CHAPTER 2

0 0 0
                                    

I tried my best not to stare at him. Natapos na yung first song nila  4 songs na lang.

Hindi ko alam kung namalik mata lang ako or talagang napatingin siya sa gawi namin ni macky. Ano ba zabe! Wag ka assuming! Baka kilala niya si macky dahil magpinsan sila ni shan.

Nag focus na lang ako sa pakikinig sa kanila i just close my eyes habang nagpeperform sila. Ang weird pero damang dama ko bawat lyrics na binibitawan nung lead vocalist nila na si Wade halata na binibigay niya ang kanyang puso sa pag kanta.  

Last song na. Biglang nag salita si wade.  

"So this is our last song. Well hindi dapat ito ang last song namin. But our guitarist request this song. And he'll be the one who'll sing second voice lang muna ako. Hahaha i hope you guys enjoy our performance for tonight! Thank you! And we love you!"

(Photograph by ed sheeran)

~Loving can hurt, loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know

When it gets hard, you know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive hm hm. ~

Nananadya ba siya?

~We keep this love in a photograph

We made these memories for ourselves

Where our eyes are never closing

Hearts are never broken

And time's forever frozen still~

Memories na nga lang at itatago ko na lang yun sa sarili ko.

~So you can keep me

Inside the pocket of your ripped jeans

Holding me closer 'til our eyes meet

You won't ever be alone, wait for me to come home~

Too late Nero. Tapos na akong mag hintay at magpakatanga.

Nag paalam na ako kay macky na uuwi na ako. Nag insist siya na ihahatid na niya ako dahil delikado pero pinilit ko siya na huwag na dahil kaya ko naman. Sasama pa siya kay shan dahil may celebration pagkatapos ng concert.

*

Hindi ko mapigilang isipin siya. Tsaka ko lang na realize na, ANG TANGA KO. Bakit ko naman inisip na para sakin yung kanta na yun? Hindi ba pwede na para sa iba yun?

Ang layo na ng narating niya.  Akala ko mag tutuloy siya ng medicine hindi pala maybe sinuportahan na siya ng parents niya sa gusto niya.

Flashback.

High school.
Sabi nila pinaka masaya daw ang high school life. Pero para saakin ay hindi.
Hindi masaya ang mga hindi maiiwasang bully sa school.

Sa high school life, pinarealize sakin na hindi ako sapat. Hindi sapat para sa kahit anong pwesto. Common lang ako at hindi kailanman mag stand out sa kahit anong larangan.

I'm not even good at sports. That's the Truth. Hindi ako magaling sa math dahil hindi naman ako natural na matalino.

Ang hirap makibagay sa mga tao. Ang hirap makipag kaibigan sa kanila, buti na lang at may naging light sa high school life ko. My Best friend Cassey. Unlike me she's so confident and jolly at the same time plus the looks and her model-like features but the most important is her kind and warm heart.

Habulin ng guys si Cassey, pero walang nagtatagumpay sa puso niya. Career at studies ang priority niya.

"Cassey pinagtitinginan nila tayo oh. i mean sila nakatingin sayo kasi ikaw si Cassey and i bet lahat sila galit sakin dahil kasama nanaman kita." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Hays besh okay lang yan! Best friend kita at wala silang magagawa! Don't mind them at mga insecure lang yan sa ganda mo!" i can't help to smile dahil sobrang positive niya talaga.

3rd year.

Mas naging complicated ang lahat. Ang matagal na pangarap ng family ni cassey ay matutupad na. Magma-migrate na sila sa Canada. Masaya ako para sa family nila pero hindi ko mapigilan malungkot dahil mawawala na ang best friend ko.

"Besh mamimiss kita, wala nang Cassey na mangulit, wala nang Cassey na magtatanggol sa akin, wala nang Cassey na best friend ko." sabi ko habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.

"Besh may facebook na kaya! Wag ka nga umiyak at naiiyak na din tuloy ako! At kahit anong mangyari best friends pa din tayo!" ani ni cassey na nanggigilid na rin ang luha.

"I will miss you! Ingat ka sa mga foreigner dun ha! Wag papaloko!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Mamimiss din kita! Oo naman takot lang nila sakin!"

Alam ko na mula noong araw na yun ay lalong mag iiba ang buhay ko.

Change is inevitable.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Holding BackWhere stories live. Discover now