpha Ross.
"Alam mo kung bakit Ross." Sabi ko naman sa kanya na may ngiti sa aking labi.
"Kung tapos na ang meeting na 'to aalis na ako. Bibisitihin ko ang kalapit na pack na pinag mulan ng aking ina. Ikaw na ang bahala sa kanya Alpha Dom." Nag mamadali kong sabi sa kanila.
Balak pa sana mag salita ni Aplha Ross ngunit pinigilan na siya ni Alpha Dom.
Kinontak ko naman ang kapatid ko dahil may iuutos pa ako sa kanya.
"Max,pupunta na ako sa Ivor-Meadow Pack. At ikaw ang Beta ko ikaw muna bahala dito sa pack." Sabi ko sa kapatid ko at beta ko na si Max. Gamit ang mind link namin."Aye.Alpha bro. Ako na bahala dito." sabi namn ni Max. Ganyan talga yan. Childish. Pero malakas yan tulad ko.Mas malakas nga lang ako.
"Sige. Alis na ako.Babalik din agad ako bukas." paalam ko sa kapatid ko. At in.off ko na ang link. Mahirap na madaldal din yun.
Hmm,maganda ang pakiramdam ko sa pag babalik ko sa Ivory-Meadow's Pack.Hindi tulad dati.Bakit kaya.?
-to be continued.
BINABASA MO ANG
The Alpha and His Precious Mate
WerewolfZhiel A. Castro, 23 years old isang mabait na she-wolf na ilang beses ng umasa at nagmahal, at ilang beses na din na pinaasa at niloko. Mag-titiwala pa ba ulit siya o mag-mamahal? O habang buhay na siyang nag-iisa. Zander James I. Benson, 25 years o...